CHAPTER 5: Dancing Angel

36 2 0
                                    



***TAEHYUNG'S POV

Maaga pa lang ay gising na kaming lahat sa grupo. Nandito pa din kami lahat sa clinic nag stay magdamag kasi may suwero pa kami lahat. Napalingon kami sa may pintuan ng pumasok si Gabby.

She's wearing a white summer dress that suits her fair complexion. Napakaganda niya sa simpleng damit niyang iyon.

She is really an angel. My angel...napapa buntunghiningang sambit ko sa sarili ko.

Kasalukuyan pa akong nagde-daydreaming ng may bumatok sa akin.

Tiningnan ko ng masama si Suga Hyung.

"Yah Hyung! Ano ba? Bakit ka nambabatok?" (Korean) sigaw ko sa kanya.

"You're in lala-land Taehyung. Gabby Noona is talking to a troll." sabi naman ni Kookie.

Nahihiyang napakamot ako ng batok ko.

"Hehehe... Sorry Gabby Noona." At namula pa ang pisngi ko.

"Omo! The alien is blushing! Hahahaha..." ang lakas ng tawa na panunukso ni Rapmon Hyung.

"Oh shut up Hyung!" I glared at him.

Binato niya lang ako ng unan.

Si Gabby naman ay nakangiti lang habang pinapanood kami.

"Okay, boys behave." Sabi ni Gabby habang isa-isa kaming tinatanggalan ng suwero.

"At last! Freedom!" tuwang-tuwang sigaw ni Hobi Hyung ng matanggal na ang IV niya habang sumasayaw tapos bigla niyang niyakap si Gabby.

Nainis ako bigla kaya hinigit ko si J-Hope Hyung palayo kay Gabby.

"Oh mhay ghad Taehyungie... my hearteu is hurteu..." emote naman bigla ni Hobi.

Tumawa lang si Gabby.

"Hey, V it's okay..." sabi niya. "Boys, why don't you go to the second floor. We have six guest rooms in here, you choose your room okay. But since there are only 6 rooms, it means that the two of you will have to share in one room. There's also clothes in the closet, it was my brother's. I hope it suits you guys."

"Thank you so much Gabby for your help." Sabi ni Kookie sabay yakap.

Uggghhhhhh! Nakakainis na ha! Bakit ba yakap sila ng yakap kay Gabby? Lalo na 'tong si Jungkook iba pa siyang makatingin. Inis na sabi ni Taehyung sa sarili niya.

"Thank you Gabby!" sabay-sabay naman na sabi ni Jin, Suga, Hobi, Rapmon at Jimin.

Pagkatapos nun ay nag-uunahan silang tumakbo pataas. Malamang mag-aagawan sila ng kuwarto. Wala kasi sa kanila ang may gustong katabi sa kama. Susunod na sana ako sa kanila ng tawagin ako ni Gabby.

"V..."

Nagtataka akong lumingon sa kanya. Parang hesitant pa siya kung kakausapin ba niya ako o hindi. Lumapit ako sa kanya. Hindi naman siya nagsalita basta nakatingin lang siya sa akin. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan. Kulay brown pala ang mata niya. At napakaganda niya talaga. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at parang biglang namawis ang kamay ko.

"Bakit biglang akong kinabahan?" (Korean) mahinang bulong ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Ako na lang ang unang bumasag sa katahimikan.

"Ahmmm... Gabby, do you need anything?" tanong ko sa kanya.

"Huhhh?... What?" gulat na sabi niya.

Knock knock... It's BTS!Where stories live. Discover now