Brent's POV
Tama nga ang hinala ko na kaklase ko sila ngayon. Napaka-swerte ko nga naman talaga ngayong araw tss. Naupo ako katabi ng isa kong team mate."Musta brad?" Tinanggal niya yung earphones niyang nakasalpak sa magkabila niyang tenga.
"Tss buhay pa din" walang gana kong sagot. Hanggang ngayon nababadtrip ako sa ginawa nung babaeng yun.
"Oh? Bat mukha kang patay hahaha" tatawa-tawa pa niyang sabi sa akin.
"Tigilan mo ako Ian ah baka ihagis kita diyan"
"Sungit" tatawa-tawa niya pang bulong, isinalpak niya uli sa tenga niya yung earphones.
30 minutes na ang nakalipas pero wala pa ding dumadating na prof. Kaya nagsilabasan na kami, ganun kasi ang patakaran sa university namin, kapag 30 minutes na at wala pa ding prof. Automatic na, na walang klase. Ang cool noh?
Tinext ko sila Vash at Ivan sana wala din silang klase.
To: Ivan
May klase kayo?Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya.
From: Ivan
Wala. Kayo?To: Ivan
Wala din, puntahan niyo na lang ako dito sa field.Umupo ako sa damuhan, sa parteng may puno para hindi ako masyadong masilaw sa liwanag ng araw.
"Hala gaga ginawa mo yun?! Nagmamagandang loob na nga yung tao sayo tapos ginanun mo pa?! Anong klaseng ugali yan Saph ha?!" Tsk! Ang ingay, kailangan nagsisigawan talaga kapag nag-uusap?!
"Eh?"
"Anong eh eh ka diyan! Magsorry ka dun! Ano ngang pangalan nun? Print? Brint? Bree?"
"Brent!" Nanlaki yung mata ko nung marinig ko yung pangalan ko kaya naman lumingon ako para tignan kung sino yung sumigaw ng pangalan ko.
"Ah ayun Brent! Mag sorry ka nagmamagandang loob na nga yung tao tapos ginanun mo pa? Aba! Isa ka talagang dakilang GAGA!"
'Tsss tama ka diyan gaga talaga yang kaibigan mo, siya na nga itong tinutulungan siya pa itong galit tss kung ibang babae siguro yun baka nagtatatalon na yun sa tuwa.'
"Eh?! Nahihiya ako eh."
'May hiya ka din pala huh?'
"Gaga! Mas nakakahiya naman kung hindi ka magsosorry sakanya di ba?! Ikaw bahala kapag nagalit talaga yun sayo wala ng tutulong sayo kapag kaharap mo yung gunggong mong EX at si Eunice"
"Yun nga yung nakakaasar! Kada makakasalubong ko yung dalawang yun eh laging sumusulpot si Brent!"
"Oh malay mo siya ang prince charming mo hahaha baka siya ang gagamot ng sugatan mong puso hahahaha."
"Ang corny mo! San mo ba nakukuha yang mga pinagsasasabi mo ha?!"
"Nabasa ko lang hehe"
"Tss sa libro lang merong ganun, sa tunay na buhay hindi mo kailangan ng iba para maghilom yung sugatan mong puso tch"
'Ganun siya kabitter! Tss'
"Ay masyadong bitter"
"Oy dre anong tinitignan mo diyan?" Napahawak ako sa dibdib ko nung biglang sumulpot si Ivan kasunod si Vash.
"H-ha? W-wala hehe oh bat wala din kayong klase?"
"Walang prof. may meeting daw sila kaya hanggang mamayang hapon ay wala ng klase! Yaaas!" Tuwang tuwang sabi ni Ivan habang napapasuntok pa sa hangin at tumatalon-talon.
![](https://img.wattpad.com/cover/81931619-288-k272640.jpg)
BINABASA MO ANG
Mending a broken heart
Novela JuvenilSabi nila mahirap daw magtiwala o magmahal uli after a heart break. Bakit nga ba? Kasi minsan ka ng naloko o dahil hindi na buo yung puso mo? Eh pano kung makahanap ka ng isang tao na maaaring bumuo ng sira mong puso? Will you give yourself another...