He's Into Her

1.3K 28 15
                                    

He's Into Her (complete)

by Maxinejiji

Rate: ★★★★★

Synopsis:

Naniniwala ka ba sa love at first sight?

Eh sa hate at first sight?

Yan ang storya nila Maxpein Zin del Valle at Deib Lhor Enrile.

Hate at first sight.

Apo si Deib ng may-ari ng Brint International School. Sikat, gwapo, malakas ang karisma, at 4th time MVP ng Basketball team ng BIS. Kabilang sa mga kaibigan niya dito sina Lee at Tob.

Habang transferee naman si Max, 3rd year student. Isang mataba, matalino, astiging babae, at misteryosa. Kasama naman niya ang side kick nyang si Naih.

Nagsimula ang lahat dahil sa titigan nilang dalawa. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nagkabanggaan na sila dahil sa nainis si Deib sa pagtitig ni Max sa kanya kaya pinatid nya ito at nadapa. Kilalang bully dito si Deib at taon-taon na lang na may pinagtitripan sya. Nang dahil sa insidenteng yun ay binully na rin si Max hindi lang ni Deib kundi maging ng ibang estudyante.

Abangan kung pano umikot ang istoryang puno ng aksyon at misteryo.

Reviews:

Nalaman ko lang istorya nito via Cassiopenigma. Naghahanap kasi ako ng mababasa at isa to sa mga recommended stories nya.

What captures me to read this one?

1. Dahil sa genre nyang high school at gangster type. Yun kasi ang mas type kong basahin, yung may may mga bakbakan. Action packed ika nga. Hinihintay ko talaga dito yung mga action scenes kasi gangster ang genre nya. At sobrang saya ko nung nagkabakbakan na lalong lalo na nung niligtas ni Maxpein si Deib laban sa ibang ganster. Ang astig lang kasi ni Max doon lalo na si Naih. Salita pa nga lang nila eh kinakatakutan na. Hahaha. Anubey! Madami ding mga action scenes lalo na sa second season nito.

2. Misteryoso. I think isa rin sa mga dahilan kung bakit ako na hook dito eh dahil sa misteryo ng pagkatao ni Maxpein "Taguro" del Valle. Sino nga bah ang hindi macucurious sa pagkatao nya? Una pa lng nung pinatid sya ni Deib eh iba na yung tingin nya at nung ginantihan nya si Deib eh sobrang humanga ako sa self control niya.

Habang binabasa mo sya ay makikita mo sa kanya ang sakit, lungkot,at pighating pinagdadaanan nya. Naging misteryo sa akin kung sino ba talaga si Taguro. Anong dahilan at humantong sya sa ganyan? Sino ba talaga sya? Masyado kasing mahiwaga ang pagkataong nakabalot sa kanya at sa mga nakapaligid sa kanya.

Isa pa sa inaabangan ko dito kung kailan ma iinlove si Deib at Taguro sa isa't isa. Hahaha. Yun palagi ang inaabangan ko sa bawat eksena nila kahit may mga epal pa sa love story nila na itago na lang natin sa pangalang Kimeniah, Randall, at Dein Leigh. Hahaha.

Yung revelation rin dito eh paunti unti. Hindinyung tipong sa ending mo na lang malalaman ang lahat.

3. Matalino ang pagkakagawa. Bakit? Natatalinuhan talaga ako sa pagkakagawa dito kay Maxpein. Sa bawat linyang binibitiwan nya ay makikita mo ang lalim ng pagkatao nya. Kahit na high school pa lang sya pero kung mag-isip sya ay pang matured na. Gusto ko din yung mga matalinghagang kataga nya dito. May mapupulot ka talaga kung babasahin mo lang talaga ng mabuti. Hindi rin kasi mababaw yung mga linya dito yung tipong malalaman mong bata yung writer dahil parang batang mag-isp yung tauhan kahit matanda na yung characters nya. Hohoho.

4. Consistency. Nagustuhan ko dahil napanindigan ng mga characters ang pino portray nila hanggang sa Season 2 ng He's into Her. Hindi yung tipong bitch sa simula pero di napanindigan sa huli kung ano talaga sila. Magulo bah? Hehehe. Parang ganito lang, yung tipong di ka maguguluhan sa istorya dahil kung ano yung ugali nila sa simula ay nadagdagan man pero hindi nawala kung ano sila sa umpisa. Tipong kahit walang pangalan na nakalagay pero kng babasahin mo yung linya nya eh malalaman mong sya yun.

5. Di bitin. Hindi ka makukulangan sa bawat chapter dahil puno sya. Yung tipong ng ha-hang na ang cp mo dahil sa haba nya. At di rin dahilan ang taas ng spacing kung bakit humaba sya dahil wala masyadong nakakairitang mga spacing. Yung tipong binusog ka maski gusto mo pang lumamon pero ok na dahil nabusog kana.

6. Interesting cast. Isa din sa ingredients ng isang magandang storya eh hindi lang dahil sa bida kundi pati na rin sa mga supporting cast. Kung pano sila bubuo sa pagkatao ng bida. Lalo na yung mga side kicks nila. At yung mabubuong love team aside sa mga bida.

Eh punta naman tayo sa fallbacks ng story. Hmm, napansin ko lang na masyadong mahaba yung pagkakagawa sa season 1. Masyado lang mabagal ang pacing ng story. Tipong one day lang pala yung isang chapter. Akala ko naman one year na pero hindi pa pala.

Marami ding POVs na tipong di na kailangan. Gaya ng POV ni ganito na may POV din si ganito na may POV din si ganito pero iisang scene lang yan ah. Parang paulit-ulit ika nga. Pero nagawan din naman at nalinis din sa bandang huli.

Pero natabunan pa rin ng mga dahilan kung bakit nagustuhan ko sya yun mga fallbacks ng story.

Kay Maxinejiji, two thumbs up sayo kung pwede pati dalawang paa ko eh isali ko pa. Hahaha. Hindi lang sya nakakathrill, nakakaaliw pa at nakakainlove. Natatalinuhan ako sayo dahil sa pinpakita ng mga characters mo na ang tatalino rin. Ang astig lang. Elibs talaga ako sayo. San mo nga pala kinukuha at hinihugot yung mga banat mo? Hehehe.

Kakatapos ko lang basahin ang Season 2 at aabangan ko talaga as in talagang talaga ang Season 3.

Reviews & Opinions on the Best Stories in Wattpad!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon