Chapter Twenty Two

733 20 2
                                    

Jia's POV

Jho: My ghad! Ang sakit na ng katawan ko at pagod na ako!

Reklamo ni Jho! Pano ba naman kasi, eh tatlong oras na namin ginagawa ang drills namin at ayaw pa magpapahinga ni ate Ly. Para siyang hindi napapagod.

Ate Ella: Hindi Lang ikaw ang napapagod Jhoana! Gutom na ako Ly, magpapahinga ka naman lang diyan. Para kang bato diyan kasi parang wala lang sayo ang training natin.

Hay salamat ate Ella at nasabi mo rin kay ate Ly ang nararamdaman namin. Kasi pati ako gutom at pagod narin. Kanina at magdamag ba naman ako sa pag set ng bola. Sino hindi mapapagod dun?!

Deanna: Alam naman natin na kay ate Den lang yan nagiging hindi mala bato. Love niya kasi!

Nagtawanan kaming lahat maliban kay ate Ly na nakakonot noo na.

Ate Ly: Wong! Gusto mo dagdagan ko yang ginagawa mo at ipag basketball pa kita diyan?!

Napatahimik naman si Deanna. Shunga talaga ang bruha. Si ate Ly pa, eh team captain yan.

" Ayan! Shut up ka ngayon diyan, Deanna. Hahaha." Asar ko sakanya pero nagtinginan naman yung mga teammates ko. Parang iba yung ibig sabihin nung tingin na yun ah.

Isa isa silang nag ngisian at alam ko na ang aabutin ko ngayon.

Mich: Ehem! Sino kaya dito ang nasa in denial mode pa?

Aba! May gana ka pang manguna sa pang asar Bes?! Matatamaan ka sakin mamaya.

Jho: Sinusungitan pa, eh alam naman niya na mahal na niya or manhid lang siya?

Isa pa itong si Maraguinot. May paubo ubo pa. Sakalin ko kaya siya para lalong ubuhin.

Pagkatapos nun ay inulan na kami ng sari saring asar at si Bea naman ay parang clue less lang ang peg. Siya yata naman ay bulag kung manhid man ako.

" Okay, okay. You may be dismissed. Training starts at ten pm tomorrow." Sabi ni coach Tai. Thank you coach at na awa na kayo samin at pinatigil mo na sila sa pang aasar nila.

Lumabas na kami ng BEG at nagkanya kanya na kasi yung iba ay may classes pa.

" Jia, sorry kasi hindi ako makakasabay sayo dahil may classes pa ako. Labas nalang tayo later pag tapos mo ng classes." Sabi ni Bea. Alam ko naman na may classes pa siya pero lagi siyang nag papaalam sakin pag aalis siya or pag wala siya sa tabi ko.

" Sige. Ingat ka palagi." Pag remind ko. Syempre dahil mahalaga siya sakin at best friend ko siya.

" I will. Mag ingat ka din ah. Huwag nakikipag usap sa hindi kilala." Wow. Nanay lang ang peg ni Bea?

" Whatever, Bea." Pang aasar ko sakanya. " Tss. Bye nanga at baka ma late pa ako. " Himalik siya sa pisngi ko bago siya umalis.

Bakit ganito ka Bea?! Bakit mo pinapagulo yung isip at damdamin ko?! Best friends pa ba tayo sa lagay na ito? You're complicated Bea.

Nagsisakayan na kami at bumalik na ng dorm. Nang makarating kami sa form ay may natanaw akong tao na namamasid samin nung bumaba na kami. Palingon ko ulit sa may gawi nung tao ay bigla itong naglaho. Ano kaya ang ginagawa nun dito? At ano naman ang tinatanaw niya dito? Ang weird lang.

Maddie: Ayyyiieeee! My ship is sailing. JiBea is sailing.

Walanjo talaga tong Madayag na ito. Walang tigil sa pang aasar.

" Maddie, kung ikaw kaya lunurin ko diyan para tumahimik ka?! May pa JiBea ka pa."

Ate Ly: Relax ka lang Jia. Parang walang araw na hindi kayo nag aasaran dito ah.

Ate Den: Umamin ka nga samin Jia, may gusto ka ba kay Beatriz?

Patay na ako nito! Napalunok ako sa tanong ni ate Den at parang aatakihin ako sa kaba. Pasabog ba naman na tanong yun?!

Ate Amy: Tell us the truth Jia.

Ate Ella: Pag nagsabi ka ng hindi totoo ay papaalisin ka namin sa team.

Mas lalo akong kinabahan kaya napilitan na akong umamin kasi cornered na nila ako dito sa sulok.

" Para ngang may gusto na ako kay Bea pero parang ang gulo kasi mag best friends kami pero ang sweet lang masyado ni Bea. Basta unexplainable yun." Gulong sabi ko at napayuko ako kasi I just confessed my true feelings.

Hinawakan ni ate Ly yung balikat ko " You just have to do what you think is right and follow what your heart tells you and don't let anything stop you. It's not bad to fall in love. What's bad is to ignore what you feel kasi in the end, baka ikaw lang din ang masaktan at magsisi." Wow. Grabe si ate Ly sa love. Expert na expert ang peg. Pero totoo yung sinabi niya. Lahat yun ay totoo.

Tumango ako at sumang ayon. Napangiti naman yung mga kasama ko.

Ate Mae: Since when pa iyang feelings mo for Bea?

Grabe naman sila at mukhang hot seat ako ngayon. No choice ka ngayon Jia.

" I think its been a week." Sabi ko. I had to let this out and be true to myself and to them.

" Just please keep this a secret from Bea. Ayaw kong masira ang meron kami ngayon. That's all I ask." Dugtong ko at nag agree naman sila. I am so happy to have teammates like them.

Sumapit na ang hapon which means malapit na ang classes ko.

Nakarating na ako sa hallway kung saan yung class ko at nakita ko ulit yung tao na nakatanaw kanina sa form namin. Bakit kaya siya nandito? And how did he get here?

" Pinabibigay po sainyo." Sabi nung babae at may inabot siyang papel sakin.

Napatingin ako dun sa pwesto nung lalaki kanina pagkatapos kong tanggapin yung sulat pero wala siya dun. Ang weird ng mga pangyayari ngayon sa paligid.

Binuksan ko yung papel at ang sulat ay

" Magpakasaya ka na ngayon at hindi kana nakakatawa pa sa susunod."

Nakakatakot naman yung sabi dun sa sulat. Kinakabahan tuloy ako but I tried to shrug it off dahil makakasagabal lang yun at may classes pa ako.

Pumasok na ako sa class ko at umupo sa vacant chair.

" Hi. My name is Samantha Faith De Guzman. But you can call me Sam." Pagpapakilala sakin nung babae na katabi ko at nag offer siya ng hand shake. I hesitated at first pero tinanggap ko din naman.

" I'm Jia Morado. Call me Jia." I smiled at her while shaking hands. I feel something wrong. Parang ang sama ng kutob ko sakanya.

Hindi ko nalang pinansin yun at nakinig nalang ako sa prof namin.

A/N: Simula na ang plan ng mag pinsan. Magtatagumpay kaya sila?


Fate - JiBea Fan Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon