"Manunulat Ako"

12 1 0
                                    

Ang ating mundo ay napakaraming biyaya,

Tumingin sa kapwa at buksan ang mga mata,

Talino at talento ay nakahahanga,

Tiyak na sa puso mo ay magpapasaya.

Sa mang-aawit at mananayaw ay bibilib ka,

Husay sa pag-arte at mga imbensyon ay nakahahalina,

Makukulay na larawan tunay na nagpapasigla,

Galing sa malikhaing kamay ng maniniyot at nagpipinta.

Kung may isang bagay na maipagmamalaki ko,

Iyon ay ang kakayahang isa-letra ang nasa puso,

Minsan mang natatawag na may sira sa ulo,

Taas noo, kaibigan, manunulat ako!

Tunay na magagalak sa aking tula at kwento,

Lalawak ang pananaw sa ginagalawang mundo,

Lumangoy, lumipad at maglakbay sa pangarap mong paraiso,

Ganyan ang kapangyarihan ng papel at plumang ginto,

Ito man daw ay isang malaking katatawanan,

Ang pagsulat, kailanman ay 'di ko tatalikuran,

Sapagkat ito ang sa buhay ko ang nagbibigay kahulugan,

Regalo ng Maykapal na labis kong paka-iingatan.

Cd,?Dd4?q,4


Random PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon