KABANATA 3: PARAISO
Nakatitig lamang ako kay Lola Erlinda at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.
Ang libro. Ang misyon ko. Ang pangako. Ang pagbabago. Ang kalaban ko sa panahon ko ay kalaban ko rin ngayon?
Pinaltan ng takot at kaba ang aking emosyon. Di pa rin ako makakilos sa aking mga narinig. Niyakap ako ni Lola Erlinda at hinagod ang aking likod.
"Senyora, ang paglalakbay mo sa panahong ito ay mgbibigay sayo ng makasaysayang pagmamahal sa iyong puso. Sana ay habang isinasagawa mo ang iyong misyon ay magpakasaya ka rin sa panahong ito. Ang mga ala-ala ang baon-baon mo hanggang sa ika'y mawala na sa panahong ito." Tinanggal na niya ang pagkakayakap sa akin at nanatili akong walang emosyon at hindi umiimik man lang.
"Senyora halika na, ituloy na natin ang hapag-kainan upang di ka mawalan ng lakas sa buong maghapon."
Huminga ako ng malalim at nagdesisyon na ako. Gagawin ko ang misyon na ito ng tama at matagumpay. Kailangan ko ng lakas upang makita ko ang makasaysayang librong iyon at kung sino ang tunay na kalaban ng buhay ko.
Tumango ako sabay kaming lumabas. Pagbukas namin ng pinto at nagulat kami at natumba si Eros.
"Jusko mi amore! Aatakihin ako sa puso sa'yo!"
Tinignan niya kami ng parang nahihiya at tinignan ko siya ng masama.
"Narinig mo ba ang usapin namin?" Umiwas siya ng tingin at dali-daling tumayo. Napansin kong pinagpapawisan siya ng dahil sa kaba.
"Imposible." Bulong niya.
"Iho apo, kung may narinig ka man ay sana isikreto lamang natin to."
Tumingin si Eros sa kaniyang lola at kumunot ang noo. "Imposibleng mangyari to lola! Ano 'to?! Fantasy? Time travel? Kapag mission accomplished na biglang aalis at-- at babalik sa mundo niya?! Ha! Nakakatawa." Tumalikod siya at hinawakan niya ang sintido niya. Tumawa din siya ng maikli ngunit kapansin-pansin na itong tawang ito ay tawang hindi makapaniwala.
"Kaartehan." Buong tapang kong sambit sa kaniya at tinalikuran siya.
"Ho--hoy babaeng arogante?! Anong sinabi mo?! Ka--kaartehan?! Gusto mong makatikim sa'kin ha?!"
Otomatiko akong napatigil. Tumingin ako sa kaniya at naaninag ko si Lola Erlinda na mukhang natatawa.
"Noong sinabi mo sa akin kanina ang kaartehan, alam ko na kung ano ang kahulugan noon pero nagalit ba ako? Tsh. Ginoong walang modo." Tinalikuran ko ulit siya at narinig ko ang pagsunod niya.
Bigla niya akong hinawakan sa pulso at hinila ako. Ano bang kalapastanganan ang ginagawa niya? Bawal niya akong hawakan!
"Lola hihiramin ko muna tong matandang 'to!"
"Ma--matanda?!"
Napatigil siya sa paghila sa akin at tumingin. "Oo! Gurang ka na hindi ba? Anong taon ka nasa panahon niyo? 2018 to! Hindi ka nararapat sa panahon namin!" Hinila niya ulit ako at natahimik na lamang ako.
1868 , 2018. Hindi maaari. Imposible itong bagay na ito.
Nagpatianod na lamang ako sa paghila niya. Napansin ko itong tahanan ay tunay na kakaiba kumpara sa tahanan ng panahon namin. Masyado itong maliwanag at wala akong gasera na makita.
Lumabas kami ng pinto at narinig ko ang ingay ng mga tao at kakaibang ingay na hindi ko mawari kung anong bagay iyon.
Dinala niya ako sa kanilang bakuran at kapansin-pansin rin na mas marami silang halaman kumpara sa amin.
BINABASA MO ANG
Historical Love [On-Going] #Wattys2019
Исторические романыSenyora Jacinta Moisés, babaeng bumalik sa modernong panahon na kung saan kailangan niyang alamin ang kasaysayan ng kanilang pamilya upang mapigilan ang madugong pagpatay sa kanilang pamilya. Si Eros Carter, isang matipunong bastos ay nagustuhan si...