Kabanata 2

75 10 1
                                    

KABANATA 2: ANG LIBRO AT ANG PANGAKO

Nakatitig lamang si Eros kay Jacinta na para bang sinusuri nito kung sino ba talaga siya. Sa oras na ito ay nakain sila ng umagahan kasama ang kaniyang lola Jacinta, ang lola niya sa tuhod.


"Eros Apo, h'wag mong titigan ng gan'yan si Jacinta na parang kakainin mo siya ng buhay."




Napatingin naman si Jacinta kay Eros subalit naiilang pa rin siya sa presensiya ng lalaking walang modo.


Ngumisi si Eros na parang may masamang balak. "Kakainin ko talaga siya ng buhay."




Uminit agad ang ulo ng binibini kung kaya't ang hawak niyang tinidor ay sinaksak niya sa ulam niya.




Nagulat ang lola na parang natakot sa ginawa ni Jacinta sa pagsaksak sa ulam ngunit si Eros ay lalong napangisi sapagkat lalo niyang ginugusto itong binibining ito kung sino ba talaga siya at kung saan siya nanggaling.





"Kapansin-pansin ang iyong hindi kaaya-ayang ugali, ginoong walang modo. Hindi ka ba naturuan ng magandang asal ng iyong ama at ina?" Sarkastikong sambit ni Jacinta at lalong idinidiin ang tinidor sa ulam.



"I--iha, huminahon ka muna. Pagpasensyahan mo itong apo ko, pasaway talaga iyang batang iyan."


"Lola, ito hong minamahal ninyong apo ay WALANG MODO." Idiniin pa ni Jacinta ang salitang walang modo ngunit hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon ni Eros. "Isang kalapastanganan na ang isang ginoo ay hinahawakan ang isang binibini at nilalapat ang labi, hindi ba ginoong walang modo?"


Imbis na mainis si Eros ay tumawa ito ng napakalakas. "Ganiyan ka ba talaga magsalita? Ang weird e hahaha." Tumawa pa siya ng tumawa na parang si Jacinta ay isang biro lamang.

"Totoo ba ang sinasabi ni Jacinta, Eros?! Galangin mo ang ating bisita, hay nako ka talagang bata ka! Mali talagang dito ka nagbakasyon sa Laguna. Mag-aral ka at hindi puro lakwatsa ang inaatupag mo, sundin mo ang daddy mo!"

Napatigil naman sa pagtawa si Eros sapagkat kapag nagagalit na ang kaniyang lola ay tumatahimik na lamang siya.

Tinignan niya ulit ng masama si Jacinta at hindi nagpatalo si Jacinta sa titigan.

Kung sila pagmamasdan ay para na silang nagpapatayan sa kanilang isipan.



JACINTA'S POV

Nakatitig pa din ng masama sa akin itong ginoong walang modo. Ganito ba talaga ang kaniyang ugali? Nakakaawa. Parang paslit.

Napaiwas na siya ng tingin kung kaya't napangisi ako. Mukhang ako ang nanalo ngunit hindi nakalagpas sa aking mga mata ang biglang pagkalungkot niya. Baka namamalikmata ka lamang Jacinta.

"Iha, maaari ba tayong mag-usap?" Napatingin ako kay Lola Erlinda. Malakas ang aking kutob na may alam ito kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

"Maaari po Lola, ngunit maaari din po bang magpahinga po muna ako ng ilang oras? Gulong-gulo pa po ang aking isipan." Sambit ko ng mahinahon sapagkat tunay na magulo ang nangyayari sa ngayon. Sino sila? Nasaan ako? Nasaan sila ama at ina? Hindi ko sila nailigtas.

Tumungo ako sapagkat alam kong tutulo ang luha ko. May pumatak na luha sa aking pagkain at napahikbi na ako.

"Kaartehan."

"Apo ano ba?! Wala ka na ba talagang respeto?!" Sigaw ni Lola Erlinda at hindi ko muna iintindihin ang mga nakakabwisit na salita ng ginoong ito.

Historical Love [On-Going] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon