Fifth Part (Ang kahon ng Kadiliman)

19 0 0
                                    


Yul, really made his promise that he would make it up to her the last three days they weren't seen each other. And she was really stunned, on every day had passed with him. They we're living like really a husband and wife. And she was really happy and contented for having him in her side every hour, every minute and every second of everyday. Para siya laging nasa alapaap ng panaginip na ayaw na niyang magising dahil sa sayang nararamdaman niya.

"My queen, are you listening to me?" Untag nito habang nakayuko at nakatitig sa kanya. "You're in a deep thoughts."

Ngumiti siya ng matamis at kumapit siya at isinandig ang ulo niya sa balikat nito. "Hindi lang ako makapaniwala sa bawat araw na lumipas na kasama ka. Salamat at tinupad mo ang pangako mo. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sayong, sinasagot na kita." At tumingin siya dito ng may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

Hindi ito umimik. Nakatitig lang ito sa kanya at makikita ang pagkabigla sa buong mukha nito. "Is this true..." He said almost a whispered. Shocked seen all over his handsome face.

Nakangiting tumango siya. "Yes, Love. Real and True."

Mabilis siya nitong niyakap ng mahigpit and he kissed her right on top of her head. "I love you, My queen. Ipinapangako kong hindi ka magsisisi sa akin. I will love you forever and ever."

"I love you too, my king, always and forever." Niyakap niya rin ito ng mahigpit para iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.

    °°

"Love, nakita ko ito sa ilalim ng kama mo. Ano to?" Tanong ni Yul habang hawak-hawak ang may kalakihang kahon. Kanina ng magising siya'y nakita niyang nagwawalis ito ng kwarto niya.

Iyon 'yong kahon na nakita niya noon. Hindi niya lang nabigyan ng pansin dahil lagi siyang abala sa pagtulong kina jeth at isadora.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam. Nakita ko na nga noon iyan kaso hindi nabibigyan ng pansin noong mga nakaraan. Ngayon ko lang naalala dahil nakita mo. Buksan natin?" Tanong niya.

Pumwesto ito sa harapan niya at umusog siya para mabigyan ito ng kaunting espasyo dahil nasa kama parin sila.

May lock iyon at hindi kaagad mabuksan. Nasaan naman ang susi niyon?


"You have a key?" Tanong nito habang ina-halughog ang kahon. Umiling siya. Bumaba ito ng kama at yumukod upang hanapin 'yong susi baka nasa ibaba rin ng kama niya.

"May nakita ka ba?" Tanong niya habang nakasilip dito.

Iwinagayway nito ang kamay nito at naroon ang susing kailangan nila upang mabuksan ang kahon. Hindi niya alam pero may bumundol na kaba sa dibdib niya.

Akmang bubuksan na nito ang kahon ngunit pinigilan niya ito. "Huwag mo ng buksan, kinakabahan ako."

Nangunot ang noo nito. "Why, Love?"

"Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. I can sense something inside of this box. At ayaw kong malaman kung ano man iyon."

Ginagap nito ang kamay niyang pumigil dito upang buksan ang kahon. "You don't have to worry, Love. Hindi kita pababayahan. Okay?" Assurance nito.

Huminga muna siya ng malalim bago nginitihan ito. "I love you." He smiled at her and mouthed the words 'I love you too' before he open the lock.

°°

Lumabas ang nakakasilaw na liwanag sa loob ng kahong iyon pagkabukas na pagkabukas niyon. Agad siyang inabot ni Yul upang hindi siya masilaw ng liwanag. May lumutang na isang papel palabas sa kahon na iyon.

Julia (The Unwanted Elements On Julia's Back!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon