Chapter Thirty Four

774 14 2
                                    

Jia's POV

I can't believe na kami parin ni Bea at mas mahalaga sakanya na magkasama na ulit kami kesa sa mga kasalanan ko sakanya. Masaya talaga ako na siya yung taong minahal ko at sobrang thankful ako na minahal niya din ako.

Its been a week since we got back from NYC at sa dorm na ako ulit tumutuloy. Coach Tai was happy na nakabalik na ulit ako.

Kinasuhan na si Samantha at nakulong na siya. Ang tanging hindi lang nakakaalam na bumalik na ako ay ang parents ko since I cut my connections with them nung pinaalis ako ni De Guzman.

" Babe, kelan mo balak na sabihin natin sa parents natin na engaged na tayo?" tanong ni Bea which made me snap out of my thoughts.

" Let's tell them on Saturday. Wala namang training at pasok kaya pwede," sagot ko sakanya.

" Sige. Samahan mo nalang muna ako," saad niya.

" Saan tayo pupunta?" tanong ko.

" Basta. Sumama ka nalang please," sabi niya at hinila na ako palabas at pinasakay sa kotse niya.

Nagsimula nang mag drive si Bea at ako naman ay nagiisip kung saan ba pupunta yung kasama ko.

" Saan ba tayo pupunta at ayaw mong sabihin?" tanong ko kay Bea habang nagd-drive siya.

" Secret at surprise yun. Malapit na naman tayo sa pupuntahan natin,"

Wala na akong nagawa kaya dumungaw nalang ako sa labas ng bintana at naghintay.

Nang makarating na kami ay nakita ko na nasa animal shelter kami. Na curious tuloy ako kung bakit kami nandito.

" Why are we here?" I asked.

" Basta. Malalaman mo din," sagot ni Bea.

Pumasok na kami sa animal shelter at may nakita ako na papalapit na aso samin.

" Abel, come here," pagtawag ni Bea dun sa puppy at niyakap niya ito.

" Ang cute naman niya," komento ko habang tinititigan si Abel.

" Para sayo nga siya eh. Regalo ko sayo kasi engaged na tayo," saad ni Bea na ikina tuwa ko.

I gave her a tight hug " Thank you for making me happy."

" I adopted Abel para kapag wala ako ay nandiyan siya para sayo. He'll watch over you."

" What are you talking about? Kapag wala ka? He'll watch over me? Hindi na naman tayo maghihiwalay right? Tapos na ang hinanakit at wala nang makapag hihiwalay satin," sagot ko kay Bea. It felt weird hearing her say that Abel was going to watch over me kapag wala siya. I feel like parang mawawala siya sakin.

We got Abel and headed to the car park.

We had dinner and a little talk.

" Bei..." I called.

" Hmm?"

" Please never leave me again."

She smiled " Halika nga dito," she pulled me into the hug and gently kissed my forehead.

" I'll never leave you. Never."

I just hugged her tightly as a response.

" Wala nang mang-iiwan at wala nang ma-iiwan," saad niya.

" I love you," I whispered.

" I love you more," she answered back.

I felt better and contended.

We went to the room and slept after we had dinner. It just felt peaceful and quiet.

" Good night. I love you," I said before drifting off to sleep.

Fate - JiBea Fan Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon