Felicity P.O.V
Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan ko pabalik ng Pilipinas. I sigh. Wala sana ako balak sanang bumalik dito ngunit patuloy pa rin ako sinusundan ng panaginip na yun. Di ko alam kung sanhi lang ito ng nangyari sa akin noon o tunay kong alala. Napapikit ako habang papalabas ng eroplano at pilit na inalala at di masyadong maliwanag na panaginip na bumabagabag sa akin isang taon na ang nakalilipas mula ng magising ako mula sa isang aksidente na naging dahilan ng pagkawala ko ng memorya sa kung sino ako.
*Remembering the blurred Dream*
Isang lalake ang nakatalikod at nag eensayo ng self-defence. Nasa 5'9 ang ang height nito, well built and katawan kahit na balot ito ng uniform sa karate. I am captivated the way he move, di ko namalayan pero humahakbang ang mga paa ko palapit sa kanya at may kasiyahan sa puso ko.
Nang malapit na ako nabigla ako sa ginawi ng lalake. He hold my wrist then my waist at pinahiga nya ako sa tatami floor. Ang lakas ng tibok ng puso ko pero di naman ako makaramdam ng takot sa ayos namin.
Nakadagan sya sa akin, amoy ko ang mabangong amoy ng pagkalalake nya kahit na pinagpawisan sya, ngunit di ko maaninag masyado ang mukha, masyadong malabo. Habang pilit ko tinititigan ang mukha ng lalake na nakagan sa akin ay nagsalita ito.
"mo chroí, what did i tell you about sneaking on me habang nag eensayo?" sabi nito sa baritonong boses.
I love his voice, ang sarap pakinggan. Please magsalita ka pa, sabi ko sa isip ko.
He kissed my neck, then nibble my earlobe. Napapikit ako sa sensasyong binibigay nito.
"Ummmmm"
I hear him chuckle at napakaseksi nun.
"mo chroí, though i love doing this with you i know you're not ready yet na pumunta tayo sa ibang level." sabi nito at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Lets go. A-----"
*End of remembering the dream*
Lagi na lang duon humihinto ang panaginip ko. Di ko maintindihan pero parang importante yung sasabihin ng lalake sa panaginip ko. Pero ano nga ba yun?
Napahilot ako sa sentido ko.
Makapunta na nga lang sa baggage area at makuha maleta ko at makalabas. Nagkakaroon lang ako ng headache whenever i am over exerting myself to think about the dream.
Bryan P.O.V
Nandito ako ngayon sa Airport para sunduin ang anak-anakan daw ng kaibigan ni Chief Romanov.
Naiinis ako dahil inalis ako sa mission para bantayan kung sino man itong babae na susunduin ko ngayon.
*Flashback*
"Chief naman, bakit nyo ako tatanggalin," nagdilim ang expression ko ng sinabi nyang itigil ko na ang pagmamanman sa grupo na nagpapatay sa mga kasamhan ko noon kasama na ang aking ama. I want revenge. Nang dahil sa kanila naghirap ang kalooban ng mama ko at napilitan akong iwan ang babaeng pinakamamahal ko. Lintik lang ang walang ganti.
"Do not use that tone on me Romero, tandaan mo. I am the Chief at kung ano man ang desisyon ko sa isang bagay hindi mo pwedeng kwestyunin." galit na sabi nito, "Importante mabantayan mo ang anak-anakan ng kaibigan ko, alam mo naman gano kilala ang pamilya Montenegro at kung gaano sila kayaman. At magiging target ng sindikato ang anak-anakan ng kaibigan ko malaman nilang nandito ito sa pilipinas at kung malalaman nila na wala itong bantay." dagdag pa nito.
"Pero bakit ako?"
Huminga ng malalim si Chief Romanov bago nagsalita, "Dahil may tiwala ako sa kakayahan mo na maprotektahan sya, at kaya naman inalis na kita sa mission ay baka mamukhaan ka pa ng mga pumatay sa ama mo." Paliwanag nito, "Wag ka mag-alala, i am appointing Agent Thunder to take over the mission at makakaasa kang di mababalewala ang pagbabalatkayo mo this past days."
I gritted my teeth. Wala naman ako magagawa kundi sumunod sa utos. "Anong pangalan ng susunduin ko at makagawa ako ng placard para rito." nasabi ko na lang kahit may inis ako.
"Her name is Felicity Motenegro. Take good care of her. Wag ka mag-alala mabait naman ang yun. I already met her once ng namasyal ako sa Singapore. You shall leave, malapit na ang dating nun sa Airport. Wag mo pag intayin" Chief Romanov dismissed me.
*End of Flashback*
At eto nga nasa Airport ako at nag-aantay sa babaeng yun. Tsk. Kung bakit ba kasi di na lang nag-aral ng self-defence.
Hawak ko ang placard kung saan nakalagay ang pangalan nya. Aalis na muna sana ako para kumuha ng makakain ng mahagip ng mata ko ang isang babae na matagal ko na di nakita.
Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Naalala ko ko pa ang pananakit ko sa damdamin nya. Kay tagal ko na sya di nakita pero di pa rin nagbabago ang ganda nya. Di pa rin nagbabago pati nararamdaman ko sa kanya. Pain and longing, yan ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako kasi alam ko na nasaktan ko sya. I am longing for her kasi mahal ko sya. Gusto ko nasa tabi ko sya. Akap ko sya. Marinig ang halakhak nya.
Nakikita ko syang papalapit sa akin. Nagtaka ako bakit may ngiti sa labi nito. Napatawad ba kaya nya ako sa ginawa ko nun? "A---" Akmang magsasalita sana ako upang banggitin ang pangalan nya pero bigla syang nagsalita.
"Hi, ikaw pala ang sundo ko." nakangiting sabi nito, naguluhan ako, "I'm Felicity Montenegro, and you are?" pagpapakilala nito at sabay abot sa kamay nito.
Felicity? is she kidding me? di ako pwedeng magkamali, i know my heart will not forget the only women i love. she's Angeline pero bakit?
Inabot ko ang kamay nya, di ko alam kung pano sya naging si Felicity pero kung yun ang ang gusto nya mangyari dahil sa nangyari sa amin sa nakaraan then so be it, pero di ko maiwasan na di masaktan, dahil habang tinitignan ko ang mga mata nya na dati ay puno ng pagmamahal ngayon ay wala, "I'm Bryan Troy Romero, i will be your bodyguard while you're staying here."
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Authors Note:
Wow. UD finished. Medyo nangalay balikat ko sa pagtype. hehehe pero Thanks po sa mga silent reader pero pacomment naman po at pavote kung pwede para po alam ko if nagugustuhan nyo po itong kwento na gawa ko. Please??? with cherry on top? hehe..:)
Until next UD again.
Ciao
YOU ARE READING
Agent Series 1: Remember Me
Ficción GeneralBryan Troy Romero o mas kilalang Agent Phantom. A man with few words. Laging nakakunot ang noo at sersoyo sa hindi malaman na dahilan may kung anong nararamdaman si Felicity tuwing nakakasama nya ito. And whenever their eyes met, parang may kislot...