Chapter Thirty Three

662 19 9
                                    

Bea's POV

I know na marami na kaming pagsubok na pinagdaanan ni Jia since then pero hindi naging hadlang yun para maging kami ni Jia at sisiguraduhin kong mahahanap na namin siya at mapaparusahan na si Samantha dahil kasabwat din siya ni Miguel at pinsan niya ito. Hindi na magiging hadlang ang mga pagkakamali namin at kalilimutan na namin yun. As long as mahal namin ang isat- isa okay na yun para sakin.

" Bea, anong plano natin pagkadating natin sa bahay ni Samantha?" tanong ni ate Ly.

" Kakausapin muna natin siya na tulungan tayo na hanapin si Jia. Kapag hindi naman siya pumayag ay pipiliin natin siya. Magkakasakitan na ang lahat kapag nangyari yun. Kaya kailangan niyang pumayag," sagot ko.

Pinuntahan na namin yung bahay ni Samantha at halata sa mukha niya na gulat siya na makita kami at lalong-lalo na ako dahil malaki ang atraso nila ng pinsan niya na si Miguel.

" B-Bea," saad niya.

" pasok k-kayo,"

Binuksan niya yung pinto at pinapasok kami sa loob. Para siyang aatakihin dahil sa kaba lalo na at kaharap niya lang ako at nandito na kami sa loob ng bahay niya.

" Samantha, tulungan mo kami," sabi ko kaya napatingin sakin si Sam na parang wala siyang kinalaman sa pinag gagawa ng pinsan niya.

" What are you talking about?" nagtatakang tanong niya.

I rolled my eyes at her.

" Don't play dumb with me. Alam kong alam mo kung saan pinapunta ni Miguel si Jia. Ako mismo ang nakakita na may connection ka pa with your cousin," nakita ko na napayuko at napalunok si Sam nang sabihin ko sakanya yung nalalaman ko.

" Mag salita ka na or else, ikaw na ang isusunod ko sa pinsan mo," I said, with a smirk on my face.

Napatingin naman si Samantha sakin " Anong ibig mong sabihin?"

I laughed at her stupidity.

" Patay na si Miguel at ako ang pumatay sakanya. Kaya kung ako sayo ay magsalita ka na,"

Napa-iling naman siya at nagsimulang umiyak.

" What's your decision?" I asked, then nilabas ko yung baril ko kaya mas lalong napa-iyak si Samantha.

" I'll help you," sagot niya habang umiiyak.

" Great decision," saad ko.

Pumunta kami sa kwarto ni Sam kung nasaan yung laptop niya. Kinuha niya yun at binigay kay KKD.

" Sa palagay mo, saan pumupunta ni Miguel si Jia? Since pinsan ka naman niya," tanong ni ate Den.

" Sa New York yata," sagot ni Sam.

" Kapag nagkamali ka ay mapapatay kita," pagbabanta ko.

" Hindi. I promise na totoo ang sinasabi ko. Sasama narin ako sainyo sa pagpunta dun," pangungumbinsi niya.

" Sige. Magtitiwala kami at sasama ka samin," pagsangayon ko sakanya.

Umalis na kami sa bahay ni Sam at nagpunta ng New York.

" Saan nakatira si Jia dito?" tanong ni ate Den.

" Dadalhin ko nalang kayo doon. Sigurado naman ako na nandun si Jia at safe siya,"

" Siguraduhin mo lang Samantha. Kung hindi ay pasasabugin ko yung ulo mo,"

Narating na namin yung bahay na tinutuluyan ni Jia.

Pagkabukas ni Jia ng pinto ay bakas sa itsura niya ang pagkabigla at lungkot.

" Bea," pagtawag niya sakin.

Fate - JiBea Fan Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon