Panimula

69 6 3
                                    

PANIMULA

(Book Cover of Hitorical Love)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book Cover of Hitorical Love)



Tumakbo ng tumakbo si Jacinta. Hindi niya alam kung makakaabot pa ba siya sa araw ng bitay ng kaniyang ama at ina. Hawak-hawak niya ang kaniyang palda na sumasayad sa maputik na daan. Nakataklob siya ng puting balabal upang hindi makita ng mga guwardya civil ang kaniyang mukha.


Tumulo ng tumulo ang kaniyang luha at hindi niya mapigilang humagulgol. Umaasa siya na maliligtas niya ang kaniyang ama at ina kahit alam niyang walang pag-asa.


Namatay lang kahapon ang kaniyang dalawang kapatid na si Marrie at Liya. Ginarote silang dalawa ng walang kalaban-laban at ang mas malupit pa nito ay sa harap mismo ng kanilang mga magulang.


 Ginarote silang dalawa ng walang kalaban-laban at ang mas malupit pa nito ay sa harap mismo ng kanilang mga magulang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Marrie! Liya!" Sigaw ng ina ni Jacinto na hindi alam ang gagawin sa dalawa niyang anak.


Si Jacinta ay nanonood sa malayo habang umiiyak kasama ang kaniyang kaibigan na si Don Durcio. Tumakas sila ng nga kapatid niya sa kulungan sa tulong ni Don Durcio ngunit nahuli din si Marrie at Liya kung kaya't silang dalawa ay nakaupo sa kahoy at sabay igagarote sa harap ng mga tao at sa harap ng magulang nito.


Ang ina ni Jacinto ay nahimatay na habang ang ama naman ay hindi mapigilan ang galit ngunit wala siyang magawa.


Tuloy-tuloy ang luha ni Jacinta at di niya mapigilang sisihin ang kaniyang sarili.

"Ako ang nakakatandang kapatid. Dapat kasama nila ako sa hirap at ginhawa. Maging dito, sa kamatayan nila ay dapat naroon ako ngunit wala ako. Kasalanan ko to, kung sana ay hindi na ako humingi ng tulong sa iyo ay hin--"


"Shhh." pigil sa kaniya ni Don Durcio. "Hindi mo kasalanan ang lahat Jacinta. Ako. Ako ang may kasalanan, kung sana ay inisip ko kung ano ang maaaring mangyari ay sana..."


Pinunasan ni Don Durcio ang kaniyang luha sapagkat hindi niya mapigilang lumuha lalo na't malapit din sa kanya sila Marrie at Layla.



Historical Love [On-Going] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon