1.Alamin mo ang pangarap mo

694 8 0
                                    


Unang una sa lahat , Gusto ko lang pong malaman mo na espesyal ka at maraming nagmamahal sayo :)

So ayun , Kelangan mo lang namang maalala kung ano ba ang pinakagusto mong ginagawa nung bata ka.Nung mga 6 to 12 ka kumbaga.Naaalala mo pa ba kung gaano ka kasaya at ka-positive na walang imposible kahit gaano pa kataas yang pangarap mo ? Gustong gusto mong maglaro ng doktor-doktor-an o bahay-bahayan kahit na sobrang dumi mo na at pinapagalitan ka na ng kapatid mo o kaya naman ang nanay mo ? Diba masaya ? Sabihin  na naten na gusto mong maging doktor dahil gustong gusto mong nanggagamot at nagsimula mo itong ginusto nung bata ka dahil yung kaibigan mo eh makulit talaga at gustong gusto maglaro maghapon. At sa mga oras na yun , di ka napapagod na maglaro ng doktor-doktoran.
Pero teka , Bakit nga ba napaka-importanteng malaman naten ang ating mga pangarap? Handa ba ang sarili mo para sa commitment ? Sigurado ka ba na yang gustong gusto mong ginagawa ngayon ay magugustuhan mo pa rin sa haba ng panahon ? Sino sino ba ang mga taong mapapasaya mo pag nagawa mo to ? At lastly Ano ba yung pangarap mo na handa mong gawin ang lahat para lang matupad ito ?

Life is short like your height. Why not do the things you love ? At para malaman mo , Ano ba ang posibleng mangyare sayo kung hindi mo alam ang pangarap mo ? Pre , Pag-aaralan mo ang kurso na di mo naman gusto , ginusto mo lang sya dahil ito ay mura at walang math.Anong  mangyayare pag grinaduate mo sya? Malalaman mo lang na di pala yun ang gusto mo at sinayang mo lang ang oras at pera ng mga magulang mo.

Para  naman matulungan kita ng kahit kunti sa pagtupad ng nabuong pangarap mo.Gusto Kong magsulat ka ng tatlong tao na gusto mo maging balang araw.Ito ay para madagdagan ka ng kunting motibasyon at inspirasyon.At pag nagawa mo na , Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang mensahe na gusto mong iparating sa mundo.Halimbawa na lang ang sikat na komedyante sa Pilipinas na si Vice Ganda , Yung mensahe nyang "kahit bakla o tomboy ka man , Sa mata ng Diyos tayo ay pantay pantay".That's a positive message tho.Kung Hindi naman mensahe , siguro motto.
Eto yung mga tanong na makakatulong sayo kung panu mo rin malalaman ang pangarap mo tungkol saken.
Una, Ano ba ang gusto mong ginagawa  ? Pangalawa ,Sa panahon ngayon , saan mo ginagastos ang pera mo ? At pangatlo , Masaya ka ba dito ? Pang apat, Ano ba yung ginagawa mo na nauubos lahat ng oras mo ? Ito ba ay pagluluto ?pagtuturo ? Pak ganern ? At panglima , Asan ba yung lugar na ramdam na ramdam mo yung utak at puso mo ay nag-uusap at nagkakasundo.Kung hindi mo pa man alam ,Siguro oras na para hanapin mo.

Kung sa mga oras na to ay alam mo na ang mga pangarap mo.Saludo ako sayo dahil kilala mo na ang sarili mo at alam mo ang ikakaligaya mo.

Choose a career , Not a Job !
Everything is possible !
Magic will always happen :))

Paano ba maging masaya (Published )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon