CHAPTER 10: Namjoon's Ideal Girl

33 2 0
                                    

***GABBY'S POV

Papunta ako ngayon ng dance studio. Nandoon kasi ngayon ang BTS dahil nagsabi sila na kung pwede daw nilang magamit. Well, how can I say no to them? Eh mukhang patay na patay din sila sa pagsasayaw. Sabay-sabay pa silang nag-aegyo. Makakahindi ka ba naman kung bibigyan ka nila ng napaka-cute na mukha habang nagpapaalam.hehe

Hindi muna ako kaagad pumasok sa loob. Sumilip muna ako para makita ko kung ano na ang ginagawa nila. Mukhang kakatapos lang nila sumayaw.

Si Jimin ay busy sa pangungulit kay Jungkook na halatang naiinis na. Kitang-kita ang pagkalukot ng mukha niya. Wala naman pakialam si Jimin kahit alam niyang badtrip na ang bunso.

Si Jin naman ay sweet na nakasandal kay Namjoon habang nagpupunasan ng pawis ang dalawa. NamJin itey! Ewwww, so bromance! Haha... Napatawa na lang ako ng sumagi sa isip ko na parang mas maganda pa sa akin si Jin. Hehe

Matiwasay at mahimbing naman na natutulog si Suga sa sahig habang nakabukaka. Feeling niya ay nasa sarili siyang kama. Siya yung tipo ng tao na kahit san mapuwesto ay tulog.

Si J-hope ay active na active pa din. Pagiling-giling ang katawan habang kumakanta. Hindi ko lang alam kung ano ang kinakanta at sinasayaw niya. Graveh! Hindi ba siya nauubusan ng energy? Nakailang Milo ba siya ngayong umaga? Haha

Sa isang tabi naman ay nakaupong nakanganga si Taehyung. Parang takas lang sa mental ang itsura niya. Mukha siyang ewan na hindi maintindihan. Hmmmppp! Alien talaga tong isang ito! Haha

Nakakatuwa silang pagmasdan. Simula ng dumating sila sa buhay ko ay unti-unti kong nakakalimutan ang mga problema ko. Nawala na yun feeling na parang mag-isa lang ako sa mundo. Sa totoo lang, masaya akong kasama sila.

Nagpasya na akong pumasok. Unang tumingin sa akin si Namjoon. Bigla na lang siyang napanganga na parang may nakitang kakaiba. Bigla din namula ang magkabila niyang pisngi. Nagtaka naman ako sa reaksiyon niya. Abah! Malay ko ba kung bakit siya nagkaganyan.



***NAMJOON'S POV

Saktong pumasok si Gabby sa loob ng dance studio. Automatikong napanganga ako at namula ang pisngi pagkakita sa kanya at sa suot niya.

Ang suot niya ay skinny jeans, plain white shirt at red high cut na converse. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. She's so perfect. Simple yet perfect.

Duh f-ck! Mura ko sa isip ko.

That's exactly how I described my ideal girl sa isa sa mga kanta namin. Grabe! Ang ganda-ganda niya at ang sexy pa. Partida! 'Yan pa lang ang suot niya ha. Wala pa siyang make-up niyan.

"Huy Namjoon!" tawag sa akin ni Jin.

Hindi ko siya pinansin. Nakatitig lang ako kay Gabby na ngayon ay kausap na ni Jin habang nakangiti. Nabalik lang ako sa reality ng may pumitik sa noo ko. Masamang tingin ang ibinigay ko kay V.

"Yah! Masakit ha!" sigaw ko sa kanya.

Pa-rectangle na ngumiti siya sa akin. "Eh paano tulo na laway mo Hyung. Yuccckkkk! Kadiri ka Hyung!"

"Heh!!! Pakialam mo ba ha? Eh di magpatulo ka din ng laway mo. Inggitero ka pa diyan!" sigaw ko ulit sa kanya.

"Naku tapos na Hyung! Kanina pa kaya. Sayang di mo man lang nakita. Di bale next time tawagin na lang kita." At natatawa na siyang umalis palapit kay Jungkook.

Tapos si Jungkook naman ang kinukit niya. Baliw talaga 'tong alien na to. Sarap itapon pabalik sa Uranus eh.



***SUGA'S POV

"Guys may ibibigay nga pala ako sa inyo." Sabi ni Gabby.

May inilabas siyang isang lalagyan ng mga CD. Nakilala ko kaagad yun lalagyanan na yun. Akin kasi yun. Lagi ko yun dala-dala kahit saan ako magpunta. Nung bumagsak ang eroplanong sinasakyan namin ay kapit-kapit ko yun. Akala ko nga nawala o kaya nahulog na sa dagat. Namimilog ang mata kong napatakbo palapit sa kanya. Pumalibot kaming lahat kay Gabby.

"Noona nasa iyo pala ito..." tuwang-tuwa kong sabi sabay labas ng aking shining gums... este teeth pala.hehe

"Ay oo. Kapit-kapit mo yan nun makita ko kayo. Itinabi ko lang siya. Nawala naman sa isip ko na ibalik. Kanina nakita ko siya sa drawer ko... kaya ayan na..." sabi ni Gabby Noona. "Ano bang laman niyan?"

Binuksan ko yun lagayan at ipinakita sa kanilang lahat.

"Copy ito ng mga dance practice, recordings, mall shows, concerts, mv's at mga moments ng BTS."

Biglang umeksena naman si V.

"Wow Suga Hyung! Ang galling mo talaga. Idol na kita!"

Hay naku! Kahit kalian talaga parang ewan lang na kausap itong isang ito eh. Sa loob ng isang linggong pananatili namin dito sa Isla ay puro kalokohan ang ginagawa niya. Nangunguna si Taehyung. Sinundan ni Jungkook at Jimin. Yan ang Maknae's Line. Pag pinag-sama mo pa ang tatlo nagiging riot na. Buti na lang at natatagalan ni Gabby ang kakulitan nila.

Lumapit ako sa DVD at sound system. May LED screen TV din si Gabby na naka-install. Isinalang ko ang isa sa mga CD. Tuwang-tuwa ang lahat ng mag-play ang video kung saan nagre-rehearse kami ng sayaw sa kanta naming War of Hormones.

Kitang-kita din ang saya sa mukha ni Gabby. Buti na lang kahit paano napapasaya namin sila. Isang beses kasi ay nakita namin siyang malungkot habang lumalabas sa isa sa mga kuwarto sa Villa. I know something is wrong with her. Nahihiya lang kaming magtanong. Mugto ang mga mata niya na halatang galing sa pag-iyak. Well, habang andito pa kami, ang gagawin namin ay araw-araw siyang pasayahin.


_______________________________________________

...ARMY's keep voting for BTS on MAMA!!!...

...i'm so hyped this past few days 'coz i just got my own "WINGS ALBUM"...

...all 4 versions...hehe...

...saranghae BTS...

Knock knock... It's BTS!Where stories live. Discover now