Lily's POV
Ilang araw na ang lumipas at ganon pa rin kami.Nung minulat ko ang aking mga mata,agad-agad akong pumunta sa baba at saka nakita ko dun sila Mama,Kuya,at Caitie.
Nung umupo ako, parang may kakaiba,ang lungkot ng mga mukha nila.
"Bakit po ang sungit ng mga mukha ninyo? May nangyari bang hindi ko alam?" habang sinasabi ko yun,tinignan ko silang isa't-isa.
Isang kasandaliang katahimikan,bigla na lang may nagsalita,si Kuya.
"Libing na ngayon ng tatay natin,nakalimutan mo na ba,Lily?" natigilan ako,nakalimutan ko na kasi,ngayon na ang libing ni tatay.
Walang sino-sinong nagsasalita,nakakabingi na nga eh,"Uhmm...." sabi ni Caitie.
"Pwede po ba tayong pumunta?"mabuti na lang nagsalita si Caitie,kung hindi, nabingi na ako.
"Oo naman,bakit hindi?" sagot ni Mama,at ngumiti siya,alam kong pilit lang yon,kasi kitang-kita ko pa rin yung lungkot sa kanyang mga mata.
"Ok po,ikaw po Ate,pupunta ka ba?" tinignan nila ako at tumingin ako kay Kuya,at nakatingin rin siya sakin.
Lahat sila nakatingin sakin ng seryoso,"Uhmm,hindi ko pa alam baby,pero subukan ko lang kung makapunta pa ako."Ngumiti nalang ako at ngumiti rin siya,pagtapos nun inubos ko nalang ang pagkain ko,"Kuya,ligo po muna ako.
"Paalam ko sakanya,"Bilisan mo lang,at pupunta na tayo." sabi niya,gamit niyo yung bossy niyang boses.
Naligo at nagbihis na ako,at saka nagpaalam kina Mama at Caitie,pumasok ako sa loob ng kotse at pinaandar niya agad yun,wow ha? may galit ba siya sa akin?
"Kuya,galit ka po ba sa akin?" Nagtataka kong tanong,nakita ko siyang tumawa ng mahina,"Bakit naman ako magagalit sa iyo?, may karapatan ba akong magalit sa iyo? Wala naman hindi ba?"
Sabi niya pero nakatingin lang siya sa daan,"Ah, wala lang po kasi pagpasok ko palang dito sa loob,pinaandar mo agad ang kotse".
Sabi ko at normal na ang kanyang mukha,nakakapanibago, hindi na siya yung kuya ko na palaging masungit at seryoso,ngayon ibang-iba na.
"Galit agad? Pwede bang sabihin na,baka ma-late lang?" Ay,oo nga pala,kaya kami malalate kasi matagal kaming nag-usap.
"Andito na tayo." sabi niya at bumaba na ako,pumasok ako sa loob, at hindi ko maaasahan na makasalubong kami ni Stacey.
"Well,well,well, look who's here?" Sabi niya habang libot siya ng libot sa harap ko.
"Congrats sayo,namatay ang pinaka-magaling mong tatay,dahil diyan,wala ka nang ama." sabi niya habang tawa siya ng tawa,isinara ko nalang ang aking palad para kumalma ako.
"Wala kang karapatan sabihin mo yan sa tatay ko!" Sigaw ko sakanya,at parang nagulat siya ng sinabi ko yun,"Aba, sumasagot ka na pala ha?"
Irita niyang sabi, at parang sasapakin niya ako sa tingin niya,sasapak na sana siya pero may humawak sakanyang kamay,isang lalaki.
"Jeydon?!" Sabi niyang gulat na gulat,"Oo ako 'to,bulag ka ba ha? Bakit mo pa ako tinatanong kong nakakakita ka naman?" Sabi niya,natawa na lang ang mga tao na nasa paligid namin.
YOU ARE READING
The Boy She Never Notice
RomanceMay isang babaeng naghahanap ng sarili niyang lovelife,akala niya habang buhay siyang mag-iisa,pero may nagmahal sakanya ng totoo,si Jeydon,isang playboy at pinakabadboy sa buong school.Posible bang paghiwalayan sila ng tadhana o mananatili pa rin s...