CHAPTER 1: The Beginning

43 3 2
                                    


***GABBY'S POV

"Gabby are you sure that you wanted to do this?" nag-aalalang tanong sa akin ng bestfriend kong si Jazz.

Tipid ko siyang nginitian.

"Of course, Jazz. Huwag kang mag-alala sa akin. I can take care of myself..." kinuha ko ang travelling bag ko.

Sinabayan ako ni Jazz ng paglabas ng bahay. I am really lucky to have a bestfriend like her.

"Basta if you need anything, tawag ka lang ha..." naiiyak pa niya akong niyakap. "Ikaw naman kasi, 'di mo naman kailangan umalis. You can stay in my house if you want..."

Niyakap ko din siya ng mahigpit. I know my decision is a bit hard, but I badly needed this.

"I know Jazz... But you know that I need this. Ito lang ang alam kong gawin sa ngayon. Kaya relax lang ha. I'm going to be okay. I call you from time to time. Ikaw na muna ang bahala sa ospital ha."

Isang sulyap pa ang ginawa ko sa mansion bago ako malungkot na sumakay sa sasakyan ko.

"Tara na po Mang Dolfo..." sabi ko sa personal driver ko.

Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Ihahatid lang naman ako ni Mang Dolfo sa airport.

I'm going to our family island. Yeah we have something like that. Actually I'm rich. My name is Gabrielle Park Montague Anderson. We own MA Medical Center. A very renowned hospital here and abroad. We have the largest and advance medical facilities in the Philippines, South Korea and USA. I'm ¼ Filipino, ¼ Korean and half American. I'm 25 years old. I came from a family of doctors. I don't know, but I guess saving lives runs with the family. And I'm also a doctor.

I'm a Doctor... How pathetic.... A thought of me being a doctor makes me sad. Maybe because, I don't deserve to be one.

Saglit pa ay nakarating na kami sa NAIA 3. Tinulungan ako ni Mang Dolfo sa paglalagay ng mga bags ko sa carrier.

"Pa'no ho, kayo na po muna ang bahala sa mansion ha. Pakisabi na din po kina Manang Lucy. Salamat po ng marami..." nginitian ko ang matandang kaytagal ng naninilbihan sa aming pamilya.

"Naku, hija huwag kang mag-alala at hindi namin papabayaan ang bahay. Mag-iingat ka lagi. At sana sa pagkakataon na ito ay mahanap mo na ang katahimikan na nais mo. Hindi gugustuhin ng mga magulang mo na makita ka sa ganyang kalagayan."

May namuong mumunting luha sa sulok ng mga mata ko. Hindi ko magawang magsalita. Niyakap ko na lamang ang matanda. Pagkatapos ay walang lingon na umalis na ako.


***

Isla Montague...

"Paano Ma'am Gabby, andito na po tayo." Sabi sa akin ni Enrico. Anak siya ni Mang Dolfo at siyang nangangalaga sa Isla.

Napangiti ako ng mapagmasdan ang mala-paraisong lugar na iyon. It's been years since the last time I went here. Nothing has changed. This place is still a paradise. Paradise of Love. That's what my parents called this island.

"Ma'am, sigurado ho ba kayo na ayaw niyo ng kasama sa bahay?" tanong ni Enrico habang tinutulungan akong bumaba ng private boat. "Willing naman po Cristy na samahan kayo habang andito kayo sa Isla. Para na rin po may makakatulong kayo sa mga gawaing bahay."

"Naku, hindi na kailangan. Alam mo naman na sanay ako sa gawaing bahay. At saka pag sinamahan ako ng asawa mo, sino na ang mag-aalaga sa dalawang anak n'yo?"tanong ko dito. "Don't worry about me. Saka diyan lang naman kayo sa kabilang bahagi ng Isla nakatira. Madali ko na kayo matatawagan kapag may kailangan ako."ngumiti ako.

"Eh kayo po ang bahala.."

Habang naglalakad papunta sa Villa ay natanaw ko na kaagad ang maliwanag na ilaw nito. Pagkahatid sa akin ni Enrico ay nag-paalam na din ito sa akin.

Inayos ko lang ang mga gamit ko sa aking kuwarto. Pagkatapos nun' ay pumunta ako sa master bedroom. Nagsisikip ang dibdib ko habang pinipihit ko ang seradura ng pinto. Nang tumambad sa akin ang malaking family portrait namin ay tila tubig na nag-uunahang naglandas ang mga luha sa mga mata ko. Naghihinang napaupo ako sa sahig.

I'm sorry Mom... Dad... Kuya.. Hindi ko kayo nailigtas... I don't deserve to be called a doctor. I can't even save my own family... I don't know if I can do this. Ang hirap-hirap ng wala kayo sa tabi ko. How can I move on, kung wala man lang kahit isa sa inyo ang kasama ko ngayon? Sana sumama na lang ako sa inyo nung gabi na 'yun. Baka sakaling magkakasama pa rin tayo ngayon... sana hindi ako mag-isa.. sana wala akong sakit na nararamdamn...

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon kong iyon. Wala akong pakialam kung namamanhid na ang mga binti ko. Maybe it's better that way, baka sakaling di ko na maramdaman lahat ng sakit.


***

SEOUL KOREA

BTS Dorm... (Just imagine they are talking in Korean.)

"Boys, hurry up. We have to go! We're going to be late on our flight!" sigaw ni Manager Song.

Tumatakbong lumabas si J-Hope ng kuwarto niya. Maya-maya pa ay kasunod na niya sina Suga, Jimin, Rapmon, Jin at Jungkook.

"Oh kulang pa kayo... Asan na si V?!" gigil na tanong ni Manager Song.

"Hyung, naglalagay pa ng eyeliner.."tatawa-tawang sabi ni J-Hope habang sumasayaw.

"Sinusuot pa niya yun bling-bling niya." sabi ni Rapmon.

"Nagpa-panty pa?" inosenteng tanong naman ni Jin.

"Ha ha ha ha ha ha....!" ang lakas ng tawa ni Jimin at Kookie.

Lalong nagsalubong ang kilay ni Manager Song.

"Puro kayo kalokohan! Hala sakay na sa van, ako na ang bahala kay V. GO!!!"

Dali-daling nagsakayan sa van ang anim habang nagkukulitan.

Saglit pa ay lumabas na ng kuwarto si V ng may pagtataka sa mukha.

"Anong mukha naman yan?" tanong ni Manager.

"Yahhh! Hyung, ako pa lang ang ready? Grabe sila, late sila lahat. Ha ha ha ha...!" ang lawak pa ng ngiti ni V.

Binatukan siya ni Manager. "Alien ka talaga! Ikaw na lang ang kulang. Nasa sasakyan na sila lahat. Bilisan mo na nga diyan."

Kakamot-kamot ng ulo na sumunod si V kay Manager Song. Naabutan niyang nagkakagulo ang mga ka-grupo niya sa van.

"Bro, tapos ka ng magpanty?"tanong ni Jin.

"Panty ka diyan! Baliw ka... Tigilan mo nga ako..." nakangangang sabi ni V.

Tawanan naman lahat ng grupo.

"OH siya tama na yan. Be focus guys. Remember pupunta tayo sa Pilipinas para sa concert tour niyo. Saka na muna ang kulitan ha."

"Ne Manager Song!" sabay-sabay na sagot ng BTS.



_____________________________________________________

adik po talaga ako sa kanila ngayon...

nagbabata-bataan lang po...

fangirl mode on...

sana po magustuhan niyo...

thank you....

Knock knock... It's BTS!Where stories live. Discover now