Kabanata 7

50 8 0
                                    

KABANATA 7 : JACKY



Nakatayo sila ngayon sa isang mall. Walang kaalam-alam si Jacinta kung anong lugar ito kung kaya't para siyang batang palinga-linga.

"Nasaan tayo? Napakarami ng tao at ang kanilang pananamit ay hindi angkop. Ganito ba talaga sa panahon niyo?" Tanong ni Jacinta.

"Magandang tignan ang mga damit nila." Tumingin si Eros sa damit ni Jacinta at nagsalita. "Yung sa'yo, ang baduy."

"Baduy? Ano ang ibig sabihin nun? Hula ko ay masamang salita na naman iyon."

Umiling agad si Eros at hinawakan ang kamay ni Jacinta. Mga galawan ni Eros ay tunay na ikinakagulat ni Jacinta.

"Kumapit ka lang, maraming tao, baka mawala ka."

Hindi lang pala mga galawan ni Eros ang nagpapatigil sa kaniya. Pati na rin ang mga mabubulaklak niyang salita.

"Oo nga pala, yung baduy, ibig sabihin nun ay sobrang ganda kaya wag mong isiping puro masama sinasabi ko sa'yo."

"Baduy? Sobrang ganda? Iyon pala ang ibig sabihin ng salitang iyan. Gusto kong sabihin na ang baduy ng panahong ito. Kamangha-mangha."

Naubo si Eros sa sinabi ni Jacinta. Hindi niya alam kung dapat lang ba na hindi niya sinabi na ang baduy ay pangit at hindi maganda.

"Napasama pa ata." Bulong ni Eros.

"Ano?" Umiling agad si Eros at ngumiti. "Wala. Tara na. Humawak ka lang sa kamay ko, baka mawala ka e."

Hindi na umimik si Jacinta at nagpagtianod na lang sa paglalakad.

Nang sila ay makapasok ay nagtungo sila sa pamilihan ng mga damit.

Namangha si Jacinta sa kaniyang nakikita. Napakaliwanag at napakaraming tao. Ibang-iba sa pamilihan sa kanilang panahon.

"Napakaraming kasuutan na kakaiba." Sambit ni Jacinta sa sarili.

Si Eros ay naglibot at tumingin ng nga damit na pwedeng suutin ni Jacinta. Hawak pa rin niya ang kamay ni Jacinta.

"Tignan mo yung girlfriend nung guy, ang corny manamit. Pangmatanda."

"Oo nga e, ang gwapo pa naman nung lalaki at ang hot ah, infairness."

"Hindi sila bagay, mukhang mayaman ang lalaki tapos mukhang pulubi yung babae."

Naririnig niya ang mga bulong-bulungan ng mga saleslady kung kaya't tinignan niya ito ng nakakatakot na tingin. Napaiwas naman ang mga nag-uusap at napatigil sa kanilang pinag-uusapan.

May nakasunod sa kanilang isang saleslady na kung makatingin kay Jacinta ay parang papatayin niya ito.

Napansin rin iyon ni Eros kung kaya't nakaisip siya ng kalokohan.

Tumingin siya sa mga dress na babagay kay Jacinta. Kinuha niya iyon at inihagis.

"Kuhain mo yan, susukatin yan ng girlfriend ko, ayusin mo." Sambit niya sa sales lady.

Historical Love [On-Going] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon