"Para Kina Sir at Ma'am"

17 1 0
                                    


Sila ang nagturo sa atin ng ABAKADA,
Ngunit ang mga hinaing nila'y hirap tayong mabasa.
Sila ang nagpakita kung paano ang magbilang,
Subalit pagtugon sa problema nila'y palagi tayong nagkukulang.

Sila ang halimbawa ng magagandang asal,
Pero ang pasasalamat natin sa kanila ay sadyang kaybagal.
Sila ang bumibigkas ng bawat karunungan,
Datapwat isinusukli natin ay pagbibingi-bingihan.

Kaya ako'y lumilingon sa mga naging guro ko sa Bagumbayan.
Iminulat nila ako para maging mabuting mamamayan.
Alay ko sa kanila ang akdang ito,
Upang sa pagsulong ng karagdagan nilang suweldo'y makatulong ako.

Hiling ko'y taasan ang sahod nila Sir at Ma'am,
Para sa bayan natin ay hindi sila mamaalam.
Dedikasyon nila'y tunay na 'di mapapantayan,
Paaralan namin ngayon ay lubos na hinahangaan.

Maliit na ginhawa lang ang panawagan ko sa bagong administrasyon,
Kusing lamang 'to kumpara sa ibinigay nilang inspirasyon.
Ang bawat pisara't yeso na kanilang hinaharap,
Libo-libong indibidwal na ang natupad ang pangarap.

Huwag sanang balewalain yaring isinisigaw ng pluma ko.
Hindi nawa magtagal ay makamit na nila ang minimithing regalo.
Sapagkat sa bawat guro na mananatili at sasaya,
Pilipinas ay uunlad nang walang duda.


Random PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon