CHAPTER 13: Banyo Scene 2

26 2 0
                                    

This Chapter is dedicated to J-hope...

#WeLoveBTSJHOPE

________________________________________________________________

***J-HOPE'S POV

Halos lumuwa ang magaganda kong mga mata sa eksenang naabutan namin ni Jimin pagka-akyat namin ng hagdanan.

Naabutan kasi namin na magkapatong si Gabby at Taehyung na nakahiga sa sahig. Si Taehyung ang nasa ilalim at si Gabby naman ang nasa ibabaw. Pareho silang basang-basa tapos si Taehyung ay naka-brief lang. Ang worst pa dun ay magkalapat ang labi nila.

"OW EMM GEE!!!" sigaw ko pa.

"Anong kababalaghan ang ginagawa niyo?!!" sigaw din ni Jimin.

Parang noon lang natauhan ang dalawa kaya naman pandalas ang tayo nila. Parehong pulang-pula ang mukha nilang dalawa. Ang bilis ng ginawang pagtatapis ni Taehyung (in a Taehyung Way).

"Ang hahalay niyo! Rated SPG yan! Bakit sa hallway pa??!" sigaw ko pa ulit.

Nagtatakbuhan naman na dumating sina Jin Hyung, Namjoon at Suga Hyung na kasunod lang namin na naglalakad paakyat ng hagdan. Sakto naman na palabas si Jungkook sa kuwarto nila ni Taehyung na halatang kakatapos lang maligo. Nagpalipat-lipat ang tingin namin kay Gabby at Taehyung na parehong hindi makasalita.

"Hobi anong nangyari? Bakit ang ingay mo?" tanong ni Suga.

"Oo nga Hyung... Akala ko kung ano na ang nangyari eh." Sabi naman ni Jungkook.

"May nangyari talaga!!!" high pitched pa din ako until now.

"Tama! May nangyari talaga na kababalaghan dito!!!" sigaw din ni Jimin.

Sumingit naman si Jin Hyung.

"Saglit nga lang! Ang gulo niyo eh! Puro kayo 'may nangyari', pero di niyo naman sinasabi kung 'anong nangyari'. Paano namin malalaman 'ang nangyari' kung hindi niyo sasabihin kung ano ba talaga 'ang nangyari'? Sabihin niyo na lang kaya 'ang nangyari' para malaman na ng lahat kung ano ba 'ang nangyari'." ani Jin.

Ay! Mas magulo pa lang kausap itong si Jin Hyung eh. Paulit-ulit siya sa nangyari! Aruy! Papangit ako sa kanila ng wala sa oras eh. Makabalik na lang kaya sa kuwadra ko!hehe

"Hey Princess Jin! Is that a riddle? You just made the whole thing complicated." Ayan napa-english pa tuloy si Namjoon.

"Stop calling me Princess Jin." Masama ang tingin ni Jin Hyung kay Namjoon. Oh LQ na ba ito? Ito na ba ang katapusan ng NamJin?haha

"Why not? I'm just telling the truth."

"I'm not a Princess!"

"Aist!!! Whatever!" sabi na lang ni Namjoon tapos binalingan niya ako. "So Hobi Hyung, care to tell us what happened?"

Magsasalita na sana ako para magkuwento kaya lang naunahan naman ako ni Jimin. Naitulak pa nga ako para maka-eksena siya. Grabe siya oh! Hindi man lang magdahan-dahan.

"Excuse me!!! Because of this is the happening! Our shocking eyes and mind is shocking because of the happening. Gabby and Taehyung surprises the all of both me and Hobi Hyung. The rated SPG mark is on." Proud na pagkukuwento ni Jimin in English.

Nakatanggap naman siya ng tig-iisang batok sa amin. Eh paano ba naman kasi, imbes na maintindihan nila eh mas lalo lang naging magulo.

Jimin gave us a death glare. "Yah! Yung mga brain cells ko aba!!!" ang lakas ng sigaw niya.

"You are very no fun Chimchim!" sigaw ko sa kanya.

"Ang gugulo ninyong lahat mga Hyung! Pinapagulo niyo lalo ang nangyari eh. Ano ba kasing nangyari ha V Hyung at Gabby Noona?" si Jungkook na naiinis na yata sa takbo ng usapan ay si Taehyung at Gabby na ang tinanong. Kaya naman napabaling sa kanila ang tingin namin.

Knock knock... It's BTS!Where stories live. Discover now