First Part (The Unwanted Elements of Julia's Back!)

31 1 0
                                    

Ilang taon nakong sinusundan ng taong yun. Hindi ko mawari kung ano SIYA. Pero sigurado ako bawat galaw ko nasa Likod ko SIYA. Parati nalang akong parang wala sa sarili. Natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin upang mawala ang takot ko. Palagi kong nararamdaman ang presensiya niya sa likod ko. Pati sa panaginip ko lagi siyang dumadalaw. Pilit kong nilalabanan ang aking nararamdang takot. Pero ano ang gagawin ko pag nagpakita na ang taong sumusunod sakin? Magagawa ko kayang Makaligtas sa mapanganib niyang Aura?

**

Napatingala si Julia. "Mapula ang langit, nagbabadya ang malakas na ulan. Tiyak na naglipana na rin ang mga masasamang loob." Napabuga ng hangin si Julia ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Sabi na nga ba't uulan."

"Mag-ingat ka, Lia... Nasa likod mo lang ako."

Napalingon siya sa kanyang likod ng marinig na naman niya ang boses na 'yon. Parang dumaan lang ang malamig na hangin sa kanya. Walang tao sa kanyang likod pawang mabibilang lang ang mga naglalakad sa daan. Bigla siyang kinilabutan, nagtaasan din ang kanyang balahibo sa batok. Binilisan niya ang lakad.

"Hindi maaari! Umalis kana! Iwan mo na 'ko! Natatakot ako sayo! Wag mo na kung guluhin! Parang awa mo na." Sa-isip ni Lia habang siya'y naglalakad sa ulanan.

Pinagtitinginan na siya ng mga Tao. Biglang may bumusinang sasakyan.

Naging blanko sa kanya ang lahat bago pa man sumalpok ang rumaragasang sasakyan sa kanya.

"Eli's POV."

"How is she, uncle? Okay lang ba siya?"

"Sa ngayon hijo ang masasabi ko lang ligtas na siya. Pero hindi natin alam kung ano ang naging kumplikasyon ng nangyari dahil hindi pa siya nagigising. 24 hrs na siyang walang Malay. Kaya hindi ko alam kung ano pa ang nararamdaman niya bukod sa..."

"Bukod sa ano, uncle?" Bulalas niya.

"Don't panic hijo. I mean, Bukod sa sugat niya sa noo. Binendahan na siya at naturukan na siya ng anti- theta no kaya wala ka ng dapat ipag-alala."

Napatingin si Eli sa dalaga. "Uncle, gumalaw yung kamay niya!"

"Nasaan a-koo?" Nahihirapang saad ni Lia. Inikot niya ang buong tingin kwarto pero hindi siya pamilyar sa kwartong hinihigaan niya.

"Nasa ospital ka hija." Sagot ng doktor.

"She's awake! Oh, Thank god." Relieved na sabi nung Isang lalaking kasama nung doktor.

"Ano hong nangyari? Bakit ako nandito?" Naguguluhang tanong niya.

"Nawalan ka ng Malay sa gitna ng daan. At buti nalang nailigtas ka ng pamangkin ko."

Biglang sumagi sa Isip niya ang lahat. Naglalakad siya sa ulanan at biglang may dumarating na rumaragasang sasakyan at bago pa man bumangga sa kanya iyon bigla nalang siyang nawalan ng malay. Nabunggo ba siya ng sasakyang yon? Hindi pa malinaw sa kanya ang nangyari.

"Muntik ka ng mabangga, mabuti nalang at nahagapan ko ang kamay mo at nahila kita kaya hindi ka tuluyang nabangga. Nasa pulisya na ang taong nagmamaneho ng sasakyang muntik ng makabangga sayo." Paliwanag ni Eli sa dalaga.

"Ikaw ang nagligtas sakin?" Wika ni Lia.

"Oo siya ang nagligtas sayo. Thank him dahil hindi siya nagdalawang Isip na iligtas ka." Nakangiting wika ng doktor.

"Salamat." Yun lang ang nasabi niya sa lalaki.

"Anyway, ano pa ang nararamdaman mo hija? Wala bang masakit sayo?" Tanong ng doktor.

"Bukod sa ulo, wala na po."

"Mabuti naman kung ganon. O sige maiwan ko muna kayo. Magpapapunta ako ng nurse sayo upang mai-BP ka."

Julia (The Unwanted Elements On Julia's Back!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon