Chapter Thirty Two

627 20 1
                                    

Bea's POV

I saved the information from the computer then umalis na ako sa building bago pa ako abutan ng mga pulis dito dahil sa pinag gagawa ko. Siempre I left without a trace or evidence. Hindi naman ako tanga para umalis nalang dun nang may bakas ng ka tangahan ko. Never akong naging tanga.

I went inside my car and fixed myself. Kumuha ako ng gasa at alcohol tapos binuhusan ko yung sugat na nadaplisan ng bala kanina. Napangiwi ako sa sakit pero tiniis ko nalang at nilagyan ng gasa yung sugat para tumigil sa pagdurugo.

Nang naging maayos na ang pakiramdam ko ay nag drive na ako pabalik ng dorm dahil siguradong magaalala na sina ate Ly at matatalakan ako ni ate Den.

" My Gosh! What on earth did you do at nagkaganyan ka?" galit na tanong ni ate Ly pagkabukas niya ng pinto ng kotse ko. Agad kasi silang sumugod pagdating ko.

" Patulong nalang po ako at paki alalayan dahil nanghihina ako," pakiusap ko.

Inalalayan naman nila ako at inupo sa couch.

" Ano ang nangyari sayo Beatriz?" mataray na tanong ni ate Den habang nakapamewang.

Tumabi naman si ate Ly kay ate Den at tinignan ako nang masama.

" Diba sabi mo kanina hindi ka mapapahamak at mag iingat ka. Sabi mo rin na magte-text ka. What happened?" saad ni ate Ly na halatang may pagkainis sa tono ng pananalita niya.

I just did what is right. Sometimes wrong is right.

" Alam mo ba na pinag alala mo kami at—"

" Patay na po si Miguel ate Den. Pinatay ko na siya," sabat ko sakanya.

" Ano?! Pinatay mo si De Guzman?" may pagkabiglang tanong ni ate Ella.

" Yes. He doesn't deserve to live anymore. Wala nang saysay ang buhay niya," sagot ko.

" Alam mo ba ang pinasok mong gulo at mas pinalala mo pa ang gusot na ito? Wala nanga si Jia dito, dagdag ka pa?" pagtatalak ni ate Ly.

" Wala ng problema dahil patay na si Miguel. Ang kailangan ko lang ngayon ay mahanap ang magaling niyang pinsan na si Samantha," paliwanag ko.

" Hindi ka ba natatakot na makulong dahil sa pagpatay mo kay De Guzman?" tanong ni ate Den.

" Hindi. I have ways at hindi naman ako nag iwan ng evidence dun at sinira ko narin yung cctv footages. Pano pa sila makakahanap ng ebidensya laban sakin? I cleaned everything. Maliit ang chance na ma track pa nila ako at maging sure na ako nga ang pumatay kay De Guzman," sunod na pagpapaliwanag ko sakanila.

" How?!" pasigaw na tanong ng mga teammates ko.

You have no idea.

" Wanna know?" tanong ko.

Napatango naman sila at nakinig sakin.

I smirked " Can I have your word na hindi niyo pagsasabi kahit kanino yung sasabihin ko?

Tumango sila.

" Even if it will cost you your life?" I asked, smirking.

Nabigla sila pero tumango. Okay, sasabihin ko na. Para ko narin naman silang pamilya kaya okay na.

" I'm an ex-assassin and secret service. That's why I'm used to those works. Even silent killing," napanganga naman silang lahat pagkatapos ko sabihin ang secret identity ko.

" Seryoso ka ba?" di makapaniwalang tanong ni ate Ly.

" Opo," diretsong sagot ko.

" Ano pa ba ang hindi mo sinasabi samin? Nakakatakot ka pala Bea," saad ni ate Den.

Fate - JiBea Fan Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon