Sapphire's POV
Patapos na ang bakasyon. Isang linggo na lang ay may pasok na kami. Nakakatamad pang pumasok uli! Gusto ko na lang kasama yung kama ko buong araw."Ma magmamall lang po muna ako" paalam ko kila Mama.
"Okay basta be home before 10 pm okay?"
"Yeah sure Mom bye" i kissed her cheeks before I went out. Ginamit ko yung kotse na binigay sa akin ni Dad nung grumaduate ako ng high school.
Pagkarating ko sa mall kumain muna ako sa Mcdo baka sakaling makamove on ako. Joke! Alam ko namang kahit ilang burger pa ang kainin ko dito hindi mawawala yung sakit eh. Lahat ng boutique na madadaanan ko ay pumapasok ako para tignan kung meron bang magandang damit. Nakapamili na ako ng 3 dress ok na din siguro toh dahil madami naman akong damit sa bahay.
Naglibot-libot pa ako sa mall at sa kamalas-malasan ko nga naman may nakabangga sa akin at natapunan pa ako ng frappe sa dress.
"Fvck!" Napamura ako dahil sa gulat at ang lamig kaya nun Frappe!
"Hindi ka kasi tu-- OH! Saph ikaw pala?" Sa ilang bilyong tao sa buong mundo bakit siya pa ang kailangan kong makasalubong ngayong araw?!
"Oh Eunice" ngumiti ako ng plastic. Andito si Eunice ibig sabihin andito din siya?!
"Long time no see" nabubwisit ako sa pagmumukha niya. Gusto ko siyang sabuyan ng kumukulong tubig sa mukha para masira yung bwisit niyang mukha!
"Yeah long time no see. How's life?" Musta ang buhay tapos mo siyang agawin sa akin? Musta ang buhay tapos mong sirain ang pagkakaibigan natin ng dahil sa isang lalaki?
"Ganun pa din. By the way I'm with Drex" oh sh*t! Don't tell me mameemeet ko siya ngayon?! No hindi pwede! Baka makita pa niyang affected ako sakanya.
"Ah ganun ba? Are you still together?" Commonsense Sapphire malamang OO! Kaya nga magkasama ngayon eh!
"Yes! 1 year na kami hihi. Oh andyan na pala siya eh." Nanlamig yung buong katawan ko.
"Babe!" Hindi ako makagalaw nung marinig ko yung boses na yun. Fvck! Hindi ko alam na ganito pa din kagrabe yung epekto niya sa akin.
"Babe look who's here" nasa likod ko ngayon si Drex kaya hindi niya pa ako nakikita.
"Wh-- Oh Saph" para akong nangangapa sa dilim. What should I say? Wala akong mahanap na salita na pwede kong sabihin. Parang umurong yung dila ko.
"Oh D-drex l-long t-time no see" fvck this! Bakit ako pa ngayon yung nauutal?! Sila yung nanloko diba?! Kaya dapat sila ngayon yung apektado pero hindi eh! Ako yung sobrang apektado.
"Hahaha nauutal ka pa ah? Don't tell me may gusto ka pa din sa akin?"
Fvck you!
Pareho silang natawa ni Eunice tss infairness gumanda ang ahas kong EX- best friend ngayon ah.
"Oh sorry to disappoint you pero wala na akong gusto sayo eh. In fact I already have a boy friend and his with me hindi ko lang alam kung saan napunta." Oh Saph! Bakit sa lahat ng pwedeng palusot ayun pa ang naisip mo?!
"Really? We wanna meet him" biglang sabi ni Eunice. Epal ka talagang babaita ka eh!
"Wag na. Mamaya pag nakita mo yun siya naman yung ahasin mo" nakangisi kong sabi. Nag-iba yung ekspresyon ng mukha niya.
"I don't believe you. Wala ka pang boy friend and you're not yet over Drex!"
"Bakit mo ba pinagpipilitan na hindi pa ako nakakamove on diyan sa basura kong ex? Tss"
"Then show us your boy friend"
Luminga-linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng hatakin. Syempre yung gwapo yung hahatakin ko noh! May nakita akong lalaking nakatalikod. Matangkad siya at mukhang mestiso.
"Oh ayan na siya wait puntahan ko lang baka hinahanap ako eh hehe"
Lumapit ako dun sa lalaki at hinawakan siya sa wrist and I kissed him. Hindi lang basta basta kiss na smack kundi matagal. Matagal na nakalapat ang labi ko sakanya at nagulat na lang ako nung magrespond siya.
Lord huhu sana naman po gwapo tong lalaking toh dahil kundi laspag na laspag yung labi ko T_T.
"Stop! Sige na naniniwala na ako" Sabi ni Eunice ningisian ko siya kaso nawala yung ngisi ko at nanghina yung tuhod ko nung makita ko kung sino yung hinalikan ko.
"Sabi ko na nga ba type mo ako eh. Ako pa ang manyak at bastos ah? Hahaha!" Bulong niya sa mismong tenga ko.
Sheeeeeeet!!!!!!!!
Bakit sa lahat ng lalaki siya pa talaga?! "Don't worry I enjoyed the kiss. Babe" hinalikan niya uli ako sa labi pero smack lang. Huhu sobrang nagsisisi ako kung bakit ko ginawa yun. Bakit ba kasi hindi ko muna tinignan yung mukha niya eh!
"Mauuna na kami. See yah!" maarteng saad ni Eunice. Hinatak na niya si Drex dahil napako ito sa kinatatayuan niya at parang hindi makagalaw.
"Look Mister I didn't mean to kiss you. I had no choice okay?"
"Sus! Kung alam ko lang iniistalk mo ata talaga ako eh tsk tsk pero in fairness ang galing mong mangstalk pwede ka ng pumasok sa FBI sa sobrang galing ng stalking skill mo"
"Pwede ba?! Wag kang feelingero! First of all hindi kita iniistalk, second hindi kita type ag third hindi ko ginusto yung kiss na yun!"
"Sus! Gustong gusto mo nga eh. Baka kung di pa nagsalita yung babae eh hinalay mo na ako dito."
"Oh shut up!" Tinalikuran ko na siya, narinig ko pa siyang humalakhak bago ako tuluyang makalayo.
Akala ko nung nakaalis na kami sa Palawan doon na nagtatapos yung away namin netong lalaking toh pero may part 2 pa pala.
Pero in fairness ang lambot ng labi niya. WAIT! WHAT?
DAFUQ DID I JUST SAY?! ERASE ERASE! Hindi totoo yun! Magaspang yung labi niya. Magaspang!
![](https://img.wattpad.com/cover/81931619-288-k272640.jpg)
BINABASA MO ANG
Mending a broken heart
Novela JuvenilSabi nila mahirap daw magtiwala o magmahal uli after a heart break. Bakit nga ba? Kasi minsan ka ng naloko o dahil hindi na buo yung puso mo? Eh pano kung makahanap ka ng isang tao na maaaring bumuo ng sira mong puso? Will you give yourself another...