Chapter 9 Let go

11 0 0
                                    

Jeydon's POV

Narito ako ngayon sa harap ng isang ice cream shop. Nasasaktan ako kapag masaya siya sa piling ng iba.

Magkayakap sila at dumating na ang kanilang order. Masaya silang nagkwe-kwentuhan.

Andito ako nakasandal sa isang puno. Kagitna ako nang kanilang upuan. Maya maya pa lumabas na sila.

Pumunta ako sa kotse at saka nagtago, baka isipin ni Lily na sinusundan ko sila. Nakita kong lumakad sila pabalik sa Park.

Sabagay umuwi nalang ako. Nakikita ko naman siyang masaya sa piling ng isang tao kaya i-let go ko na siya.

Kung nakikita mo ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba, dapat i-let go mo na. Tanggapin mo na talaga na wala na talagang kayo.

Nag-drive ako pauwi. Habang nasa bahay na ako, sinalubong agad ako ni Zoe.

"Asan po si Ate Ganda?" Niyan ang palaging naririnig ko kapag uuwi ako ng bahay. Nginitian ko nalang siya saka tinapik sa balikat niya.

Pumunta ako sa kwarto saka humiga. Humiga ako at hindi ko alam may pumasok sa kwarto ko. Hindi ko siya pinansin. Maya maya pa'y sumalita siya.

"Jeydon?" Pamiliar sakin yung boses na yun kaya nilingon ko siya. "Anong ginagawa mo dito? Sabi ko di 'ba wag ka nang magpakita pang muli sakin."

Irita kong tanong. Napaupo agad ako. Anong karapatan niyang pumunta pa dito? "Andito lang sana ako para magpatawad."

Magpatawad?

"Wala ka nang oras para magpatawad Joan. Huli na ang lahat. Kaya umalis ka na sa bahay ko at saka sa buhay ko." Irita kong sagot.

Tinulak ko siya para ipagtaboy pero ayaw niya. "SABI KO DIBA SAYO WAG KA NANG MAGPAKITA PA SA AKIN?!" sigaw ko sakanya. Pero halatadong natatakot siya kaya umalis na siya.

Sumigaw ako nang sumigaw. Umupo ako sa sulok ng kwarto ko saka duon ako umiyak nang umiyak.

Bumalik na dati yung mga nararamdaman ko. Akala ko nakapag-move on na ako pero hindi pa pala. Dahil sa Joan na yun, bumalik ang mga alala ko simula nung kasama ko si Lily..

Ang sakit eh. Ang sakit sakit.

Masaya na siya sa piling ng iba. Mabuti pa siya Masaya na ngayon pero ako, andito, nasasaktan.

Sinuntok ko ang pader. Wala akong paki kahit na dumudugo pa ang mga kamay ko. Basta ang mahalaga ngayon, nasasaktan ako.

Bigla na lang bumukas yung pinto at nakita ko si Zoe. "Kuya! Ano pong ginagawa niyo?!" Sigaw niya.

Lumapit siya sa akin. "Kuya, wag po kayong ganyan." Naglalabas ako ng lakas habang si Zoe naman ay pinapatahan ako.

"Bakit?! Bakit hindi ka pa umaalis sa isip ko?!" Sigaw ko, nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Zoe.

"Tahan na po kuya. Nasasaktan ako pag nakita kong nasasaktan ka." Hindi ko alam pero kumalma ako.

"Please kuya..... please." Kumalma na ako saka niyakap rin siya. "Sorry Zoe.....sorry..."

-----

Hindi ko alam pero nakatulog na pala ako. Tinignan ko yung katabi ko at nakita kong tulog si Zoe habang nakaupo.

Hinaplos ko yung buhok niya saka nakita kong bumukas yung mga mata niya.

"Hello Zoe." Nakita ko siyang ngumiti kaya ngumiti rin ako. "Hello din, Kuya." Saka nagyakap kami.. parang siyang kapatid ni Lily..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Boy She Never NoticeWhere stories live. Discover now