Tiffany's Pov
Tinatamad akong pumasok ngayon, at the same time natatakot din. Haaayss.. ayoko siyang makita at nahihirapan lang ako.
*tok*tok**
"Bukas po yan"
"Viel, bumangon kana! May pasok ka at sasabay ka sakin ngayon sa ayaw at sa gusto mo. Bilis! Kilos." Ayan na naman si kuya nakakatamad jusko kung alam mo lang dahilan kuya T______~//
"Kuya naman di ako papasok, masama pakiramdam ko e and may aasikasuhin pa ako."
"Masama? O katamaran lang? Ano naman yung aasikasuhin mo na yan ha?? Nakoo. Alam ba ni mommy yan?"
"Yes nagtext nako kanina pa, kaya kuya alis na dali"
"Panget mo.!" -.-
"K."
At umalis na nga si kuya, buti naman nakakatamad kasi talaga and gusto ko munang matahimik ngayong araw. May pupuntahan ako mamaya.
8:30 na kaya naligo at nagready nako para pumunta sakanya. Di na ako kumain, at sa mall na lang ako kakain.
Dinala ko yung kotse ko yes I have my own car nag-enroll ako nung vacation for my driving lesson, yun kasi ang gusto nila daddy for me. Sayang naman daw kung diko magagamit yung regalo nila sakin.
Dumaan muna ako sa flower shop. Para bumili ng bulaklak. Orchids ang napili ko dahil alam kong favorite niya yun. Minsan ko lang siya dalawin para mag-alis ng sama ng loob, pumupunta ako para maishare ko lahat ng nararamdaman ko.
After kong bumili ng bulaklak, dumerecho na agad ako sa God's ride cemetery.
Yes, cemetery bibisitahin ko ang puso kong namatay simula nung ipagpalit ako ni James Reid. Hahahahahaha lols.
Bibisitahin ko ang isa sa pinakamalapit na tao at special sa buhay ko. Walang iba kundi si...
Ex ko..
Oo may ex ako. Gulat kayo no? Pero syempre joke lang yun. Hahahaaha! Okay na masyado ng OA.
Bibisitahin ko ang lola ko. Si lola Candy, ang pinakamamahal kong lola. Sakanya kasi ako lumaki since when I was on grade 2 hangang 1st year highschool. Kaya ganyan siya kahalaga sakin.
Naglakad lakad ako at hinanap ko ang grave ni lola. Then nakita ko na..
"Hello lola, kamusta ka jan? Miss na kita. Sana nandito ka na lang" ganito gusto kong feeling e. Yung nakakausap ko siya kahit na alam kong wala talaga siya dito.
"Lola, nasasaktan ako. Nakikita mo naman po siguro diba? Nahihirapan na po kasi ako, simple lang naman nagawa ko sakanya pero sobra yung paghihiganti niya sakin, diko alam kung ano ba talaga yung dahilan. Nandito ako para sabihin sayo lahat nung sakit na naipon dito.. dito sa puso ko *sob* diko na alam gagawin *sob* ko lola. I wish you were here *sob* ikaw na lang inaasahan ko lola, kunin mo na lang po kaya ako? Para makasama na kita, dimo po ba ako na *sob* mimiss? Ako lola miss na *sob*miss na kitaa.. nahihirapan kasi ako dito mas gusto ko pa ata dyan. Basta lola sabihin mo lang kung kukunin mo na ako ha?.. Ihahanda kona po sarili ko." Diko na napigilang umiyak sa harap ng puntod ni lola. Feeling ko wala ng silbi dito sa mundo.
Hinahanap hanap ko si lola tuwing sa ganitong sitwasyon, nasanay ako na kapag may problema ako lagi lang siyang nasa tabi ko, kapag umiiyak ako nanjan siya para makinig sa lahat ng i-oopen ko, kapag kailangan ko ng karamay siya lagi yung nasa tabi ko at yayakapin ako kapag umiyak na ako.
Pero ngayon eto wala na ata akong karamay. Ano ba namang buhay meron ka Viel -______-//
Madami din akong nakwento kay lola. Maya maya'y umalis na ako at dumaan na sa mall para kumain nagugutom na ako eh! Hahahahaha.
TJ's Pov
Di mawala sa isip ko lahat ng sinabi ni viel. Oo nga anong karapatan ko para gawin sakanya lahat ng yun. Ayyy ewaaaann!
Nandito ako ngayon sa room, lunch break na at nakakapagtaka dahil wala si viel, bakit kaya di yun pumasok?
Pumunta muna ako dun sa may room ko malapit sa faculty, I just want to take a rest para makapagisip na din. Naglalakad nako papunta sa room ko ng may..
"Excuse me bro, is it yours?" -isang lalaki ang hingal na hingal at hinabol ako para maabot sakin yung wallet ko na nahulog pala.
"Yes that's mine, thankyou" then kinuha ko na sakanya yung wallet ko.
"Transferee student? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa campus"
"Yes I am, nung nakaraan lang ako nagtransfer dito at kakapasok ko lang then nakita ko wallet mo na nalaglag at pinulot kona."
"Oh I see, so what section are you belong?"
"Star Section ata? I forgot bro."
"Small world so classmate tayo, come follow me hatid na muna kita sa room natin" sabi ko sakanya mukhang magkakasundo naman kami nito.
"Nako bro, huwag na. Alam ko naman na yung room natin salamat. Una nako bro see you!" At umalis na siya, ako naman ay tumungo na papunta sa aking room di muna ako papasok sa P.E and varsity naman ako dito.
Nakarating nako dito at humiga sa aking mini bed which is ang parang kwarto talaga room ko. I'm the boss so I get what I want.
Napaisip ako sa nangyari, siguro nga diko kailangang gumanti kay viel dahil di niya naman alam lahat ng yun. Ayusin ko na lahat ng nagawa ko, pero the fuck! Ang isang King of Bully hihingi ng tawad? Oh! NO WAAAAAY!
Hmmm....
Aha. I have a plan. Ganon na lang gagawin ko. Hehe *grin*
_______________
Author notes/:
Sorry ngayon lang nakapagupdate nabusy kasi si author sa contest. Yaaaaah! And nawalan pa kami ng net. Don't worry I'll do my best para makapag-update nako ng mas mabilis.
Keep supporting! :)
Vote and Comment :)
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionIsang pag-ibig na nagbigay kulay, a love that made someone's hope. Unexpected thing? Unexpected love. Sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Isang love na nagbigay ng hope to a heartbroken na siyang magpapabago ng kanyang buhay. Pag-ibig na wal...