Second Part (Ang duguang lalaking nakahandusay)

11 1 0
                                    

Ilang buwan na ng mangyari ang tagpong iyon sa Capiz. Mula ng matapos ang nakakatakot na ala-alang 'yon. Di na'ko muling ginambala ni Inferno. Pero hindi parin nawawala ang pag-aalala sa puso ko. Nahinto ang pagbabalik tanaw niya ng maramdaman ang dalawang kamay na pumulupot sa baywang niya. Napangiti siya ng masamyo ang pabangong iyon. Hiniharap siya nito at ginawaran ng mabining halik sa mga labi.

"Hindi kana niya guguluhin, Julia. Wag ka ng mag-alala, okay?"

Ngumiti siya at pinakita ang kwintas na bigay ni Apo Isidro na hanggang ngayon suot parin niya.

"Kahit wala yang kwintas na yan dina babalik iyon. Takot lang sakin ni Inferno." Sabi nito at kumindat sa kanya.

Pinisil niya ang ilong nito at niyakap niya ito ng mahigpit. "Wag mo kong iiwan."

"I won't leave you. Promise, peanut." Natawa siya ng marinig na naman niya ang endearment nito sa kanya.

"Peanut.. Miss that endearment, yul."

"When can I hear your 'Yes'?" Seryosong tanong nito.

"I will tell you on the right time. Are you free to wait?"

Bumuntong hininga ito. "Just for you, I'll wait."

Nginitian niya ito ng matamis.

"Kumusta ka sa bago mung bahay?" Nakangiting tanong nito habang inililibot ang paningin sa loob ng bahay. Umiwas siya ng tingin. "Hindi ako panatag sa bahay na ito, yul." Wika niya ngunit hindi niya iyon isinatinig. Ayaw na niyang mag-alala pa ito. Minsan na itong nanginib ang buhay dahil sa pagsama nito sa kanya sa roxas capiz upang hanapin Si Apo Isidro at ayaw niyang maulit iyon. Sasarilin ko nalang ang sarili kung problema,upang wala nakong maabala at maidala ang buhay sa giit ng kamatayan." Sa isip niya habang nakatitig sa binata.

Kakahatid lang niya kay yul sa gate at agad na din siyang pumasok sa loob. Bigla siyang pinanlamigan. Napayakap siya sa sarili ng maramdaman ang malamig na hangin na humaplos sa kanyang batok na ikinatayo ng mga balahibo niya doon. "Wag ka ng bumalik... Maawa ka sakin, inferno. Maawa ka." Mahinang usal niya habang mahigpit ang hawak niya sa kwintas na bigay ni Apo Isidro. Ilang araw na naman siyang parang wala sa sarili. Ayaw na niyang sabihin yun sa binata dahil ayaw na niyang magalala pa ito sa kanya.

Bakit ganito ang aking nararamdaman? Para akong kriminal na takot na takot na mahuli ng mga alagad ng batas na parang nakapatay ng Tao sa labis na takot na nararamdaman ko. Hindi ako ito. Nasaan ba talaga ako? Nasaan ako...

Pula na naman ang buwan. Nagbabadya ang malakas na ulan. Nakaupo siya sa terasa ng bahay na pansamantalang tinutuluyan niya. Kasalukuyang isinasangguni sa telebisyon at radyo ang paparating na bagyo. Mukhang parating na nga...

Ang malakas na ulan.

Muntik na siyang mabuwal ng may kumalampag sa baba. Dali-dali siyang bumaba upang tignan kung ano iyon. Nanlaki ang mata niya ng makita ang isang duguang lalaki na nakahandusay sa lapag at mukhang nanghihingi ito ng saklolo sa kanya.

"Iligtas mo 'ko. Maawa ka..." Nagmamakaawang saad nito. Umusad ito palapit sa kanya habang nakataas ang kanan nitong kamay at pilit siya nitong inaabot. Napasigaw siya ng maramdaman ang kamay nito sa binti niya. Kumawag siya ng kumawag para matanggal ang pagkakahawak nito sa paa niya. Agad siyang pumanhik sa itaas ng bahay upang takbuhan ang lalaki. Ngunit ganoon nalang ang pagkahindik niya dahil ang lalaking nakahandusay kanina sa ibaba at he to at nasa harapan niya at pilit inaabot siya. Napasigaw siya sa labis na takot. Agad siyang lumabas ng bahay upang humingi ng tulong. Ngunit kahit isang Tao wala siyang matanaw. Takbo lang siya ng takbo. Wala siyang pakialam kung lumalakas na ang hangin. Ang nais niya'y makalayo sa bahay na iyon. Malakas na preno ng kotse ang bumusina sa harapan niya dahilan para mapahinto siya. Napapikit siya ng mahigpit ng malapit na ang kotse sa kinatatayuhan niya. Ngunit nakatayo parin siya. Hindi siya nabangga! Binuksan niya ng dahan dahan ang kanyang mga mata. Nawala ang takot niya ng mapagsino ang taong nasa harap niya. "Anna....." Usal niya.

"Isomara, Julia. Nagagalak ako at muli tayong nagtagpo." Nakangiting wika nito at may mabining ngiti sa mga labi.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Adisa oroke para mise, apo isidro." Wika nito na hindi niya maintindihan.

"Ano ang iyong tinuran? Hindi ko maintindihan." Naguguluhan paring tanong niya dito.

"Nandito ako dahil ako'y ipinadala ni Apo Isidro upang ika'y bantayan. Bakit ka narito sa daan?"

"Natatakot ako, Anna. May lalaking duguan sa bahay. Mukhang isa siyang multo." Turan niya.

Umiling ito. "No amo re ispedise, Julia."

"Maaari bang wag kang magsalita ng lengguwaheng 'yan? Sapagkat hindi kita maintindihan."

Ngumiti ito. "Wala kang dapat ikatakot, Julia. Na sayo ang kwintas ni Apo isidro."+

Magrereklamo pa sana siya ngunit hinakay na siya nito papasok sa sasakyan.

"Hindi mo na kailangan na ako'y bantayan. Kaya ko ang sarili ko, Anna. Ayaw kong pati ikaw ay aking maabala."At ano ang ipapaliwanag mo sa akin sa nadatnan kong itsura mo? Habang tumatakbo ka               at takot na takot sa kung sino mang lalaking nakahandusay na sinasabi mo. Isa akong             kaibigan, Julia. Magtiwala ka."

Tinitigan niya ito at nakita niya sa mga mata nito na sinsero ito sa tinuran. "Nagtitiwala ako sayo." Mahinang usal niya at ibinaling na sa labas ang paningin.

"Maligayang pagdating sa aking pansamantalang tahanan, Anna." Wika niya at pumasok na sa loob ng bahay.

Nakangiting tumango ito. "Julia." Tawag nito.

"Bakit?"

"Sana kahit sino man ay walang makaalam na may kasama ka dito. Maging saiyong kasintahan." Tugon nito habang inaayos ang mga gamit nito.

"Sino ang tinutukoy mong kasintahan ko?"

"Yung lalaking kasama mo noon sa gubat." Tukoy nito kay Eli o Yul.

"Wala pang namamagitan samin." Sagot niya at ibinaling ang atensiyon sa paglalagay ng sobre kama.

"Ngunit nababasa ko saiyong mga mata na may pagtingin karin sa kanya."

Tinitigan niya ito. "Tama ka, Anna. Itinatangi ko rin siya."

"Bakit iyong sinisikil? Makisig siyang lalaki, Julia. At alam ko rin na maganda ang intensiyon niya sayo." Saad nito habang isinisilid ang mga damit nito sa maliit na aparador sa kwartong ookupahin nito.

"Nakakabasa----"

Mabilis itong umiling. "Hindi ako nakakabasa ng iniisip ng Tao. Sadyang halata lang sa itsura mo kaya tumatama ako sa mga sinasabi ko." Nakangiting wika nito.

Napanganga siya sa sinabi nito. "Nakakahiya.. Masyado ba akong halata?" Nahihiyang turan niya.

Mabilis din itong tumango. "Ayate ni Ayate."

"Halatang-Halata?" Hula niya sa sinabi nito. Mabilis na tango din ang isinagot na naman nito. (Masanay na ko na jejemon 'tung pansamantalang makakasama ko) sa isip ni julia.

"Hindi ako jejemon, Julia. Tao ako." At napanganga na naman siya dahil nabasa na naman nito ang nasaisip niya. "Ganoon ba ko ka halata?" Tanong niya sa isip.

"Ayate ni Ayate." Nakangising turan na naman nito at humalakhak. Natawa narin siya kahit papano. 

Julia (The Unwanted Elements On Julia's Back!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon