CHAPTER 7: Bedroom Scene

32 2 0
                                    


***GABBY'S POV

Nakayakap ako sa isang mainit na bagay. Kaya lalo akong napapahimbing at napapasarap sa pagtulog eh. Hmmmm... Ang bango-bango naman ng unan na 'to! Ang sarap yakapin kasi ang init sa pakiramdam. Ganito yung feeling kapag kayakap ko si Mom habang natutulog.

May kakaiba talaga sa unan na ito. Parang may buhay eh. Ewan ko ba! Pero masarap yakapin kaya deadma na lang. sabi ko sa isip ko. Kaya hinigpitan ko na lang lalo ang yakap dito.

"Oooohhhhh-ooohhhhh...."

May narinig akong ungol pero di ko sure kung meron ba talaga oh wala. Kaya naman di pa din ako nagmulat ng mata.

Hay naku Gabby baka naman nananaginip ka lang. Sabi ko sabay higpit pa lalo ng yakap sa unan ko.

"Ooooohhhh-oooohhhhhhhhhhh...."

Kumunot ang noo ko kahit na nakapikit. May umuungol talaga eh!  Tinalasan ko ang tenga ko sa pakikinig. Lumipas ang ilang minuto pero wala naman na akong narinig na umungol uli. Hmmmmm... Guni-guni ko lang yun siguro.

Hihimbing na sana ako ulit ng tulog ng biglang gumalaw yun 'unan' na yakap-yakap ko. Automatic na napadilat ako. As in sobrang laki ng mata.

O_O. me

Napatingin ako sa yakap-yakap ko. Bakit 'to gumagalaw?! OMG!!! Monster ba itong una na ito at gumagalaw siya? May multo ba?! Natatakot ko nang tanong sa isip ko.

"Oooooohhhhhh..."

Biglang may umungol ulit kaya pandalas ang yakap ko sa unan ko. Lalong napahigpit ang yakap ko dito. Pero gumalaw lang ulit ito.

Natatakot na talaga ako kaya napabitaw na ako ng yakap. Dahan-dahan humaraharap sa akin ang 'unan'. Grabe na ang kabog ng dibdib ko. Paano kung si Sadako pala ito?! O kaya naman yun sa The Grudge? Nakaputi kaya siya!!! Actually nakaputi siya kasi nakatalukbong siya ng puti kong kumot. Tuluyan na akong napasigaw ng makaharap siya sa akin.

"AAHHHHHHHHHH! EOMMMMMMAAA! MAY MONSTER!"labas pa ngala-ngala ko sa pagsigaw.

Panic attack na kaya ako. Nasipa ko pa nga yun 'monster' kaya nalaglag siya sa kama. Buti nga sa kanya.

"A-rraayyy... Shit naman oh! Ang sakit Gabby ha!"narinig ko pang nagsalita yun monster.

Nandoon pa din siya sa sahig. Ayaw ko nga siyang silipin. Baka mamaya nakalabas ang matutulis niyang kuko at pangil tapos bigla na lang akong sakmalin.

Pero wait lang. Tama ba 'yun narinig ko? Gabby daw eh. Kilala niya ako?

Huminga muna ako ng malalim bago ako dahan-dahang gumapang sa kama para silipin kung sino ang nasa lapag. Malapit na ako sa dulo ng kama ng biglang tumayo ang monster. Este alien pala! Walanghiya talaga tong alien na ito sarap katayin eh. Halos atakihin na ako sa puso dahil sa sobrang takot tapos siya lang pala yun.

"YAH KIM TAEHYUNG! Ano na namang kalokohan ito ha?!" inis kong bulyaw sa kanya.

Inaantok na tiningnan niya lang ako at walang sabi-sabi na humiga sa kama ko. At take note ha, nagkumot pa talaga siya.

Oo sa kama ko. Nandito lang naman siya sa kuwarto ko. Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa kanya. Kapal talaga ng mukha nito kahit kelan eh.

"Bakit ka ba naninigaw at naninipa? Natutulog ang tao eh..." reklamo pa sa akin ni V habang nakapikit.

Aba't! Ako pa ang may kasalanan ha? Hiyang-hiya naman ako sa kanya! Eh siya kaya tong bigla na lang namamasok ng kuwarto ng may kuwarto. Ano ba kasing ginagawa niya dito? At kelan pa siya nakapasok ng hindi ko alam? Akala ko pa naman unan yun yakap ko tapos siya lang pala. Arrrggghhhhhh! Naiinis na niyugyog ko siya para gisingin.

Knock knock... It's BTS!Where stories live. Discover now