Kakatapos lang nilang mananghalian ni Anna at nasa kwarto na siya. Nagpaalam siya dito na magpapahinga muna siya. Ang aga kasi niyang nagising dahil sa masamang panaginip. Bawat sumapit ang araw at gabi hindi siya maaaring hindi dalawin ng nakakatakot na pangyayari. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya bago siya tuluyang makatulog. May nakita siyang babae na nakatingin sa kanya sa Vanity mirror na dinatnan nalang niya sa bahay na tinutuluyan niya ngayon. Wala itong mukha. Ngunit naririnig niya ang marahang pag-iyak nito. May sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan.
Eksaktong kakalapat lang ng likod niya sa malambot na kama ng mapatingin siya sa vanity mirror na nakalagay sa kanang bahagi ng aparador. "Wala siya.." Tukoy niya sa babae. Habang nakatitig siya sa salamin. Ang kabuuhang itsura lang niya ang tanging makikita sa salamin at wala ng iba. Ipipikit na sana niya ang mga mata niya ng mapansing hindi siya nag-iisa sa kama. Dahan-dahan siyang tumingin sa kaliwa niya ng makita ang babaeng nakita niya sa vanity mirror! Nakahiga ito kasama niya habang titig na titig ito sa kanya at umiiyak, duguan ang mukha nito at mukhang tinahi ang bibig nito gamit ang manipis na kawad ng kung sino mang hayop na Tao na gumawa dito ng karumaldumal. Kaya siguro hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito dahil sa kawad na itinahi sa bibig nito. Napaiyak siya. Hind dahil sa takot. Kundi awang-awa siya sa itsura nito, sa sinapit nito. Tumayo ito sa igahan. Sinundan niya ng tingin ang babae at nakita niyang sumusulat ito gamit ang dugo sa mukha.
"Tulungan mo ako, Julia... Nais kong magkaroon ng hustisya ang aking pagkamatay." Basa niya sa isinulat nito. At tumingin ito sa kanya. Ngunit para itong usok na dahan-dahang nawala sa paningin niya.
"Paano kita matutulungan?" Umiiyak na tanong niya kahit wala na ang babaeng nakita niya. Napatingin siya sa papel na dala ng hangin na bumagsak sa terasa ng kwarto niya. Agad siyang tumayo upang kunin iyon. Walang nakasulat. Biglang bumuhos ang malakas na ulan dala ng bagyo. Agad niyang dinampot ang papel dahil baka mabasa ng tubing ulan ngunit ganoon nalang ang gulat niya ng makitang may nakasulat doon! Kaninang tuyo ito'y wala siyang nakitang sulat doon, ngunit bakit ngayong nabasa ito ng tubig ulan ay may nakasulat na doon? Agad niyang binasa.
"Barangay. Sta. Teresita. Violence street." Basa niya sa sulat.
"Ano'ng ibig nitong sabihin?"
"Si Isadora." Napatingin siya sa nagsalita. Si Anna.
"Sinong isadora ang tinutukoy mo, anna?"
"Siya ang babaeng sumulat nito." Sagot nito at itinuro sa kanya ang isinulat nung babaeng nakita niya sa vanity mirror.
"Isadora ang ngalan niya?"
Tumango ito. "Mabuti at na basa ng tubig ulan ang papel na ibinigay niya dahil kung hindi, hindi mo makikita kung ano ang nakasulat diyan."
Tinitigan niya ito. "Bakit alam niya ang tungkol sa babae?" Naguguluhan na tanong niya sa isip at ibinaling na ang paningin niya sa papel.
"Alam ko ang tungkol sa kanya, Julia." Mahinang usal nito. "At totoo ring masyado kang halata sa sinabi mo sa isip dahil nabasa ko ang iniisip mo." Wika nito at umupo sa tabi niya.
"Akala ko ba'y hindi ka nakakabasa ng iniisip?"
"Ayate ni Ayate isle, Julia."
"Nababasa mo bawat sambitin ng isip ko."
Umiling ito. "Hindi, Julia."
Napabuntong hininga nalang siya. "Siguro nga masyado akong halata." Sabi niya.
Tumango ito at nginitihan siya. "Sasamahan kita. Alam kong nais mo siyang tulungan." Sambit nito.
Ngumiti siya ng tipid. "Nababasa mo nga talaga ako. Salamat, Anna. Sana matulungan natin siya upang matahimik na ang kaluluwa niya."
BINABASA MO ANG
Julia (The Unwanted Elements On Julia's Back!)
HorrorHorror Fantasy Mistery Magical READ! Ang mga ginamit na lugar, tao, pangalan ng manunulat ay pawang kathang isip lamang. Hindi sinasadya kung may pagkaka-alin tulad sa iba pang mga istorya. Salamat!