She's Dating The Gangster
by SGwannabe
Rate: ★★★★★
Synopsis:
The story is about Kenjie and Athena. Nagsimula ang lahat ng mapagkamalan ni Kenjie si Athena bilang Athena na ex niya. Hanggang umabot sa pagpapanggap nila bilang magkasintahan. Dumating din ang time na bumalik na ang ex ni Kenjie na naging dahilan ng pagkakagulo ng papaganda sanang relasyon nila Kenjie at ni Athena. Gumaganda na sana ang relasyon nila Kenjie at Athena kaso umepal tong si Abigail na ex ni Kenjie. Dito na nagsimula ang pagkakagulo ng relasyon nila Kenjie at Athena. Sinamahan mo pa ng kakainlove na si Lucas kung saan palaging on the rescue kapag nasasaktan si Athena. Ang ending, kayo na ang tumuklas.
Reviews:
Bakit ko nga bang nagustuhan itong storya nato? Sinuggest lang sya ng ka office mate ko na maganda daw ito at hindi daw worth it ang pag wawattpad mo kung hindi mo pa to nababasa. Ika nga nia, ito yung storyang ngpa hook sa maraming tao sa wattpad, classic kumbaga. Sabi pa niya eh kakaiyak daw ang storyang ito dahil sa tragic ang ending. Eh kaya na curious ako at humingi ako ng soft copy. Kaso, ng mga panahong yun iniechapwera ko lang tong SDTG, tragic daw kasi ang ending eh. Ako pa naman yung taong, gusto parati happy ending. Hopeless romantic kasi ako. Gusto ko yung mga bida ang magkatuluyan in a nice way. Kaya pinabayaan ko na lang sya ng mglagi sa fon ko at yung iba ang binasa ko. Dumating sa point na ngsawa na ako sa mga binabasa ko at halos ubos ko na ang mga stories sa library ko kaya natanong ko, "ba't di ko e-try basahin tong SDTG at malaman natin kung maganda ba sya".
Dun nagsimula ang pagkahumaling ko kay Sexylove (Kenjie) at Babylove (Athena). Kilig to the bones palagi ang mga scenes nila. Lalo na yung nglalaro ng basketball si Kenjie at kailangang icheer ni Athena siya. Wohoo! Grabeh ang kilig ko dun. Yung mga scenes din nilang nagbabangayan, laughtrip ako dun. Hahaha. Pero gaya nga ng sabi nila, hindi puro sarap at saya ang isang relasyon dahil dumating na ang ex ni Kenjie na si Abigail. Hay, dito ako nalungkot at nainis ng sobra. Yung iniwan ni Kenjie si Athena para kay Abigail. Lalo na nung ng wish si Kenjie na sana mamatay n lang si Athena, pero hindi nya alam na nung mga panahon na yun ai may malalang sakit na pala si Athena. Ang sarap pektusan ni Kenjie doon. Alam mo yung bakit kailangan pang pagsalitaan ng ganun si Athena eh iniwan na nga nya pagkatapos nyang sabihing nahuhulog na sya dito. Grrr..
Pero ang di ko makakalimutang scene dito eh yung mamatay na si Athena, ang sakit sa bangs. Huhuhu.. Ang sakit sakit na alam mo ng mawawala na yung mahal mo at wala ka ng magagawa kundi tanggapin ito. Lalo pa nung humihingi si Kenjie ng maski 10minutes sa Diyos para dugtungan lang yung buhay ni Athena. Grabeh, balde balde ang luha ko dito. Sa maniwala kayo at sa hindi, halos buong tissue role ang naubos ko sa kakaiyak ng scene na yun. Hindi ko talaga binitawan ang scene na yun kahit madaling araw na. Iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa umabot na halos di ako makahinga. Ang epekto? Magang maga ang mata ko. Sino ba naman ang hindi kung ganung scene ang mababasa mo. Halos parang namatayan din ako dahil dito. Nagluksa ako ng buong linggo nito, nawalan ako ng ganang mgbasa maski kahit anong storya dahil sa tindi ng epekto nito. Parang di ko pa kayang bitawan ang alaala nila Kenjie at Athena. Gusto ko pang ulitin na iba na ung ending at hindi na ganun.
Ang masasabi ko lang, ito yung pinakamasakit na storyang nabasa ko na kahit ang sakit-sakit ng basahin ay hindi mo pa rin kayang bitawan dahil ramdam na ramdam mo ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Ang fallback lang para sa akin ay ang paraan ng pagkamatay ni Kenjie. Katoliko kasi ako at paniniwala na talaga natin na hindi mapupunta sa langit ang nagpapakamatay. Kaya natanong ko, kung ganon ang pagkamatay ni Kenjie, pano pa sila magkikita ni Athena sa langit? But anyways hindi na mahalaga yun basta napasaya at napaluha ako ng sabay nitong storyang ito.
Sayo Ms Bianca, ikaw na! Ikaw na ikaw na! Galing mong humugot ng emosyon sa bawat salita at linyang binabanggit ng mga bida. Grabe kang magpaiyak! Ubos ang tissue ko. Hahahaha. Pero salamat sa storyang ito at hinding hindi ko makakalimutan ang, "I can't breathe" ni Kenjie. Panalong panalo!
BINABASA MO ANG
Reviews & Opinions on the Best Stories in Wattpad!
RandomA compilation of the best stories in Wattpadmania. Basically my opinions on the stories that caught my attention. Their pros and cons. This is just my opinion not as a writer (since I'm not) but as an avid reader. This may served you as a guide. Bu...