Tiffany's Pov
Tuesday ngayon, at kasalukuyang papunta na ako sa school, oo ako lang si kuya di umuwi at dun daw sa hotel namin natulog. Maging maganda sana ang araw kong ito... Goodluck to me!
Mabilis ko ding narating ang university kaya't agad agad akong pumunta sa building ng senior at pumasok na sa room. Wala pa si Cass kaya nagsoundtrip na lang ako dahil masyado atang napaaga ang pasok ko. Maya maya'y unti-unti ng dumadami ang mga estudyante around campus.
*vibrate****
From: Sistaah <3
Goodmorning sis, sorry di ako makakapasok today. Emergency lang dito sa bahay, takecare! Mwa :*
Hayss. Paano ba yan? Loner ako today, di pala makakapasok tong si Cass. After 5 mins dumating na si Maam Janice ang teacher namin sa Arts.
"Goodmorning class!" Bati niya samin.
"Goodmorning maam!" Balik ng iba kay maam at yung iba ay wala lang still sitting. Mga walang manners tss..
"Okay class, by the way you have a new classmate. He came from section B" nakakagulat isipin na may bago kaming classmate at from sec B pa then biglang angat siya dito sa star section. I wonder na binayaran niya siguro ng malaki itong school para maging belong siya sa star section. At dahil curious ako kung sino man siya walang kurap ko siyang inabangan to introduce his self.
Then...,
O_____________O
O__________//O
"Hi, I'm TJ Gabriel Johnson Lu from section B and I think most of you kilala na ako." Mayabang niyang pagpapakilala.
Tss. Omygaaaaaaaad! NOOO! Bakit ko siya naging classmate. Unfair naman nun saming mga pumasa sa entrance examination para lang mapabilang sa star section.
"Omg! Hi TJ bakit ka nagpalipat sa star section?" Tanong nung kaklase ko na Maecy ata ang pangalan.
"Nothing. I'm just looking for someone" sabay tingin niya sakin ng nakakaloko. Mygaaad! Ako ba? Eto ba yung sinasabi niyang makikita ko kung sino ba talaga siya? Bakit di niya na lang ako paalisin dito sa school? Huhuhuhuhu. End of the world na Tiffany! T____T
"Someone? Who? A friend or what?" Tanong naman nung kaibigan ata ni Maecy na laging nakabuntot sa kanya.
"A someone who made me---" hindi niya na natapos yung sinabi niya dahil pinaupo na siya ni maam at kung minamalas ka nga talaga dahil wala g vacant sit dito sa tabi ko siya pinaupo.
"Excuse me maam, this is Ms. Evangelista's chair." pagpapaliwanag ko kay maam, hindi pwedeng dito uupo yang mokong na halimaw nato.
"But Ms Ramirez yan na lang ang vacant sit, maybe tomorrow, I'll make sure na may sitting arrangement na kayo."
"Maam Janice okay lang kahit di kana gumawa ng new sitting arrangement, I'm okay with her pero if ever na gagawa ka just make it sure na si Ms. Ramirez parin katabi ko, thankyouu!"
"Whaaaaaaaat!?? Maam please don't do that! Ayokong katabi si Mr. Johnson Lu" pagrereklamo ko kay maam na mukhang ayos lang sakanya lahat.
"Maam, listen to me kung ayaw mong mawalan ng trabaho" malamig niyang sagot. Grabe, ganito ba talaga siya? Pati trabaho ni maam kaya niyang alisin porket sila yung may ari nitong school. Hindi ko alam kung anong ugali meron siya bakit kayang kaya niyang takutin pati teachers.
Wala naman na akong nagawa, kaya't nagsimula na ang klase namin. Nagdiscuss lang si maam about arts at nagdrop siya ng mga magiging lesson namin for this 1st semester. Then sa gitna ng discussion di ako nakapakinig ng ayos dahil sa katabi kong natutulog at nagsosoundtrip. Walang modo! Hays. Bakit ba kasi naging kaklase ko siya?
Natapos ang klase ni maam at tulog pa rin siya sa desk niya, pinagmasdan ko siya pero bakit ganon? Kapag natutulog siya para siyang anghel na bumaba mula sa langit, parang ang bait niyang tignan. Ang tangos ng ilong niya, mapula pula niyang pisnge, at yung lips niyang kissable, oo inaamin ko ang lkas ng dating niya at yes he's so handsome. Kaso sa likod naman nito nakakubli yung maitim niyang budhi.
"Baka matunaw yung gwapo kong mukha."
"Ay palakang gising!" nagulat ako dahil nakita niyang pinagmamasdan ko siya.
"Just tell me kung may pagtingin ka sakin Ms. Ramirez."
"Hoy! Huwag kang assuming di ako magkakagusto sa tulad mong ang sama sama ng ugali. Tse!"
"Ms Ramirez, starting today ako yung nightmare mo hahahahaha! Wala kang takas."
Shoockks! Bakit ba kasi? Bakit ba nagpalipat siya dito? Ano ba kasi talaga intensyon niya?
Ano ba talaga balak mo TJ GABRIEL JOHNSON LU?
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionIsang pag-ibig na nagbigay kulay, a love that made someone's hope. Unexpected thing? Unexpected love. Sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Isang love na nagbigay ng hope to a heartbroken na siyang magpapabago ng kanyang buhay. Pag-ibig na wal...