Jeydon's POV
Tinitignan ko siya ng nahihimbing siyang natutulog,maya maya pa may tumulo na luha sa mata ko,ang sakit kasing makita siyang ganito,nagkaganito siya ng dahil lang sa akin.
Hinawakan ko ang buhok niya,at inalis ko yung buhok niya na nakatakip sa mata niya, tinignan ko siya ng dire-diretso sa mata niya habang papuntang labi niya.
Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam pero lumalapit na ako sa mukha niya.
Akala ko hahalikan ko siya pero pumunta ako sa taas at duon ko siya hinalikan sa noo.
Nung linayo ko na ang mukha ko nakita ko siya na gising na pala siya lumayo ako sakanya habang siya tinitignan niya ako.
Parang hindi siya makapaniwala na andito ako ,"Anong ginagawa mo dito?!"
Sigaw niya at parang hindi siya mapakali,"Relax ka lang,papunta na dito si Aly."
Pakalma ko sakanya,pero hindi pa rin siya kumakalma,"Asan si Aly? Bakit ikaw ang nandito?" Tanong niya habang ako nakayuko.
"Andun kina Paula,papunta na siya dito wag ka ng mag-alala." Pakalma ko sakanya,mabuti nalang at kumalma na siya,"Stay away from me."
Sabi niya at nanlaki agad ang mga mata ko,tinignan ko siya at umiiyak siya habang nakatingin siya sa akin,"Lily wag kang ganyan,hindi yan magandang biro."
Tumawa nalang ako ng mahina,pero seryoso siyang umiiyak habang tinitignan niya ako,"Hindi yun biro,Jeydon. Just please,stay away from me."
Umiyak siya ng umiyak,nasasaktan ako kapag nakikita ko ang taong mahal ko na nasasaktan,may mga luha na rin na pumatak galing sa mga mata ko.
"Lily,ibibigay ko sayo ang gusto mo basta hayaan mo lang ako na nasa tabi mo,ayokong mapahamak ka, kasi mahal kita."
Habang sinasabi ko yun, umiiyak na ako,ayokong mapahamak siya ng dahil lang sakin,"Jeydon please,bigyan mo naman ako ng konting oras para makapag-isip! Gusto kong mapag-isa!"
Sigaw niya habang tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay at duon siya umiyak ng umiyak,nasasaktan ako kapag ganyan siya.
"Jeydon,stop this." Sabi niya yun at umiyak ako ng umiyak,hindi ko matanggap kasi pinagtabuyan na ako ng taong mahal ko.
"Lily,please." Pagsabi ko nakita kong bumukas ang pinto."Jeydon?" Hindi ko siya pinansin,ang nakita ko lang na tumakbo si Lily papunta sakanya.
Pag tingin ko,nanlaki agad ang mga mata ko ng nakita ko siya,"Xander?!" Tanong ko at tumayo agad ako,nagulat ako ng sumigaw si Lily.
"Jeydon! Ayaw ko na please,tigilan mo na ako!" Habang sinasabi niya yun,mahigpit siyang nakahawak sa damit ni Kuya niya,"Anong pinagsasabi nito?! May ginawa ka ba sa kapatid ko?! , Sagutin mo ako!"
Sigaw niya habang tinuturo niya ako,natatakot ako sakanya,akala mo kakainin ka niya ng buhay.
"Asan yung pangako mo?!" Sigaw niya,naalala ko yung pinag-usapan namin nung nasa bahay kami nila Lily...
"Jeydon,mangako ka sa akin." Sagot niya sa akin,tinignan ko si Tita Irene,tumungo siya sa kusina,ngayon kami nalang dalawa dito.
"Ano yun?" Nagtataka kong tanong,tungkol ba ito kay Lily?,"Pangako mo sa akin,pag sa oras na saktan mo ang kapatid ko,ako ang makakalaban mo,tandaan mo yan."
Sabi niyang seryoso,nagulat ako kasi nakarinig ako ng ingay sa hagdan nila at nakita ko si Lily,naka ayos na siya,"Tara na?"
Aya niya sa akin,at pinauna ko muna siya para makapag-usap kami,nung umalis na si Lily, nagsalita na ako,"Ok,tutuparin ko yung pangarap mo basta mag tiwala ka sa akin."
Nginisian ko siya at nakita ko siyang ngumisi rin,"Tuparin mo yung ngako mo sa akin,okey?" Tanong niya at ngayon ngumiti na siya.
"Asan!?" Sigaw niya at hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko,hindi na ako nakapagsalita pa.
Sinuntok na niya ako,tinignan ko yung pintuan,nakita ko agad duon si Alyanna kasama niya si Paula,"Alyanna.."
Nanlaki agad ang mga mata ni Xander ng narinig niya ang pangalan nito,"Alyanna?"
Tinignan ko si Lily pero hindi pa siya naniniwala sa nakikita niya,"Kuya? Magclose ba kayo?"
Tinignan ko si Xander pero tumango lang siya,"Xander bakit ka nandito?" Nakita kong umiyak na si Alyanna.
"Aly,let me explain." Nagulat naalang ako ng sumigaw si Aly,"Explain?! Anong explain Xander?! Tapos na! Nagawa mo na, sinaktan mo na ang pinsan ko! Ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang niya ha?!"
Tinignan ko si Paula pero pinipigil niya si Aly,"Hindi ikaw yung Xander na nakilala ko,hindi ikaw yung palaging nagtutulong sa akin kasi yung Xander na nakilala ko dati,mabait hindi ngayon!"
Sabay walk-out,"Aly.." pahinto niya kay Aly,"Ako na..." lumakad ako at hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita pang muli.....
Alyanna's POV
Pumunta ako sa malapit na ice cream shop sa boarding namin. Nag-order ako ng cup ng strawberry at pumunta sa malapit na park kung saan dito ako pumupunta.Hindi ko nga nadadala dito si Paula eh,kahit na si Jeydon. Umupo ako sa bench at tinitignan ang mga bata na masayang naglalaro.
Mabuti sila masaya habang ako,nandito nasasaktan. Maya maya pa may tumulo na luha sa aking mga mata,nang may umupo na lalaki sa tabi ko,tinignan ko siya.
Parang pamiliar yung mukha niya,parang nakilala ko na siya dati.
Maya maya pa inalis na niya yung sunglass niya at muntik ko nang maibuga ang ice cream na kinakain ko.
"Edward?!" Nakita ko siya na ngumiti,"Long time no see,cousin."
--------------------------------------
Mahaba ba? Ang tagal ko kasing sumulat eh...
Keep on reading ggguuuyyysss ;)
YOU ARE READING
The Boy She Never Notice
RomansaMay isang babaeng naghahanap ng sarili niyang lovelife,akala niya habang buhay siyang mag-iisa,pero may nagmahal sakanya ng totoo,si Jeydon,isang playboy at pinakabadboy sa buong school.Posible bang paghiwalayan sila ng tadhana o mananatili pa rin s...