Chapter 2

81 2 1
                                    

Sapphire's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.

'Nakakasilaw naman toh!'

"Wake up baby girl" inaalog alog pa ni kuya yung paa ko habang ginigising ako.

"I'm still sleepy argh!" Iritado kong sabi.

Buti na lang talaga at bakasyon pa ng university na papasukan ko dito sa Pilipinas.

"It's already 12 pm baby!" Yan ang pinaka-ayaw ko kay kuya masyado siyang nasanay na tawagin akong 'baby' 3rd year college na ako noh!

"Wala pa namang pasok eh!" Padabog akong tumayo at pumasok sa loob ng CR. May jetlag pa siguro ako tsyaka sobrang napagod din ako sa party kagabi.

Pupunta na lang ako ng mall ngayon tutal wala naman akong gagawin dito sa hotel. Yayayain ko na lang si Victoria para hindi ako mag-isa sa mall.

"Bessy samahan mo ako sa mall mamaya ha?"

"Ay naku bes may family outing kami eh. Hindi kita masasamahan huhu sorry bessy."

"Ah ganun ba? Ok lang bessy enjoy kayo diyan ha?"

"Teka bessy gusto mo bang sumama na lang sa amin? 3 days and 2 nights lang naman kami doon kaya sumama ka na!"

"Ha? Sige sure! What time ba alis niyo?"

"3:30 pa naman bessy we'll pick you up na lang by 3:00 okieee?"

"Sure bessy! See yaaaah!"

Binaba ko na yung tawag at pumunta sa room nila Mama't Papa para magpaalam although sure na naman ako na papayag sila kasi kasama ko naman si Victoria. Sobrang laki kasi ng tiwala nila kay Victoria kaya kahit saan pinapasama nila ako basta si Victoria ang kasama ko.

And tulad nga ng inaasahan ko pumayag sila Mama na sumama ako. Tuwang tuwa pa nga sila at sinabing susunod daw sila dun bukas. Magkasundo din ang parents ko at parents ni Victoria.

"Mag-iingat ka dun bby ha? Wala ako dun to look over you" napairap na naman ako dahil sa pagiging over protective ni kuya. "Oy wag kang umiirap- irap diyan ha! Concerned lang ang k--"

"Opo! Opo sige na 2:45 na oh maya maya andun sa sila Victoria sa baba bye kuya!" Hinalikan ko sa pisnge si Kuya bago bumaba ng hotel. Sa lobby na lang ako nag-antay sakanila.

Saktong 3:00 pm pumasok si Victoria ng lobby.

"Bessyyyy! OMG SUPER EXCITED NA AKO!" Hindi ito yung first time naming magkasama ni Victoria na mag-outing ewan ko lang kung bakit hanggang ngayon naeexcite pa din siya.

"Susunod daw dun sila Mama bukas"

"Really?! Good! Good! Inextend nga pala nila Mama ng 1 week yung bakasyon hehe tutal kasama ka naman daw eh" ganun lang kadali para sakanila na mag-extend ng bakasyon dahil may-ari sila ng airport at may private plane pa sila. Ang yaman ng gaga noh? Kahit ganyan yan sobrang yaman niyan.

Pagkasakay ko sa loob ng van andun sila Tito't Tita (Parents ni Victoria) tapos yung dalawa pang nakababatang kapatid ni Victoria na si Leo at Roy.

"Leroy!" Tawag ko sa dalawang bata. Ayan na ang tawag ko sakanila bali combination ng pangalan nila.

"Oh Phire!" Bati sa akin ni Roy. 3rd year highschool pa lang siya pero hindi niya ako ina- ate. Ang bakla daw kasing pakinggan. Kahit si Victoria nga hindi niya ina-ate eh.

"Sup Phire?" Bati naman sa akin ni Leo. 4th year high school naman yang si Leo.

"Gumagwapo ata kayo ngayon ah!" Sabi ko sabay gulo sa buhok nilang dalawa. Mas malapit sa akin si Leo dahil di hamak na mas mature siya kesa sa kapatid niyang si Roy.

"Matagal na kaming gwapo tsk!" Masungit na sabi ni Leo. Masungit nga lang siya pero mas trip ko yung pagiging masungit niya kesa sa childish na Roy. Pero nakakatuwa din naman si Roy at kasundo ko din naman siya.

Lumipat kami sa eroplano nila at lumipad na papuntang Palawan.

"Bessy ang daming hot fafa der!" Impit na tumili si Victoria at tila ba nagiimagine siya ng isang masarap na ulam. Sa aming dalawa siya talaga ang mahilig sa lalaki tsk!

"Hot nga manloloko naman" nakingisi kong saad.

"Nako bessy grabe ka ah!"

"Totoo naman ah! Basta gwapo manloloko haha ay di pala kahit pala di gwapo manloloko"

"No bessy. Baka yung nakikila mo lang ay manloloko. Hindi lahat manloloko."

"No. Lahat manloloko."

"Bakit lahat ba ng lalaki nakarelasyon mo na para sabihin mong lahat sila manloloko?" Natahimik ako dahil sa sinabi ni Victoria kaya hindi na ako nakipag-protesta pa sakanya at nanahimik na lang. Wala din namang mangyayari kung mag-aaway kami dito.

"Look Saph. Hindi lang naman ikaw ang naloko na ah? Pati naman ako nasaktan na at naloko pero hindi naman yun dahilan para maging ma-hater ako."

"Magkaiba kasi tayo."

"Pe--"

"Stop Gayle hindi na mababago ng mga sasabihin mo ang paniniwala ko" Gayle ang second name ni Victoria at minsan ko lang siya tawagin sa pangalan niyang iyon.

**
Solo naming dalawa ni Victoria ang isang kwarto. Bale 3 kwarto yung kinuha ng parents niya. Isa para sa amin, tapos para dun sa kapatid niya at syempre para sa parents niya.

"Tara swimming na tayo!"

Tumanggi ako dahil inaantok pa ako at gabi na rin. Siguro bukas na lang ako magsuswimming.

"Ang KJ naman neto! Tsk samahan mo na lang ako? Pleaseeee!"

Hindi ako nakatanggi kay Victoria at sinamahan ko siya sa pool area. Nagsuot siya ng two-piece. Ang lamig lamig ng simoy ng hangin tapos magtwotwo-piece siya gusto atang magkasakit sa lungs eh.

"Saglit lang ako bessy tapos balik na tayo sa room" tumango ako tapos pinilit ko yung mata ko habang nakahiga.

I felt uneasy nung naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Actually parang nakatitig pa kaya unti-unti kong dinilat yung mata ko at ginala ko ang paningin ko hanggang sa...

May nakita akong lalaki na titig na titig sa akin. Matangos ang ilong niya, mapupungay ang mata at manipis ang pinkish niyang labi. He looks so damn perfect! Pero hindi ito ang oras para maattract ako sakanya kaya nag-iwas ako ng tingin at pumikit uli. Minutes had passed pero ramdam ko pa din na nakatitig siya sa akin.

"What's your problem?" Lumapit ako sakanya para kausapin siya. Namamanyakan na kasi ako sa tingin niya eh.

"Wala ngayon lang ako nakakita ng taong nasa pool area tapos nakalong sleeves at pajama. Nakasun glasses pa na akala mo tirik na tirik yung araw." Damn! Ayun yung dahilan kung bakit siya titig na titig sa akin?! Akala ko attracted siya sa akin or what!

"Problema mo sa suot ko?"

"Wala naman" hinawakan niya yung gilid ng pool at tumalon para umahon dahilan para magkalapit yung mukha naming dalawa.

"Maganda ka naman." Lalo niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

"Pero hindi katulad mo yung tipo ko." Dugtong pa niya.

Ha! Akala mo naman katulad mo yung gusto ko ha?! Hindi ako mahilig sa mayabang na hambog!

"Pakyu ka!"

"Fuck me? Really huh?"

"Bastos!"

"Baka ipakita ko siya ang ibig sabihin ng bastos?"

Napaatras ako nung ilapit na naman niya yung mukha niya sa mukha ko. Sinampal ko siya ng malakas. "Manyak! Arghhh!"

Nagmartsa ako pabalik sa hotel. "Teka bessy intayin mo ako!"

Humabol sa akin si Victoria. Sheez nakakabad-trip yung lalaking yun ah! Sarap ilunod dun sa pool leche gwapo lang siya ganun na siya? Wait binabawi ko na yung sinasabi konh gwapo siya. Di siya gwapo HAMBOG! MANYAK! BASTOS! Ayun siya leche!

Mending a broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon