Hello po ito nga po pala yung pangalan ng nakilala nila.. keep on reading guys...
-----
Lily's POV
"Punta tayo? Saan?." Nag-alala kong tanong, saan ba kami pupunta? Ano bang binabalak nitong Alyanna na ito. As usual,may edad siya sa akin. Ang aga aga pa, nasira niya tuloy yung moment ko.Siya yung nauna sa akin. Si Paula rin ay nasa grade ko rin." Sa park ok? Gusto ko kasing magpahinga."
Magpahinga? Pwede naman siya sa bahay niya ah? "Magpahinga? Ano bang kailangan mo,pwede naman diyan sa bahay niyo eh." Kinurot ko na lang ang ulo ko.
"Ayoko kasi dito eh, palagi nalang akong ginagawang katulong eh." Inip niyang sagot.
"Sige nga,anong oras?" Tanong ko,"Mamayang hapon,3:00 p.m ok?"
"Okey, inistorbo mo lang ako sa pagtulog ko."
"Sorry ha. Sige na bes, bye!" Binabaan na niya ako ng phone. Ang kj niya naman.Bahala nga siya diyan.
Humiga na lang ako balik. Bumaba muna ako at naligo. Hindi na ako nakakatulog eh.Pagtapos ko, bumihis agad ako ng long sleeves na white,pantalon na kulay blue at nike na sapatos.
Mag jo-jogging muna ako. Pumunta ako sa baba at nakita ko si Mama kumakain. "Oh anak, mag jo-jogging ka ba? Oh ito kain ka muna." Tanong niya sa akin at umiling na lang ako.
"Ma,busog pa po ako. Mamaya nalang po ako kakain. Sige Ma, bye." Nagkaway ako at ganon rin siya. Lumabas na ako at nagsimula nang magjogging.
Habang nagjo-jogging ako may nakabangga sa akin. Kaya napahiga ako sa sahig. "Ay sorry po." Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
Tinignan ko ang kanyang kamay at nagabot. Tumayo ako at nagtanong. "Sino po kayo?" Tanong ko at ngumiti nalang siya.
"Ken Santos." Sagot niya at nagtanong rin siya. "At sino naman po kayo?" Tanong niya sa akin. "Lily Vargas." At nagkamay kami.
"Pwede bang makisabay sayo sa pagjo-jogging?" Tanong niya, seryoso ba siya? Ngayon lang siya nakipagkilala at pwede agad makisabay?
"Ok,tara na?" Aya ko sakanya at nag simula na kami. Patungo kami sa park. Habang nagjo-jogging kami, nakaramdam ako ng pagod. "Pagod ka na ba?" Nag-alala niyang tanong.
"Nakikita mo naman di 'ba?" Sagot ko at ngumiti lang siya. "Ang sungit niyo naman." Tawa niyang sagot.
Hinampas ko nalang siya sa braso niya. "Ano ka ba? Bahala ka diyan!" Lumakad ako palayo sakanya at pinatigil niya ako.
"Oy Lily, biro lang noh! Ito oh, tubig." Lumingon agad ako sakanya. "Ano ba ito? Peace offering?" Natatawa kong tanong.
Ngumiti lang siya. Aba masayahin talaga tong lalaking to! "Opo,nakikita naman niyo di ba?" Natatawa niyang sagot. Inulit niya lang yung sinabi ko ah!
"At bakit inulit mo lang yung sinabi ko ah--" Hindi ako nakatapos sa pagsasabi ko kasi pinakita niya sakin ang tubig.
"Thirsty? Kanina ka pa kasi nagsasalita eh. Tatanggapin mo nga nalang. Ang dami mo pang arte." Sabi niya. Kinuha ko nalang ang tubig na hawak niya at inubos ko lahat.
"Oh ayan na!" Binigay ko sakanya yung bote at nagsimula nang lumakad. "Oy! Hintay naman oh!" Nagtigil na lang ako at hinintay siya. Lumingon ako sakanya at Malapit na pala siya sa akin.
Nakangiti siya sa akin. "Very good girl." Pakiramdam ko umiinit na ang mga pisngi ko. "Oh your blushing." Pang-asar niya pa sa akin.
Hinampas ko nalang siya sa braso niya at tumawa.
"Ano ba ha? Tara na nga eh!" Tumalikod ako sakanya at nagsimula na sa pagjo-jogging.Nakita ko siya sa tabi ko na nakangiti. "Masayahin ka ba talaga?" Tanong ko sakanya. Tumango nalang siya. "Happy family ba kayo?" Tanong niya sa akin. Bigla akong napatigil.
"Anong nangyari?" Nag-alala niyang tanong. "May naalala lang kasi ako eh. Sorry ha." Umiling lang siya.
"Hindi mo kasalanan. Ako nga dapat ang mag-sorry eh kasi ako yung nagtanong." Ngumiti nalang siya kahit papaano gumaan ang loob ko.
"Tara kain tayo?" Kain? Nakita ko ang harap namin at nakita ko ang isang ice cream shop. Tumango nalang ako.
Kanina pa kasi ako nagugutom eh. Napatigil lang ako. "It's my treat ok?." Pumasok kami sa loob at saka nagorder. "Anong flavor sayo?" tanong niya sakin.
"Cookies and cream lang sa akin." Tumango nalang siya saka nag-order. "Dalawang cookies and cream po."
Inabot niya sa cashier yung pera. "Bakit dalawa?" tanong ko sakanya. Saka ngumiti nalang siya. "Paborito ko kasi yun. Akalin mo, pareho pa tayong may gusto sa flavor."
Tumawa nalang ako. Saka humanap kami ng mauupuan. Andun kami sa gilid yung nasa salamin. Magkaharap kami.
Tinignan ko siya pero seryoso lang siya na nakatingin sa labas. Ang amo ng kanyang mukha. Sabagay ang gwapo niya kapag ngumingiti at saka pag seryoso. Kaunti lang ang tao dito.
Kasi ang aga pa. Maya maya pa tumingin siya sa akin ng seryoso. "Ano ba yung naalala mo kanina?" Tanong niya at naalala ko na naman. "Kasi hindi kami kumpleto eh."
"Sino ba yung kulang sa inyo?" Tanong niya naman. Maya-maya pa may tumulo na luha sa mata ko. Tumayo siya saka umupo sa tabi ko.
"Si tatay, namatay kasi siya kasi naglasing siya sa sikat na bar. Kasi nung gabing yun. Nag-away daw sila ni Mama."
Habang sinasabi ko yun pinunasan niya yung mga luha ko. Tinignan ko siya at nakangiti siya.
"Wag kang mag-alala, kung may problema ka, isabi mo lang sa akin. Okey?" Tanong niya at ngumiti nalang ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit at nagsalita ako. "Salamat, Ken...."
YOU ARE READING
The Boy She Never Notice
RomanceMay isang babaeng naghahanap ng sarili niyang lovelife,akala niya habang buhay siyang mag-iisa,pero may nagmahal sakanya ng totoo,si Jeydon,isang playboy at pinakabadboy sa buong school.Posible bang paghiwalayan sila ng tadhana o mananatili pa rin s...