Chapter 3 Zoe

8 0 0
                                    

Lily's POV

Nangyari na ang mga ginawa ni Jeydon sa akin,hinahatid sundo niya daw ako,pero hindi pa kami,sa pagkaibigan lang,"Ate! Gising na po." Pagmamaktol ni Caitie.

"Caitie,pagod pa si Ate." Habang sinasabi ko yun,parang pagod pa ako,"Si Kuya Pogi andyan sa labas." Pagmamaktol pa rin ni Caitie.

Nanlaki ang mga mata ko,ang aga aga pa,andito na siya,tumayo agad ako,pagbaba ko nakita ko si Mama at Kuya Xander,kumakain."Anak,may naghihintay sayo sa labas." Sabi ni Mama pero kinikilig siya.

Ganyan kasi palagi si Mama pag andyan sa labas si Jeydon,"Ma,may pasok ba ngayon?" Tanong ko kay Mama pero umiling lang siya,so ibig sabihin,walang pasok.

Ano ba ang kailangan ng mokong na yun! Baka mapano ko pa yun,lumabas na ako,pagbukas ko palang sinalubong agad ako ni Jeydon,"Hi,my ugly princess." Ugly?! Makatikim ka sa akin mamaya.

"At bakit ugly?" irita kong tanong,"Kasi ang pangit ng mukha at buhok mo,tignan mo nga oh." Hinawakan niya pa ang buhok ko.

Nanlaki agad ang mga mata ko ang pangit ko nga,bumalik ako sa taas at nag ayos,nag pulbos ako at nagpalit ng damit at nagsuklay,tumingin ako sa salamin,hindi na ako pangit,maganda na ako,bumaba ako at lumabas ako.

Tinignan ko siya pero napanganga na lang siya,"Oh,magsasabi ka ng pangit ako,pero bakit napanganga ka?" Tanong ko sakanya,pero ngumiti lang siya,"Tara na nga."

Aya niya pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko,ngayon lang niya ako hinawakan sa kamay,pinagbuksan niya ako ng pintuan,at sumakay ako.

Nung isinara na niya ang pinto,binuksan pa niya ito at pinag-seatbelt niya pa ako,"Para hindi mahulog ang pinakaganda kong kasama."

Sabi niya pero umiinit lang ang pisngi ko,pagtapos nun naglapit ang mga mukha namin,tinitignan niya ako ng seryoso at saka siya umalis.

Pumunta siya sa harapan ng kotse niya at pumunta sa driver's seat,"Hoy,ano yung ginawa mo kanina ha?"

Tanong ko pero nahihiya ako,ngumiti lang siya,"Kasi gustong-gusto na talaga kitang halikan pero alam kong bawal pa,sa tamang oras at panahon pa yun." Pinaandar niya ang kotse,at hindi ko mapigilan na magtanong.

"Jeydon,saan pala tayo pupunta?" Tanong ko sakanya,pero pinahinto niya ang kotse,"Gusto ka na palang makilala ni Zoe,kaya pupunta tayo sa bahay namin."

Pinaandar na niya ang kotse saka nagpatuloy sa pagmamaneho,"Okey,gusto ko naman siyang makilala."

Pagpunta namin sa bahay nila Jeydon,sinalubong agad kami ng malakas na ulan,"Lily! Tara na!"

Sigaw ni Jeydon,at bumaba na ako,nagtakbo kami hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay nila Jeydon,literal akong napanganga,ang laki ng bahay nila,pero tawagin na nating mansyon.

"Tara,pasok sa loob." Pagaya niya sa akin,pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng yaya nila Jeydon ng towel,pinunasan namin yung buhok,kamay,at mga paa namin.

Nung tapos na kami pumasok kami sa loob ng kwarto ni Zoe,at andun siya,nanunuod ng tv,"Zoe,andito na si Ate Lily."

Tawag ni Jeydon sakanya,paglingon palang ni Zoe sa amin,tumakbo agad siya sa akin at niyakap,"Hi Ate Lily! Pwede po ba kayong tawaging Ate Ganda?"

Tanong niya habang nakangiti,kamukha nga sila ni Caitie,naiisip ko sakanya si Caitie ngayon,"Oo naman,walang problema."

Sagot ko at ngumiti na lang ako,"Ate Ganda,pwede po bang dito ka lang?" Tanong niya,nilingon ko si Jeydon pero nakatingin siya sa akin.

"Oo naman,kung gusto mo." Sagot ko sakanya, ang lapad ng ngiti niya,pero hindi halatadong may sakit siya,ilang minuto na ang lumipas,may lumapit na babae sa amin ni Jeydon.

"Hi babe,kamusta?" Babe?! Ibig sabihin,may girlfriend siya?! Hindi ako makapaniwala,ginamit niya lang ako,naghalikan pa sila talaga sa harap ko.

"Sino siya?" sabay turo sa akin ni girl,"Siya ang kaibigan ko,si Lily,Lily si Joan,gf ko."

Literal akong napanganga,hindi ko akalain na gawin niya yun sa akin,"Jeydon.." sabi ko sakanya,pero nagsalita na siya,"Let me explain." Sabi niya sa akin.

"I don't deserve your explanation." Tumalikod ako sakanya at tumakbo,"Lily,wait!"

Sagot niya tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa labas ng bahay nila,hanggang ngayon,hindi ako makapaniwala na ginamit niya lang pala ako.

Malakas ngayon ang ulan,kaya pumunta ako malapit na court sa aming bahay,duon ako umupo sa gitna at duon ako umiyak ng umiyak,wala akong paki alam kong magkakasakit ako,habang nagtatagal.

Hindi na ako nababasa,pero naririnig ko ang malakas na ulan,inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya."Stop it,Lily."

Sabi niya sa akin,"Nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan." Sabi niya sa akin,tumayo ako para makapantay ako sakanya,tinignan ko lang siya ng seryoso,"How can I stop?"

Tanong ko sakanya,nagulat ako ng binitawan niya ang payong at hinalikan niya ako,hawak hawak niya yung likod ng bewang ko habang hinahalikan niya pa ako,ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Tanging ang halik niya lang ang nasa isip ko ngayon,nung nagtagal,kumawala na siya sa paghalik sa akin,"Mahal kita Lily,kaya ayaw kitang masaktan."

Hindi ko mapigilan na mapasigaw,"Mahal mo ako pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo ako ng lubos ngayon at sasabihin mong ayaw mo akong makitang nasasaktan?! Anong klase ka?!"

Tumakbo ako palayo sakanya at tumakbo ako ng tumakbo,hindi ko alam kong saan ako idinala ng mga paa ko,nung huminto ako sandali,tinignan ko siya,umupo ako duon.

"Hello papa,andito na ako, sorry kung ngayon lang ako nakadalaw kasi sa totoo lang gusto na kitang puntahan dito pero ayaw akong dalhin ng mga paa ko dito. Pa,kamusta ba diyan kasama ang Diyos? Masaya ba diyan? Kung ako ang tatanungin mo,hindi ako masaya,sinaktan ako ng taong mahal ko. Pa,sana andito ka na lang,gusto kong may taong masasandalan,pero iniwan na ako ng taong mahal ko kaya andito ako sayo,pero hindi kita masasandalan kasi andyan ka naman sa langit.Pa,gusto kong makahanap ng taong masasandalan ko,ang taong magmamahal sa akin ng buong buo at mahal ko rin siya. Yung taong perpekto kasi mahal namin ang isa't isa.Yung taong masayahin,ang magpapasaya sayo kapag may problema ka.Yun ang taong gusto ko habang buhay."

Hindi ko alam pero umiyak lang ako ng umiyak habang sinasabi ko yun kay Papa,"Pa,sana mahanap ko na ang taong pinapangarap ko,gusto ko na siyang makilala."

Tumayo na ako at hinampas ko ang puntod ni Papa,"Sige na po,punta na ako."

Ngumiti na lang ako at tumakbo palayo,pumunta ako sa bahay ng kakilala ko,kumatok ako at pinagbuksan na niya ako,"Lily?" Tanong niya sa akin,"Aly....."

The Boy She Never NoticeWhere stories live. Discover now