CHAPTER 14: Comforting Her

25 2 0
                                    

***SUGA'S POV

Nagkasalubong kami ni Gabby ng lumabas siya galing ng master bedroom. May luha at mugto ang mga mata niya. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang ganoon ng lumabas ng kuwartong iyon. Alam kong may problema siya na hindi sinasabi sa amin. Nagulat pa siya ng makita niya ako. Dali-dali niyang pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi niya. Para bang ayaw niyang ipakita sa akin na umiiyak siya.

Ngumiti lang sa akin si Gabby at saka tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto niya. Hahayaan ko na lang sana siya kaya lang parang hindi ko matiis na hayaan na lang siyang ganoon. Kaya naman sinundan ko siya sa loob ng room niya. Kumatok muna ako saka ako dahan-dahang pumasok. Nakita ko siya na tulalang nakaupo sa kama. Hindi nga niya napansin ang pagpasok ko.

"Gabby..."

Napapitlag siya ng tawagin ko ang pangalan niya. Takang napalingon siya sa akin.

"Oh Yoongi... ikaw pala..." nahihiyang sabi ni Gabby.

Umupo ako sa katabi niya.

"Ahhhhmmmm... pasensiya ka na kung pumasok na ako ha... kasi hindi ko lang matiis na hindi ka sundan ng makita kitang umiiyak." Sabi ko sa kanya.

"Ahhh yun ba... naku sorry ha... nag-alala kappa tuloy."

"Gabby gusto ko lang malaman mo na kung kailangan mo ng mapaglalabasan mo ng sama ng loob, nandito lang ako. Nandito lang kami. Puwede mong sabihin sa amin ang problema mo..."

Malungkot na yumuko lang siya. Hindi siya sumagot. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagdaloy ng luha sa magkabila niyang pisngi. Hinawakan ko siya sa balikat at iniharap sa akin.

"Gabby... nandito lang kami. Hindi ka nag-iisa..." alo ko sa kanya. "Handa akong makinig..."

Huminga muna ng malalim si Gabby at pinunasan ang luha bago nagsalita.

"Salamat Yoongi... Thank you kasi nandito kayo. Kahit papaano hindi ko nararamdman na mag-isa ako. Pakiramdam ko kasi... para bang ako na lang ang nasa mundo nung wala pa kayo sa buhay ko."

"Handa akong makinig kung handa ka na. Nagtataka lang kasi kami kasi sa tuwing lumalabas ka sa master bedroom ay palagi kang umiiyak. May nangyari ba?" tanong ko.

"My parents and my brother died in a car accident..."

Nagulat ako sa narinig ko. Sobrang bigat pala ni pinagdadaanan ni Gabby at wala man lang kaming kaalam-alam. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento.

"Papunta sana sila sa isang charity event na ini-sponsor-an ng hospital namin. I was supposed to come with them pero tinamad akong sumama kaya naman I decided to have an extra time of duty in the ER. Their car was hit by a 10 wheeler truck... Nadala naman agad sila sa MA Medical. I was so shocked when I saw them getting out from the ambulance in a stretcher... punong-puno sila ng dugo. I am a doctor... but for the first time in my life... I wasn't able to perform my duty. Wala man lang akong nagawa para maligtas sila... I was there when they died. I was right there... I was there Y-oongi... I wa---" hindi na natapos ni Gabby ang pagsasalita dahil napahagulgol na siya.

Pakiramdam kp ay nagsikip ang dibdib ko sa mga nalaman ko. Niyakap ko na lang si Gabby para kahit papaano ay kumalma siya.

"Ssshhhh... Huwag mong sisihin ang sarili mo Gabby... It's not your fault."

"I-i can't h-elp it..." humihikbing sabi niya. "Nagsisisi ako kasi wala akong nagawa... I felt so useless..."

"Magiging maayos din ang lahat Gabby... please don't be like this..."

"H-anggang ngayon hindi mawala sa isip ko... yung... mukha at katawan nila na puno ng dugo... Ang sakit-sakit lang na makita silang ganoon... Pakiramdam ko namatay na din ako nung gabing yun Yoongi... I felt lifeless... Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanila... wala man lang pasabi na yung na pala yung huling beses na makikita at mayayakap ko sila... Now I'm all alone..." patuloy pa din ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya.

Hinagod-hagod ko ang likod niya. Wala akong maapuhap na salita para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"Ngayong wala na sila... mag-isa na lang ako. Ni hindi ko nga magampanan ang pagiging doctor ko dahil sa tuwing makakakita ako ng dugo... Naaalala ko sila... Naaalala ko kung gaano ako kawalang kuwenta..."

"Don't say that Gabby! Hindi ka mag-isa kasi nandito kaming lahat para sa'yo. And you are not useless. Remember, if it wasn't for your help, maybe the 7 of us wouldn't be alive right now. So, don't you ever think of yourself that way. I'm sure that your parents and brother doesn't blame you. Everyone in your position would possibly done the same. Your family were so proud of you. They love you Gabby... please don't forget that..." mahabang kong sabi sa kanya. Hindi ako magaling sa pagpapayo, pero sana kahit papaano ay nakatulong ang sinabi ko to lessen her pain.

"Thank you Yoongi... thank you sa inyo dahil sinasamahan ninyo ako..."

Naramdaman ko na medyo kumalma na siya. Konting hikbi na lang ang naririnig ko. Yakap-yakap ko pa rin siya. Sa dalawang linggong pananatili namin sa Isla ay napalapit na talaga siya sa amin. Kaya naman hindi kami mapakali na nakikita siyang nasasaktan at nalulungkot. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

Saglit pa napansin ko na parang lumalim na ang hinga niya. Sinilip ko siya at nakita ko na nakatulog na pala siya. Maingat ko siyang iniayos ng higa sa kama niya. Kinumutan ko lang sya pagkatapos ay lumabas na din ako sa kuwarto niya. Bumaba ako a living room. Naabutan ko sila na nanonood ng TV.

Sinabi ko sa kanila ang nalaman ko tungkol kay Gabby. Yung dahilan kung bakit minsan ay nakikita namin siyang mag-isa lang at malungkot. Halos hindi sila makapaniwala na nangyari ang lahat ng yun sa isang napakabuting tao na katulad ni Gabby. Na sa likod pala ng mga ngiti niya ay may isang masakit na pangyayari ang dumaan sa buhay niya.


___________________________________________________________

..get well soon our dear  Min Yoongi...

... short chapter for Suga...

love you all....

Knock knock... It's BTS!Where stories live. Discover now