Ilang araw ng hindi dumadalaw si Yul at nami-miss na niya ito ng sobra. Ang sabi nito'y ilang araw itong mawawala, dahil may problemang pampamilya ang mga itong kinakaharap. Tinatanong niya kung ano iyon ngunit hindi nito sinabi dahil kaya naman daw nitong ayusin iyon ng mag-isa. Hindi nalang siya nagtanong at nag-usisa pa. Hinayaan nalang niya ito, may tiwala naman siya na maaayos nito kung ano man ang problema ng pamilya nito. Yul is such a productive and responsible person she had ever known. At wala siyang maipipintas rito.
Napabuntong hininga siya. Agad siyang pumasok sa banyo upang maligo. Kailangan niyang libangin ang sarili niya dahil baka maburyong siya sa sobrang pagkabagot. Wala rin si Anna. Hindi niya alam kung babalik ba ito bukas dahil wala naman itong sinasabi sa kanya basta nagpaalam lang ito na pansamantalang mawawala hindi naman niya ito maaaring pigilan sapagkat wala siyang karapatan. Alam niyang nagiging malaking abala na siya dito kahit hindi nito sabihin sa kanya. Naramdaman niya ang malamig na tubig na bumagsak galing sa shower ng banyo niya sa balat niya at sinimulan na niyang maligo. Palabas na siya ng banyo ng marinig niya ang pag-ring ng cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon nagbabaka-sakaling si Yul ang tumatawag. Nadismaya siya ng makitang hindi naka-rehistro ang numerong tumatawag sa kanya. Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin na niya iyon o hindi. Tumigil ang pagtunog niyon, ibababa na niya sana iyon ng tumunog muli. Hindi na siya nagpatumpik pa agad niyang sinagot iyon.
"Hello?" Bungad niya sa tumatawag. Ilang segundo ang lumipas ngunit wala paring sumasagot sa kabilang linya. "Sino ka?"
May tumawa ng mahina. "Hi, Julie." Bati nito sa kanya. "Si Jeth to."
"Napatawag ka, jeth? Pasensya kana hindi kita nakilala di kasi naka-save yung number mo sakin. Kumusta?"
"Maayos naman. Ang saya ko nga dahil nagka-ayos na kami ng mga magulang ko sa tulong ni Kuya. Ikaw kumusta?"
"Ayos lang din." Tipid na sagot niya.
"Hmm. Gusto sana kitang yayahin mamaya. Kayong dalawa ni Anna. Maaari ba?" Tanong nito.
"Wala si Anna eh. Sa isang araw pa siya babalik dito." Wika niya dito.
"Ikaw pwede ka ba? Kung hindi ako nakakaabala, Julie."
Wala naman siyang ginagawa kaya bakit siya tatanggi diba? Pumayag narin siya dito.
"Okay thanks! I'll pick you up at seven. Take care, Julie." Wika nito at nagpaalam na sa kanya.
Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto niya. Quarter to six na, maaari pa siyang mag-ayos ng sarili. Isang white V-neck blouse ang suot niya at tinernuhan lang niya ng light blue fitted jeans at ang sandalyas na iniregalo ni Yul sa kanya ang isinuot niya. Tinignan niya ang postura niya. Napangiti siya ng matamis ng makita niya itsura niya sa salamin 'napaka-simple' lumitaw ang magkabilang dimples niya dahil sa kanyang pag-ngiti. Inulugay lang niya ang hanggang balikat niyang buhok. Hinintay niya ang oras, ibinigay niya ang address niya sa binata dahil susunduhin nalang daw siya nito. Tumunog ang cellphone niya. Si Jeth. Tinignan niya ang ipinadalang text nito. "I'm on my way. Wait for me." Sinagot naman niya ito na "Okay. Mag-ingat ka sa biyahe."
Ilang minuto ang hinintay niya ng may humintong sasakyan sa harap ng bahay na tinitirahan niya. Nakita niyang bumaba ng sasakyan ang binata at agad siyang nilapitan.
"Hi. Shall we?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Isang tango lang ang isinagot niya dito.
"What do you want to eat, Miss?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"It's 'Julia' Mr." Nakangiting sagot niya. Nakangiting nagkamot ito ng ulo at ito narin ang um-order.
"Salamat at pinaunlakan mo ang paanyaya ko."
BINABASA MO ANG
Julia (The Unwanted Elements On Julia's Back!)
HorrorHorror Fantasy Mistery Magical READ! Ang mga ginamit na lugar, tao, pangalan ng manunulat ay pawang kathang isip lamang. Hindi sinasadya kung may pagkaka-alin tulad sa iba pang mga istorya. Salamat!