Felicity P.O.VMatapos nyang lapatan ng gamot yung nasaktan sa likod ko ay iniwan na nya ako at ako na naglapat ng gamot sa puwetan ko. Hinihintay ko syang bumalik pero di na sya nagpakita pa sa akin. I sigh. I want to ask him about the girl named Angeline.
Mga ilang sandali naramdaman ko na kumakalam ang sikmura ko, di pa pala ako nagluch. Kasi naman eh. Haizt. Susubukan ko sanang tumayo sa higaan ng bumukas ang pinto at pumasok si Bryan na may dala-dalang tray na may laman na pagkain.
"Kain ka muna bago ka magpahinga," sabi nito at inilapag ang tray na may laman ng makakain sa night table at tsaka umalis.
Napasimangot ako, di man lang ako tinignan. Kung di lang ako gutom at di kumakalam sikmura ko paniguradong di ako kakain. Tsk. Kainis naman kasi yung lalakeng yun, paiba-iba ng mood.
Bryan P.O.V
Nang mahatiran ko ng pagkain si Felicity, i check every door and window if it's all lock, then umalis ako at nagpunta sa Headquarter. Nasa parking lot na ako ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko sino ang caller and i saw it is from Chief Romanov.
"Nasundo mo na sya?" Agad nitong tanong sa akin.
"Yes Chief, maayos ko din naihatid sa apartment nya sa Makati. Sa ngayon iniwan ko sya at nandito ako sa parking lot ng headquarter." inform ko sa kanya.
"Agent Phantom, what did I tell you about being her bodyguard. You must stay on her all the time."
"May kelangan lang po ako alamin Chief, babalik din po ako agad duon."
"At anong mas importante pa sa pinapagawa ko ang aalamin mo Agent Phantom?"
"Mas importante pa kesa buhay ko." seryoso kong saad.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Chief Romanov sa kabilang linya, "Have it your way then pero kung may mangyaring masama sa pinapabantayan ko sa'yo, alam mo na ang consequence. Understood Agent Phantom?"
"Understood Chief." Pagkasabi ko nun ay pinataya na nya ako ng tawag.
Bago ako pumasok sa headquarter ay tinignan ko muna ang kalagayan ni Felicity. I put cctv camera sa sala, kusina, at iba pang parte ng apartment habang nagluluto ako kanina maliban sa silid tulugan nito pero balak ko lagyan para kahit tulog na ito ay nababantayan ko pa rin sya. Wala naman ako napansin na kakaiba.
Akmang papatayin ko na sana ang screen ng makita ko pabukas ang pinto ng kwarto ni Felicity. Bakit di pa magpahinga nag babaeng yun. May dinaramdam na nga. Nakaramdam ako ng inis sa ginawi nito. Wala ba itong pakielam kung ano mangyari sa kanya?
Nakita ko syang hawak ang likod nya sa may bewang at nahihirapan maglakad habang ang isang kamay ay tangan nito ang tray na pinaglagyan ko ng pagkain kanina, napansin ko na naubos nito yun. Napangiti ako. I used to cook food para kay Angeline noong nililigawan ko sya, hanggang sa maging kami tuwing nagkakasakit. Pinilig ko ang ulo ko ng magsimulang bumalik na naman ako sa nakaraan.
Pinatay ko ang screen at tsaka nagpunta sa loob ng headquarter.
Dumiretso ako sa table ni Kim, ang nakababatang kapatid ni Angeline. Ang liit ng mundo, akalain mong isa palang secret agent din ang kapatid ng pinakamamahal ko. Tumawa ako ng pagak. Pinakamamahal pero sinaktan ko naman.
Nakita ko si Kim na abala nakaharap sa Computer nito. Opisina nakatoka si Kim at hindi sa labas, sya ang may hawak ng paggawa ng mga makabagong gadgets at maghack ng iba't ibang site. Masyadong titig ito na di man lang ata namalayan ang paglapit ko kung di lang ako nagsalita.
"Anong kelangan mo Romero," inis nyang sabi sa akin na nanlilisik ang mata. Para akong gusto patayin kung paano ako tignan nito. Well, ako nga naman kasi ang nanakit sa puso ng kapatid nya.
Ayaw ko sana magtanong sa kanya pero kelangan ko alamin. "Kumusta na ang ate mo?" lakas loob ko na tanong sa kanya.
Tinaasan nya ako ng kilay, "Wala ka na duon kung kumusta na ang ate ko." taray nito sa akin at bumalik sa ginagawa nya.
"I just want...."
"What?!" Singhal nito sa akin, "Di pa ba sapat sa'yo ang saktan ang kapatid ko? ano pa bang gusto mo?" sigaw nito sa akin, pinagtitinginan na kami ng ibang ahente sa opisina.
Tinalikuran ko na lang si Kim, kung bakit pa kasi nilapitan ko at nagtanong sa kanya. Paalis na sana ako ng opisina ng makasalubong ko si Mike, ang bestfriend ko.
"Oh, pare diba may dapat kang bantayan ngayon?"
"Oo, pabalik na ako duon, may inalam lang ako," sabi ko sabay hilot sa sintido.
"Problem?"
"Wala." Sabi ko na lang, ayaw ko sabihin sa kanya kasi baka gumawa ng paraan ang gago at kausapin nito si girlfriend nito na si Kim. Ayaw ko naman maging dahilan ng pag-away ng dalawa. "Sige brad alis na ako." paalam ko sabay tapik sa balikat nya.
Mike P.O.V
Habang tinitignan ko ang papalayong pigura ng matalik ko na kaibigan ay naaawa ako. Nakita ko ang paglapit ni Bry kay Kim kanina at narinig ang tanong nito ngunit nagkunwari akong walang alam at kadarating ko lang ng makasalubong nya ako.
Parang pasan nito ang daigdig. Malaki ang pinagbago nito simula ng insidente na yun at ayaw ko na dagdagan pa lalo ang pasanin nito kung malalaman nya na nawawala si Angeline. Alam kong mahal na mahal ito ng kaibigan ko. Sisisihin ni Bry panigurado ang sarili pag umabot ang balita sa kanya kaya kahit gusto ko sabihin sa kanya ay di pwede. Sumang-ayon din si Kim kahit na naiinis ito kay Bry ay nauunawaan nya ang nangyari at kung bakit ginawa yun ng kaibigan ko.
Bryan P.O.V
Wala din napala ang pagpunta ko ng opisina, dapat nga talaga di na ako nagpunta pa. Bumalik ako sa apartment ni Felicity at ng pumasok ako sa loob ay nakita ko sya sa sala at nakatulog. Nilapitan ko sya at kinarga, naamoy ko na naman pabango nito. Magkatulad na magkatulad silang dalawa, parang iisa lang sila pero ayaw ko mag assume na iisa sila pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng ito na kakikilala ko pa lang?
Haabang tinititigan ko ang mukha nya ay naalimpungatan si Felicity, iminulat nya ang inaantok na mata.
"Bryan," bulong nito.
Bumilis ang pintig ng puso ko, "hmmm" tanging sabi ko. "ipupunta kita sa kwarto mo, bakit ka ba lumabas, may dinaramdam ka na nga," mahina kong sabi sa kanya.
"Nilabas ko yung pinagkainan ko at hinugasan. Nakakahiya naman kasi kung papagawa ko pa sa'yo," sabi nito at ngumiti.
"Wag ka mahiya sa akin,nandito ako di lang para maging bodyguard mo kundi para pagsilbihan kung ano kelangan mo."
Nang makarating kami ng kwarto nya, inilapag ko sya sa kama, akmang aalis na sana ako ng hinawakan nya ang wrist ko.
"Pwede mo ba ako samahan kahit saglit?"
"Okay, sige." umupo ako sa bandang ulunan nya at nilaro-laro buhok nya.
"Bakit parang ang sweet mo naman ata? Ganito ba ang ginagawa mo kay Angeline tuwing matutulog sya? Girlfriend mo ba yun? o Asawa?"
Napatigil ako sa paghawak ng buhok nya. Tama sya, ganito ginagawa ko kung nahihirapan matulog si Angeline, bakit ko ito ginagawa kay Felicity ay di ko alam ang dahilan. Napapikit ako. "May gagawin pa pala ako." malamig kong sabi sa kanya. I need to be away with this woman.
________________________________________________________________________
Another update from me...:) sana nagustuhan nyo.
Pacomment at vote po.
Salamat. Till next time. :)
YOU ARE READING
Agent Series 1: Remember Me
Fiction généraleBryan Troy Romero o mas kilalang Agent Phantom. A man with few words. Laging nakakunot ang noo at sersoyo sa hindi malaman na dahilan may kung anong nararamdaman si Felicity tuwing nakakasama nya ito. And whenever their eyes met, parang may kislot...