Sapphire's POV
Pagkaapak ng isa kong paa sa lupa bumalik lahat ng alaala naming dalawa. Alaala na pinipilit kong ibaon sa limot. Alaala na walang ibang ginagawa kundi saktan at durugin ang puso ko."Anak I told you this isn't the right time to come back" malungkot na pahayag ni Mama habang diretsyong nakatingin sa mata ko. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"No Mom. There will never be a right time. Mas okay na siguro yung masaktan ako ng maaga para mas maaga din akong makamove on hehe. Oh sila Papa yun ah!" Sabi ko sabay turo dun sa dalawang lalaking may hawak na cartolina at iniwawagayway pa ito. Hayst sila talaga ang sumalubong sa amin ni Mama nakakatouch naman.
TT_TT
"Sis!" Sigaw ni Kuya nung makita niya ako na papalapit sa direksyon nila."Miss moko?" Nakangisi kong tanong nung tuluyan akong makalapit sakanya.
"Of course hehe. Teka san pasalubong ko?" Aba kita mo toh pasalubong agad ang hinahanap hindi manlang ako niyakap muna or what.
"I hate you! Mas importante pa pasalubong mo kesa sakin?!" Pagdadrama ko.
"Oo naman hehe bakit mabubusog mo ba ako?"
"Oo! Mabubusog ng pagmamahal yieee 'lika nga dito kuya hug moko namiss kita sobra eh." May nakaharang pa rin na grills sa amin kaya kailangan ko pang tumingkayad para mayakap si Kuya.
"Oh ang papa mo di mo papansinin?" Napunta ang atensyon ko kay papa.
"Hehe papa naman! Namiss ko din kayo! 'Lika ka nga dito" niyakap ko silang dalawa at hindi ko mapigilan na hindi maiyak.
I missed them so much! Hindi ko naman ginusto na magkalayo kami, but I have to. Para tuluyan akong makalimot hehe.
"Oh siya lang ba galing ng ibang bansa?" Nasa likuran ko na pala si Mama "Sali naman ako sa group hug niyo!" Yumakap sa amin si Mama.
I can't say na isa kaming perpektong pamilya dahil wala namang perpekto sa mundong ito pero masasabi ko ding masaya kami. Masaya ang pamilya namin dahil nagmamahalan kaming lahat.
They have been my strength when I was weak, they lightened up my world
when everything turned dark because of what he did."Tara na sa bahay nagugutom na ako eh" sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap sakanila.
Nasa kotse pa lang kami nang biglang tumawag si Victoria. She's my best friend
"Yes bes?"
"OMG bes! Nasa Pilipinas ka na?!"
"Uhuh! Papunta na nga kami sa hotel para sa 'party' punta ka ha?"
"Aba! Syempre pupunta ako hindi pwedeng hindi hehe wait for me there ok?"
"Sure sure!"
"Okay. Bye bestie I love you"
"I love you too bestie"
Binaba ko na yung tawag at binalik sa bag ko yung cellphone.
"So how was America?" Tanong ni Papa. Nasa loob kami ng ngayon. Si Papa sa passengers seat, yung driver naman namin ang nagdadrive at magkatabi si Mama at Kuya sa harapan andito naman ako sa likod sa may bandang bintana.
"Ayun Dad America pa din hehe" pamimilosopo ko.
"Sapphire" parang nagbabanta ang tono ni Mommy.
"Hehe Just joking masyado naman kayong seryoso. Ayun still the same old America"
"Buti naman naisipan mo pang bumalik? Akala ko talaga ay doon ka na titira habang buhay" grabe naman toh si Kuya parang hindi siya masaya na bumalik ako ha!
BINABASA MO ANG
Mending a broken heart
Teen FictionSabi nila mahirap daw magtiwala o magmahal uli after a heart break. Bakit nga ba? Kasi minsan ka ng naloko o dahil hindi na buo yung puso mo? Eh pano kung makahanap ka ng isang tao na maaaring bumuo ng sira mong puso? Will you give yourself another...