Chapter 3

64 4 1
                                    

Sapphire's POV
Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa sobrang pagkabad trip ko dun sa hambog na lalaking yun.

"Ikaw bessy kanina ka pa nakasimangot diyan. May dalaw ka ba ha?!" Biglang sigaw ng magaling kong best friend.

"Gusto mong dalawin ka ng kamao ko?" Ganito talaga ako kapag badmood, sanay na din naman si Victoria na ganito ako at siya lang ang nakakatagal sa ganitong ugali ko. True friend eh?

"Nako maligo na nga lang tayo para lumamig yang mainit mong ulo" sumang-ayon ako sa gusto niya. Nagsuot ako ng two-piece pero pinatungan ko muna ng crop top at shorts doon ko na lang toh huhubarin.

Bumaba kami sa may pool area. Sana lang talaga ay wala dito yung hambog na nakausap ko kagabi kundi baka lalong mag-init yung ulo ko.

"Tara na bes" tinanggal ni Victoria yung crop top at shorts niya. Naagaw niya yung pansin ng mga lalaki na nagsuswimming. Well sexy naman kasi talaga si Victoria at kayumanggi pa.

"What?!" Irita niyang tanong dun sa mga lalaking nakatingin. She hates attention. Ayaw niyang pinagtitinginan o pinagbubulungan siya.

"Hubad na Saph!" Maka-hubad naman toh -,-

"Tch" tinanggal ko yung suot kong crop top pati yung shorts. Para namang lumuwa yung mata nung mga lalaking nakatingin kanina kay Victoria.
Hindi sa pagbubuhat ng bangko, but I'm sexier than Victoria mas malakas nga lang talaga ang appeal ni Victoria.

Nilubog ko yung isa kong paa sa tubig tapos tuluyan na akong bumaba. Hanggang dibdib ko lang yung tubig pero tingin ko malalim sa dulo dahil walang masyadong tao doon. Kung meron man ay yung mga may salbabida at yung iba ay nakakapit pa sa gilid ng pool.

Lumangoy ako papunta dun sa dulo kung saan malalim. Laking gulat ko na lang nung makita ko yung mukha nung mayabang na lalaki pagka-ahon ko.

"Ikaw na naman?!" Iritado kong tanong sakanya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Sinusundan mo ba ako ha?"

"Ang kapal naman ata ng mukha mo miss hahaha. Sa gwapo kong toh susundan ko ang pangit na katulad mo? Tch tsyaka ang taba mo wag kang nagtwotwo- piece" wat da ef?! Anong trip nung lalaking yun?! Gusto kong umahon dito at paulanan siya ng suntok.

Bulag ba siya?! Siya pa lang ang nagsasabing mataba at pangit ako. May problema siguro sa mata ang isang yun.

"Sorry sa kaibigan namin miss ganun lang talaga yun. Don't worry sexy at maganda ka naman. I like you" sabi nung isang lalaki sabay kindat sa akin. Nakakadiri silang magkakaibigan ang sarap nilang ilunod bwiseeeeeet!

>_<

Sirang- sira na naman tuloy ang araw ko ngayon dahil sa pesteng lalaking yun! Kung legal lang talaga ang pagpatay kanina ko pa pinatay ang isang yun! Hambog na nga bastos pa!

"OMG bes sino yung dalawang hot guy na kausap mo doon?" Tinuro ni Victoria yung dulong part nung pool kung saan ako kinausap ni Hambog and Friend.

"Hot?! Hot ba yung mga mukhang tsokoy na yun?! Bwisit sinisira nila araw ko eh!" Padabog akong umahon at pinunasan yung katawan mo ng towel. Nakita ko na namang pinagtitinginan ako ng mga lalaki. Sorry kayo hanggang tingin lang kayo tss.

"Aahon ka na agad?" Tanong ni Victoria.

"Mamaya na ako magsuswimming masyadong tirik ang araw ayaw kong mangitim" palibhasa walang mawawala sakanya kapag siya ang mangingitim dahil kayumanggi naman ang balat niya samantalang ako ay maputi.

Nagulat ako ng may maramdaman akong malapot sa tiyan ko. Pagkadilat ko ang daming lotion na nakalagay dun. What da hell?! Sinong may gawa neto?!

"Oops sorry" sabi ni boy Hambog -,-.

"Brent tama na yan" awat sakanya nung isa niyang kaibigan. So Brent pala ang pangalan niya huh?! Ang pangit kasing pangit ng ugali niya.

"Ano bang problema mo sa akin Mister?! Last time I checked hindi tayo close para pagtripan mo ako at kausapin" inirapan ko siya nakakabwisit na kasi! Nananahimik lang ako ditong nagpapahinga tapos bigla siyang susulpot at bubuhusan ng madaming lotion yung tiyan ko. Eh kung buhusan ko naman ng muriatic acid yung pagmumukha niya?!

"Close? Gano ba kaclose gusto mo? Ganito?" Napasinghap ako nung lumapit siya at halos magkadikit na yung katawan naming dalawa. Hindi na ako nakapag-timpi pa at sinapak ko na siya sa magkabila niyang mukha.

"Ohhhhh!" Sigawan nung mga taong nasa paligid.

"What da hell was that?!" Galit niyang sigaw. Hinawakan niya ng mahigpit yung magkabila kong braso.

"Bitaw" malumalay kong sabi pero hindi niya ako binitawan at lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya sa braso ko dahilan para mag-init ang ulo ko. Kinuha ko yung kaliwa niyang kamay at inikot ito.

"Aray! Bitawan mo nga ako!" Ngayon siya pa ang nagsasabing bitawan ko siya. Lakas lakas mantrip hindi naman pala kayang ipagtanggol ang sarili tss.

Bakla!

"Next time you mess up with me... Ihanda mo na ang kabaong mo at iplano mo na kung saang punererya ka ibuburol"

Tinalikuran ko sila at sinuot ang bathrobe ko. Nakasunod naman sa likod ko si Victoria.

"You're so cool bessy!" Ningisian ko siya. Tuluyan na akong nawala sa mood ngayong araw. Siguraduhin lang talaga niyang hindi na siya magpapakita pa sa akin kahit kelan dahil baka paglamayan siya pag nagkataon.

Mending a broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon