* Chapter 4 - What If

39 3 4
                                    

"Bro, kamusta! Long time no see, ah?" Tanong ni Arvin kay Van habang apat kaming nagbabantay sa mga anghel namin.

Ngayon ko lang na-realize. Oo nga, matagal na pala no'ng huli silang nagkita-kita. Wala pa kami no'n, nabalitaan ko lang at naikwento lang ni Vin sa'kin no'ng nakaraan. Naging busy na sila sa kani-kanilang studies then, work, then every thing. 'Yung communication, hindi naman nawala pagkikita lang in person.

Habang nag-uusap pa 'yung mag"bro" hindi ko magawang hindi ngumiti... Alam niyo kung bakit? Habang si Arvin animated na animated with matching hand gestures pa kung magkwento...

Si Van naman ayun, hawak pa rin 'yung kamay ni Nielle. Oh my gulayyy! :">

Siguro naman, kilala niyo si Nielle 'di ba? BFFs kami niyan at nakilala ko siya no'ng fan girling days ko. Tapos tanda ko, super avid fan pa ako ng VaNielle. Hindi ko makakalimutan na every 19th of the month, monthsary nila. HIHIHI.

Tapos... tapos....

"Huy, Anne!"

"Ha?" *blink, blink*

"Kanina pa ako nagtatanong dito, hindi mo naman ako pinapansin! Nakatitig ka lang!"

"Hahaha! Sorry naman. Pa'no, tagal natin hindi nagkita tapos bigla kayong susulpot dito? Syempre, titig muna sa best friend ko. Na-miss kaya kita! Ba't ba kasi napakalayo niyo, ha? Parang dati lang eh!"

"Eh kasi, alam mo naman. Gusto ng mga lolo at lola, sa kanila daw lumaki ang po. Ayun, hindi naman kami makatanggi. Ang saya-saya nila Papa tignan kapag kalaro si Nelle, kahit si Mommy Armi eh."

"Sus, okeh fine. Sorry nga pala ah. Last na dalaw namin sa inyo, wedding niyo pa. Dami kasi naming inaasikaso eh. Tapos magkaro'n ka pa ng anak na napakaspoiled at napakakulit. Pag-aalaga palang, pagod na ako. Hahaha!"

"Manang-mana kay Arvin pagkakulit ah?"

"Kaya nga eh. Pero buti si Nelle hindi namana kabaliwan mo, ano? HAHAHA!"

"Tse. Pero ano... Kaya nga eh. Kundi kunsimisyon kami ngayon ni Van. Hahaha!"

In the midst of ourr chikahan time, tumakbo 'yung mga kids papunta. They look so tired yet hindi mo maikakaila sa faces nila na ang sasaya nila.

"Viorel! 'Wag kang masyadong takbo ng takbo, asthmahin ka na naman eh." Saway ni Vin. Pa'no, the last time na nagtatatakbo ng husto, ayun halos dalawang linggong in-asthma. Sa dami-dami ng pwedeng makuha ng anak ko sa'kin, eh asthma pa. Jusko.

"Eh, I'm okay Daddy. Promise! Tsaka we went back kasi we're tired na rin eh."

"Mom, pahingi po ng water." Gagalaw palang sana si Nielle, kinuha na ni Van 'yung bag ni Nelle tapos siya na nagbigay ng water sa anak tapos 'yung loka. nakangiti lang habang tinitignan ang mag-ama.

Such a cutie!

Don't get me wrong, ha. Alam kong nagka-crush ako kay Van dati pero please, 10 years ago pa 'yun. Tsaka saglit lang 'yun kasi kahit dati, marinig/mabasa ko palang 'yung VaNielle, kinikilig na ako. What more pa kayang ngayong may Arvin John Paolo Felicisimo Boyon na ako, 'di ba? Mahal ko kaya 'ya, sobra-sobra!

"Psst, baby! Malusaw naman sila Van niyan. Ngayon na nga lang natin nakita ulit, lulusawin mo naman." Bulong niya sa tenga ko sabay tawa.

"Tse. Cute kaya nila." Sabay sapok ko sa tagiliran niya. Magkatabi na kami ngayon sa likuran nila habang inaalalayan pa rin ni Van si Nelle uminom ng water at si Nielle naman, kinakausap si Viorel.

Maya-maya lang, may bigla akong naalala at napatawa ng wala sa oras pero buti nalang, mahina lang at si Arvin lang nakapansin.

"Oh, asawa kong baliw. Ano na naman 'yan?"

"Baliw, tss. Baka ikaw baliw... Baliw na baliw sa'kin. Hahaha! *bleh* 'De, kasi naalala ko lang dati. Alam mo ba na nagkaro'n ng moment na nawala 'yung VaNielle, no'ng nagshift si Nielle sa'yo no'n. Tae, tandang-tanda ko 'yun kasi super broken hearted ako kasi #1 fan kaya nila ako."

"Hindi ko maisip na kahit pala anong gawin, sila at sila pa rin sa ending. Na kahit naging VaNielle siblings pa sila dati kaso ang kaibahan lang, kung sa magiging magkapareho sila ng surname kasi "siblings" sila, ngayon kasi kasal na. Nakakatuwa lang."

"Pfft. Grabe, naalala mo pa 'yun? Hahaha."

"Shut up nga, 'wag mo 'ko tawanan. Tsaka syempre, maaalala ko 'yun no. #1 fan nga, 'di ba? Tara nga, yayain mo sila mag-ikot ikot tayo."

"Galit ka na niyan?"

"Hindi po. Nakakainis lang kasi parang ikaw hindi mo na maalala. Eh no'n din kaya kita halos unang kinausap ng sobra. Sabagay, sino nga ba naman ako no'n para maalala mo. Eh sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapang mapansin mo sa Twitter, baka nga naman maalala mo 'ko."

"Asus, 'yung baby ko po nagtatampo." *hugs*

Nagulat ako kasi bigla akong niyakap ni Vin sa likod. HUHUHU. Arvin, why you so sweet?

"Syempre 'di ko kayo makakalimutan no. Ikaw, si Nielle, si Maan, si Des, tsaka si Jerrica! Kayo pa 'yung lagi kong kausap sa WeChat no'n, lagi namin kinukulit ni kuya Marcus. Nagtampo nga 'yung Arvinatics no'n kasi sa group niyo sa WeChat, lagi akong may paramdam tapos sa kanila daw, bihira. Tsaka naalala ko pa no'n din 'yung nagmall show kami sa SM Manila. 'Yung hinabol mo pa nga ako no'n para lang makapagpa-picture. Hindi ko makakalimutan 'yun kasi sinabi pa ni Jee sa'kin no'n na 'yung kaibigan niya raw, muntik pang sumubsob sa sahig kasi hinawi daw ng guard no'ng manghihingi ka sana ng favor sa kanya na pa-fan sign para kila Nielle. Tapos no'ng InstaParty pa ata 'yun, lagi kitang nakakausap no'n. Ikaw lang 'yung nang-aaway sa'kin do'n! 'Yung halos sapukin mo ako kasi pinagti-tripan kita no'ng nagpi-picture tayo. Hahaha! Tapos pa'no ko pa makakalimutan 'yung madalas na nagtu-tweet at nagpapasalamat pa sa'kin kasi hindi ko siya pinapansin. Sa dami ng nagtu-tweet, ikaw lang naman 'yung gano'n. Baliw ka kasi. Hahaha!"

Okay, sa totoo lang, nagulat ako. Akala ko, ako lang 'yung nakakaalala no'ng mga moments namin ni Vin kasi hindi pa naman kasi niya ako kilala talaga dati.

Naiiyak ako na ewan. Tears of joy lang?

"Kaya 'wag na po magtampo, ha? Kung ayaw mong kwentuhan pa kita ng napakarami at paghintayin pa sila ng matagal."

"Hahaha. Okay fine. Hindi na po, bati na po tayo. Hindi na po ako nagtatampo. Hayy. Ba't ba hindi ako manalo-nalo sa'yo, ha?"

Ba, tinawanan lang ako no'ng loko. Tama ba 'yun? Hmmp. Nakita niya ata na naeewan na naman ako dito kaya hinawakan 'yung kamay ko at hinatak na ako papunta sa kanila.

"Ikot-ikot tayo, ayos lang?"

"Sige. Tara Nelle, carry ka muna ni Dad para makapagrest ka."

"Opo."

"Daddyyy! Ako rin! T3T"

"Opo. Lika. Pero mamaya bababa ka rin ah! Nawiwili kang nagpapabuhat masyado eh. Hahaha! Parang si Mommy, tamad maglakad."

"Oy ha, ako na naman nakita mo!

"Hahahaha!"

Ayun, tinawanan lang ako... Niya, ni Nielle, ni Van, ni Viorel, at ni Nelle. Okay fine, totoo kasi kaya natawa sila. Pfft. Lugi ako!

****

A/N: HUHUHU AFTER N MONTHS, NAG-UPDATE ULIT AKO! HAHAHA. Honestly, hindi ko na matandaan 'yung plot kaya ayun medyo magulo ata. Basta ang constant lang kalandian ko eh. =)))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Years From NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon