Chapter 1: Need to let her go

75 3 0
                                    

Bryan P.O.V

It's been a year since i broke up with her but i can still clearly remember her beautiful face full of pain. Nasasaktan ako pag nakikita syang nasasaktan pero kelangan ko syang hiwalayan. Ayokong mapahamak siya dahil sa akin.

Ipinikit ko ang mata ko ng maalala ang dahilan kung bakit ko napagdesisyunan na hiwalayan ang babaeng pinakamamahal ko.

*Flashback*

Hingal ako ng matapos ko ang pinagagawang pagsubok para maging isang ganap na agent sa 'Shadow Hunter' , ang organisasyong itinayo ng aking ama. Isang retired FBI officer ang aking ama at dahil hinahanap ang mga dating ginagawa nung siya ay nasa serbisyo ay bumuo sya ng organisasyon.

"Bry!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Congratulation Pare, You passed  it! Tito Liam will surely proud of your accomplishment" sabay suntok sa braso ko.


Napailing ako sa ginawa ng matalik ko na kaibigan, "Tara na nga," papasok na sana kami sa headquarter ng bigla kami nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Agad kaming pumasok sa loob. I saw blood. Lots of Blood.

Lumapit ako sa isang nakahandusay at pinulsuhan ito. Wala ng buhay.  Si Mike naman ay kinuha nya ang baril ng isa sa tauhan ng ahensya na nakahandusay.

"Here, take this pare, di natin alam iba pang nangyayari sa loob. Masmagandang mag-ingat." Abot sa akin sa baril na hawak nito.

Tahimik kaming pumasok pa sa ibang bahagi ng headquarter. Sinenyasan ako ni Mike na maghiwalay ang dereksyon na tahakin namin at sumang-ayon ako. Pagpasok ko ay bigla ko nakita ang isang lalake na di pamilyar. Pinaputukan ko ang kamay kung nasaan ang armas nito at nabitawan ang hawak na baril, saka ko sinunod ang hita upang di makatakbo.

Itinutok ko sa kanya ang baril ko habang palapit ako sa kanya. "Sino ka? Bakit nyo pinasok itong ahensya?" tanong ko.

"Just kill me already, wala kang makukuhang kahit anong sagot sa akin." He smirk at me. Sinipa ko sya .

"Ack...."

"Magsasalita ka ba o hindi?"

Tumingin syang matalim sa akin. "Gaya ng sabi ko wala ka makukuha sa akin na impormasyon.  Kaya patayin mo na ako, tutal tapos na rin naman ang misyon ko dito bata."

"Bryan! Pare!" Sigaw ni Mike, "You're dad is dead!"

Natulos ako sa kinatatayuan ko.

Narinig ko humalakhak ang lalake na tinutukan ko ng baril, di ko namalayan naiputok ko ang gatilyo ng baril at bumagsak na walang buhay ang taong pumatay sa aking ama.

*FLASHBACK END*

Nakita ko kung pano maghinagpis ang aking ina sa nangyari. Di ko kayang iparanas yun sa kanya. Letting go of her is the only way, pero bakit may bumubulong sa akin na mali ang ginawa ko.

_______________________________________________________________________________

Authors Note:

Hello, sa lahat. :) Thanks sa pagbasa po ng gawa ko. Sorry maikli lang.  Pacomment naman po and vote.


Agent Series 1: Remember MeWhere stories live. Discover now