10 years na pala 'yung na pala 'yung nakakaraan no? Ang bilis ng panahon. Hindi ko aakalaing 10 years ago, simpleng fan girl lang ako.
'Yung inaabangan sila mag-online sa Twitter tapos itu-tweet ko sila ng hi/hello, good morning/afternoon/evening/night at syempre, 'di mawawala 'yung "I love you" do'n!
'Yung tipong active pa ako sa mga fan base groups sa Facebook. 'Yung sobrang dami kong naging ka-close do'n kaya kapag online kami ng sabay-sabay, sabog notifications namin.
Tapos 'yung sobrang kinukulit namin sila kapag nagkaroon ng chance na mag-online sila sa WeChat at bisitahin 'yung group chat namin. Magflood kami ng notifications ng mga in-active! Hahaha!
'Yung iniiyakan ko sila kapag may something, lalo na kapag hindi ako nakakapunta sa mall show nila. Hay nako.
Simpleng fan girl lang ako, ano? Hahaha!
10 years ago, lagi ko pa siyang tinu-tweet tuwing 11:11, 11:12, 11:13, etc. Siya 'yung lagi kong wini-wish. Naalala ko pa no'n, ang banat ko sa kanya minsan, "Alam mo ba, hindi lang kita winiwish tuwing 11:11. Kahit mapa-11:41 man 'yan, ikaw pa rin. Alam mo kung bakit? Kasi there has never been a minute na hindi ako ang wish ko!" Corny ko no? Bata eh.
10 years ago, pinapangarap ko lang siya. Lagi pa ngang sinasabi sa'kin ng mga kaibigan ko na tumigil na daw ako kasi wala naman akong mapapala diyan. Sus. Wala daw. Buti pala hindi ko siya pinapakinggan.
10 years ago, natuto akong magmahal ng sikat. Syempre masakit sa una kasi nakikipagpatayan pa ako halos para lang mapansin 'yung tweets ko no'n eh. Sukilan pa kaya 'yung pagmamahal ko? Pero buti nalang, hindi ako sumuko, hindi ako bumitaw. The pain and the tears that I've shed? They're worth it.
Ang sarap sa feeling kapag mahal ka ng taong mahal mo. Pero mas masaya sa feeling kapag fan girl ka, at mahal ka rin ng taong iniidolo at pinapangarap mo.
BINABASA MO ANG
10 Years From Now
FanfictionUsapan sa WeChat, napunta sa Wattpad. 10 years from now... ano na kaya ang nangyari sa BoysOverLoad? Overloader pa rin kaya kami? Ano na kaya kami ng BoysOverLoad? Asawa, kaibigan, taga-hugas ng pinggan, taga-plantsiya ng damit, taga-bunot ng damo...