Tiffany's Pov
"Tiffany Viel Ramirez! It's already 6:30 am, so ano balak mo? Hindi ka maganda para magpalate sa first day ng school tss.."
Ayan na ang dragon kong kuya, blah blah blah... Aga aga pa lakas makasigaw.
"Oh? Walang may pake kuya! Kung gusto mo mauna ka ng pumasok, ang aga pa kaya and besides 7:30 pa naman pasok ko."
"Hoy hoy! Pinag-aaral hindi pinatutulog! Sige matulog ka jan kung ayaw mong isumbong kita kina mommy"
Halimaw ka talaga Lucas Raze Ramirez! Grrr.
"Wait kuya don't ever do that, eto na nga diba? Babangon na kaya mawalang galang lang umalis ka dito panget view"
"Tssss..."
Pagkatalikod ni kuya, bumangon na din ako at dumerecho na papuntang cr para maligo at makapagprepare, 15 mins lang ako naligo then nagayos na ako konting powder, liptint, blush on and nilugay ko lang yung buhok ko. Finally done so I decided na bumaba na para kumain.
Pagbaba ko nakita ko si kuya na patapos na sa pagkain at si manang Rosa na nagwawalis.
"Kumain kana jan iha." Sabi ni manang mula sa sala.
"Goodmorning manang, opo sige kayo po ba kumain na? Sumabay na po kayo samin ni kuya"
"Nakapagkape na ako iha, kumain na kayo jan ng kuya mo at tatapusin ko lang tong pag wawalis ko."
Then umupo na ako para kumain ng mabilis hello? Baka iwan lang naman ako ng magaling kong kapatid.
"Tara na pagong 7:15 na malelate na tayo huwag pa importante"
Wala nakong sinabi kundi sumunod na lang sa kanya papunta sa kotse at sumakay. Nagwave na lang ako kay manang habang papalayo kami sa bahay.
10 mins lang ang byahe papunta sa school mula sa subdivision na tinitirhan namin.
Pagdating namin sa school nagpark na agad si kuya at bumaba as usual mga babaeng patay na patay sakanya ang bumungad at ako ayun walang pakealam. Pumunta na agad ako sa aking magandang bestfriend at nakita ko siyang nakatayo sa may covered walk.
"Well, Hi sis! Long time no see missya. How's your?"
"Luka, missyou too! I'm good, oh wait what's new?"
"Walang bago maganda pa rin hahahaha"
Kahit kelan talaga tong babaeng to abnormal, kaya nagkakasundo kami sa lahat.
So teka let me introduce myself first...
I'm Tiffany Viel Ramirez, 17 years old and I'm senior here at Johnson Lu University at kapatid ako ng isang Hearthrobe King ng Campus namin na si Lucas Raze Ramirez. Di naman ako kagandahan gaya ng iba especially karamihan pa ng students dito ay magaganda na matatawag kong full package. I'm with kuya and manang Rosa isang taon na din mula nang umuwi sila mommy dito sa Pinas busy kasi sila lagi sa hotel namin sa US meron din kaming branch dito sa Pinas na kung saan si kuya ang nagmamanage for a mean time habang wala pa parents namin.
So ayun gusto ko lang kayong iwelcome sa pagsubaybay ng buhay kong puno nang kalokohan na masasabi kong magulo.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionIsang pag-ibig na nagbigay kulay, a love that made someone's hope. Unexpected thing? Unexpected love. Sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Isang love na nagbigay ng hope to a heartbroken na siyang magpapabago ng kanyang buhay. Pag-ibig na wal...