Chapter 4 Lies

6 0 0
                                    

Alyanna's POV

Nagbabasa ako ng aklat ng may kumatok sa aking pintuan,binuksan ko at nakita siya,"Lily?" Tanong ko sakanya pero nanghihina siya,"Aly...."

Bigla siyang nawalan ng malay,"Lily!" Binuhat ko siya papuntang kama ko,tinignan ko siya pero basang-basa siya,may kumatok na naman,binuksan ko at nakita ko si Jeydon.

"Oh,pinsan bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya pero mukhang nag-alala siya,"Andito ba si Lily?"

Tanong niya at tinitignan niya ang loob ng boarding house,"Oo andito siya,bakit pala? Bakit mo siya nalaman na andito siya?"

Tanong ko pero hindi pa rin siya mapakali,"Sinundan ko kasi siya sa kanina." Hindi na talaga siya mapakali,ano bang nangyari?,"Tara pasok,nagpahinga lang siya."

Pinapasok ko siya at pinakita ko sakanya si Lily na nahihimbing na natutulog,tinignan ko siya at hinawakan niya ang leeg ni Lily,at nagulat na lang ako ng sumigaw siya.

"Anong nangyari?" Nag-alala kong tanong,tumingin siya sa akin,"Malala ang kanyang lagnat."

Hinawakan ko ang leeg niya at para akong napaso para siyang plantsa.

"Kunin mo nga ang thermometer." Utos ko sakanya,isa pa ako ang matanda sakanya.

"Oh ito." Inihatid niya sakin ang thermometer saka ko ito tinusok sa balikat ni Lily,naghintay kami ng ilang minuto,at tumunog na,tinignan ko at nanlaki agad ang mga mata ko ng nakita ko,46°!

Malala nga ito,pinakita ko kay Jeydon at nanlaki agad ang mata niya,"Parang hindi siya makakapasok bukas,at isa pa hindi natin dapat isabi kina Tita Irene,Xander at kay Caitie."

Nag-alala na talaga ako kay Lily,hindi ko alam ang mga nangyari kaya tinanong ko si Jeydon,"Jeydon,ano ba talaga ang nangyari sa inyo kanina?"

Seryoso kong tanong,pero umiwas siya ng tingin sa akin,"Kasi nalaman niya na may gf ako kaya ayun,sabi niya ginamit ko lang daw siya."

Napahawak ako sa bibig ko,hindi ko akalain na gawin niya yun,parang nakaramdam ako ng galit sakanya.

"Bakit mo ginawa mo sakanya yun? Alam mo namang masasaktan ang tao,ipinag-patuloy mo lang."

May pagka-irita kong tanong,"Hindi ko kasi maaasahan na pupunta duon si Joan sa bahay namin."

Sabi niya,sumosobra na nga yang Joan na yan,sabi ko kay Jeydon makipag-break na nga siya diyan sa Joan na yan,hindi niya nagawa.

"Ano bang dahilan bakit siya nagkasakit?" Dire-diretsyo kong tanong,tinitignan ko siya ng diretso sa mata niya pero siya umiiwas ng tingin.

"Kasi nakita ko siyang umuupo sa gitna ng court malapit sa bahay nila at umiyak siya ng umiyak,hindi ko mapigilan kaya linapitan ko siya,tumayo siya at hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kaya nahalikan ko siya,at saka niya ako pinag-sisigawan,sinunod ko lang siya ng sinunod hanggang makarating ako sa puntod ng tatay niya,at sinabi niya lahat ng problema niya,at narinig ko lahat,sabi niya iniwan ko na daw siya,gusto niya daw may tao siyang masasandalan,at sana mahanap na niya daw ang taong magmahal sakanya ng buong buo,lalapit na sana ako pero alam kong bawal na,hinayaan ko na lang siya at nakita ko siyang tumakbo at pumunta siya dito sa boarding house niyo."

Paliwanag niya,alalang-alala na talaga ako kay Lily kaya nagtanong pa ako,"Ano na ang magagawa natin sakanya?"

Tanong ko at tumingin lang siya sa akin,"Hindi ko alam pero kailangan nating makausap sila,at hindi natin sakanila sasabihin ang totoo." Sagot niya,sigurado ba siya diyan?

Pero kinakabahan ako kasi makikita ko naman si Xander,"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ko sakanya pero seryoso na ang kanyang mukha,"Pupuntahan ko lang muna sila."

Sabi niya pero pinigilan ko siya,"Sasama ako." Sabi ko sakanya,pero nag-alala lang siya,"Paano na si Lily?" Alala niyang tanong.

"Si Paula na lang ang magbabantay sakanya." Sagot ko sakanya,"Kailangan natin siyang makausap."

Aya niya sa akin,pero bigla akong napaisip,"Sino ang magbabantay sakanya dito?" Tanong ko pero alam kong hindi niya kilala si Paula.

"Ako nalang ang magbabantay sakanya." Sabi niya,pero bigla na lang siya nalungkot habang sinasabi niya yun.

"Sigurado ka bang dito ka lang?" Nag-alala kong tanong,alam kong hindi pa sila nagkaayos baka mamaya may mangyari pang masama.

"Oo,okey lang ako dito. Sige na,puntahan mo na siya." Pagtapos niya yun sabihin, ngumiti siya at saka ako umalis,pinuntahan ko si Paula.

Nag-drive ako papunta sa bahay nila Paula,pag dating ko dun sinalubong agad ako ng gwardiya niya,"Excuse me po,andito po ba si Paula?"

Pagtapos kong sabihin yun,may nagbukas ng pintuan at nakita ko siya,"Aly? Anong ginagawa mo dito?"

Tanong niya pinuntahan ko siya saka ko hinawakan ang kamay niya,"Paula,kailangan nating mag usap."

The Boy She Never NoticeWhere stories live. Discover now