Sixth Part (Si Ignacio Ballisima)

15 1 0
                                    

"Julia... Julia... Maawa ka... Ako'y tulungan mo... Julia... Julia... Maawa ka... Ako'y tulungan mo... Anak..." Paulit-ulit na Pagsusumamo ng isang lalaki sa kanyang panaginip. Tinawag siya nitong anak.. Napabalikwas siya ng bangon at hinihingal siya dahil sa walang humpay niyang pagtakbo sa panaginip niya. Hawak-hawak niya ang dibdib at sobrang bilis ng kanyang paghinga. Dinadalaw na naman siya ng masasamang panaginip. Binabangungot na naman siya...

Si Ignacio ang lalaking nakahandusay.

°°

Baliktanaw..

"Isa kang bastardo, Ignacio! Kahit kailan ay pinaiinit mo nalang palagi ang ulo ko! Kailan kaba magtitinong, bobito ka?!" Sigaw sa kanya ni Doña Felicia ang ina ng kanyang ama na si Stefano Ballisima. Wala siyang ideya kung bakit ganoon ang klase ng pagtrato sa kanya ng sarili niyang abuela. Wala siyang alam kung bakit ganoon nalang ang poot sa kanya nito. Palagi niyang sinusunod ito sa lahat ng iniuutos nito sa kanya. Pero ni katiting na pagmamahal hindi niya naramdaman dito.

"Patawad, Lola. Hindi na mauulit.." Umiiyak na sumamo niya. Ngunit isang malakas na sampal lang ang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi. Nawalan siya ng balanse kaya napahiga siya ng itulak siya nito at duruduruhin gamit ang tungkod nito. Nasa disisais anyos na siya at ganoon narin siya katagal na minamaltrato nito, ayon kay nanang belen simula ng mamatay ang papa niya na si Stefano ay doon nagsimula ang pagmamaltrato ng kanyang lola iyon ay noong isilang siya ng kanyang ina. Ayon din sa matanda namatay raw ang ina niya ng isilang siya nito at sa labis na pighating naramdaman ng kanyang ama naaksidente ito ng pauwi ito galing hospital. At siya ang sinisi nito dahil sa pagkamatay ng kanyang ama na kaisa-isang anak ng kanyang abuela.

"Lumayas ka sa harapan ko, bastardo! Lumayas ka!" Galit na sigaw nito. Pahika-hika siyang tumayo at lumabas ng mansyon.

°°

"Ignacio!" Napalingon siya ng tawagin siya ni Francesca ang anak ni Nanang belen. Ito ang palagi niyang kasama tuwing nalulungkot siya at tuwing napapagalitan siya ng kanyang abuela. Matagal na niya itong kilala at maituturing na niya itong matalik na kaibigan.

"Iska."

Hinawakan siya nito sa kanyang balikat. At nginitihan siya nito ng matamis. "Ayos lang yan. Nandito lang ako. Huwag mo nalang pansinin si Doña Felicia."

"Sanay na'ko, iska." Malumanay na saad niya. "Sanay na 'ko sa pagmamalupit ng aking lola."

Umayos ito at hinarapan sya ni iska. "Nalulungkot ako dahil sa sinasapit mo sa sarili mong lola. Wala akong magawa para matulungan ka. Pero may plano ako para makawala sa halimaw mong abuela." Seryosong saad nito.

Napakunot noo siya. "Kung gayon, ano'ng plano mo?"

Ibinulong nito ang plano nito. Napaatras siya sa sinabi nito. "Hindi solusyon yan sa mga problema ko, iska. At isa pa wala pa tayo sa tamang gulang." Wika niya habang umiiling.

"Masyado naman ang reaksiyon mo, cio! Hindi ko sinabing magtanan tayo! Ang sabi ko, umalis tayo dito para makalaya kana sa pagmamalupit ng lola mo."

"Ayaw kong iwan ang aking, abuela, iska. Matanda na siya at walang magaasikaso sa kanya kung iiwan ko siya. Mahal ko ang aking Lola Felicia kahit hindi niya ko mahal."

Nakita niya ang pagdaan ng kalungkutan sa mga ng binata. "Kaya nga mahal na mahal kita..." Bulong ni iska.

"Anong sinabi mo?" Malumanay na tanong niya.

"Ang sabi ko kaya nga idol kita, dahil kahit anong pagmamalupit ng abuela mo sayo mahal mo parin siya at hindi mo siya maiwan-iwan." Sagot ni iska.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Julia (The Unwanted Elements On Julia's Back!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon