* Chapter 2 - Peace Be With You

55 2 4
                                    

"Mommy lolaaaaa! *hugs*"

"Hi darling, I miss you! Ang gwapo-gwapo talaga ng apo ko oh."

"Syempre, mana sa daddy."

"Eh kanino ba nagmana ang daddy?"

"Tss, de sa'yo na my."

"*laughs* Okay lang 'yan baby. Bleh."

"Oh, anak ba't nga pala ngayon lang kayo?"

"Si Anne po kasi mommy, nagpa-cute pa. *chuckles*"

"Luh, mommy 'wag ka nga maniwala diyan. Siya kaya 'tong nagpa-cute at tampo-tampuhan pa kanina. Parang bata lang mommy. T3T"

"Ako pa 'yung parang bata? Ikaw kaya!"

"Magtigil na nga kayo. Pareho lang naman kayo eh. *chuckles* Osiya, nando'n na ang daddy niyo sa loob. Tara na, hinihintay na tayo kanina pa."

"Yes mommy. Joke lang 'yun, traffic kasi. Tapos 'yan si Viorel, nagpadaan pa sa Jollibee. Peach mango pie daw."

"I'm sorry mommy lola if we were late, ha? Hihihihi."

Nasa simbahan kami ngayon, magsisimba. Malamang. *facepalm* Kasama namin magmass ngayon sila mommy and daddy ni Arvin. Parang routine kasi namin 'yan. Kung this week parents ni Arvin, next week parents ko. Tapos kapag napagtripan nila, sabay-sabay kaming lahat magsisimba. Close family ties ang peg. Hahaha!

Ang sarap sa feeling na kasama mo magchurch 'yung mga taong mahal mo, at mahalaga sa buhay mo. Kasi habang nagpapasalamat ka kay Lord, nakikita mo talaga sa harapan mo kung ga'no Siya kagaling at ga'no ka Niya kamahal.

"May the Lord be with you."

"And also with you."

"Let us offer each other a sign of peace."

"My, Dy, peace be with you po." Sabay kiss namin ni Arvin sa cheeks ng parents niya.

"Peace be with you Viorel!"

"Peace be with you din po mommy lola and daddy lolo."

Tapos natigil kami, lalo 'yung anak ko no'ng nakita niyang nagkiss sila mommy at daddy.

Oh no.

Tapos nangiti bigla 'yung anak ko. *sigh*

"Mommy, kayo din ni Daddy, peace na."

"Peace man na kami ni Daddy mo, ah?"

"Oo  nga Mommy, peace din tayo. *chuckles*"

Huhuhuhu. Bakit po ganito? Kinikilig ako pls.

"Tse."

"Please Mommy, pleaaaaaaase!"

Okay. Alam niyo namang gwapo si Arvin 'di ba? Tapos ako... may magandang lahi din. Hahaha! Edi syempre, nuknukan ng gwapo offspring namin.

Pero ano... ang cute niya rin. Sobra. Hindi ko ma-resist kapag nagpuppy dog eyes na siya. Nakakainis.

"Okay, fine."

At nag high five ang mag-ama. Sabi ko naman sa inyo eh, kampihan. Kainis!

"Oh, asan na peace be with you ko?"

"Mamaya na, pwede? Harot niyo. Hindi lang naman 'yan 'yung part ng misa eh."

"Opo boss, sorry. Tara nak, behave na tayo. o:)"

Natapos na 'yung misa ng maayos. Hindi na nagulit 'yung mag-ama ko. Buti naman. Sila mommy, uuwi nalang daw muna. Pagod pa kasi, kauuwi lang nila galing US eh. Kaya ngayon, kaming tatlo nalang magma-mall.

Alam niyo bang 2 oras na kaming nag-iikot? Pagod na pagod na ako samantalang 'tong Arvin na 'to tsaka si Viorel, aba wala! Kering-keri! Baliktad lang eh. 'Di ba dapat babae dapat ang sanay sa ikutan sa mall. Ba't gano'n? Hahahaha!

"Baby, upo muna tayo please. Pagod na ako."

"Okay. Viorel, rest muna tayo ah? Do'n nalang sa may playground, ah. Okay lang?"

"Yes baby, thank you."

"You're welcome." *kisses forehead*

Bali ngayon, nandito kami do'n sa playground sa gitna ng mall. Ako, nakaupo tapos si Arvin nasa tabi ko malamang nakaupo rin. Hahaha. Pero 'yung upo niya hindi relaxed kasi binabantayan niya sa Viorel eh. Kawawa naman 'yung baby ko. :( Tapos 'yung anak ko naman ayun, ang harot-harot! Takbo ng takbo! Palibhasa may mga bagong playmate eh. Na-hyper tuloy.

"Oh, baby ba't ka sad?

"Eh kasi baby instead na ako 'yung nagbabantay kay Viorel, ikaw pa. Hayyy."

"Sus, 'yun lang eh. Halika."

Ako naman si uto-uto, lumapit nga sa kanya. Alam niyo ginawa?

Inakbayan niya ako tapos kiniss niya 'yung top ng head ko.

Sweet 'di ba?

"Dear Mrs. Boyon, may utang ka pa pong peace be with you sa'kin."

"Ha? Weh?"

"Tss. Promise breaker."

"Drama mo please. Hahaha. 'Di na po."

(/////\\\\\)

Ang landi po please.

Pero alam niyo naman na siguro nangyari. Hihihi. *u*

"Yieee! Mommy! Daddy! I saw that!"

"Weh. Stop nga. Pagtutulungan niyo na naman ako!"

"Hindi po Mommy. Papakilala ko playmate ko oh. Uyy, halika dito!"

"Wow, ang pretty mo naman baby girl. Anong name mo?"

"Hi tita, ako po pala si Annelle."

"Baby! Tignan niya oh. Ang cuuute! Playmate ni Viorel! Si Annelle!"

"Asan? Ay eto pala. Hi Annelle! You look familiar, have we met?"

"HOY ARVIN JOHN PAOLO FELICISIMO BOYON, PATI BA NAMAN BATA, CHINICHICKS MO?!"

"Hoy, hindi ah! Parang familiar kasi talaga siya sa'kin eh!"

"Viorel, your mommy and daddy are cute."

"They're always like that."

"They're like my mom and dad."

"Really? Where are your parents pala? Why did they leave you here?"

"Dad went with mom to buy something eh."

"They saw me mommy that I'm playing with Annelle and they asked me if I can stay with her. They said they trust me and I promise them I will be her super hero!"

"Really? 'Yung anak ko mana kay Daddy! Super hero!"

"Yes! Tara daddy let's play with Annelle. Leave mo na muna si Mommy kasi instead na magrest siya, kinukulit mo lang ata eh!"

*tawa* "Ang galing mo baby ah? Pa'no mo nalaman na inaabala ako ni Daddy? Joke. Sige, play na kayo do'n."

"Bye love. Sama muna ako sa kanila."

"Yepyep, byieee!" *kissed on forehead*

Habang papalayo sila, tinitignan ko sila. Tama nga si Arvin, parang familiar talaga sa'kin si Annelle at aside from that, parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Like she has always been a part of me. Hahahaha! Tarayyyy!

Pero no joke. Parang may something talaga sa kanya eh. Hmmm, paraning! Baka lang siguro dahil gusto ko lang ng baby girl? No. Viorel muna, ayaw ko na muna madagdagan ng makulit. Okay na muna sa'kin na may dalawang ubod na kulit ako sa buhay ko. Ubod ng kulit, pero mahal ko naman. ;)

***

A/N: Believe it or not, it took me a day to type this whole thing. Dapat tuwing madaling araw lang talaga ako gumagawa. Mas fluent pag-iisip ko. Hahaha! Charing.

Pagpasensyahan niyo na kung kalandian pa rin (namin) ni Arvin 'to ah? Malapit na guyths. Malapit na lumabas 'yung malalandi. Hahaha! Char!

PS May  kulang pa akong character sa story ko. My baby Keyr's 10 years from now. Any takers? Gusto kong kasama si Keyr dito kasi BoysOverLoad siya! ToT

10 Years From NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon