Chapter 1

2.6K 19 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa tambayan ko . Mahilig akong tumambay sa lugar kung saan ay tahimik. Maganda kasi sa tahimik na lugar, doon nakakapag relax ako at nakakapag bulay-bulay nang mga nagaganap sa buhay ko. Ilang sandali pa, malapit na ako sa tambayan ko ng may nakita akong isang babae na nakahiga kung saan madalas akong naka pwesto tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya, ang tangos ng ilong, morena siya, manipis at mapula ang labi, at may 5'6 ang taas. Para siyang isa sa Victoria secret model.

Inaabangan ko ang pag dilat ng kanyang mga mata. Hanggang sa ilang sandali nakita ko ang pag dilat ng kanyang mga mata, tila huminto ang oras ng minulat niya ang kanyang mga mata. Napaka amo ng mata niya, simple pero napaka ganda. Hindi ko namalayan na tinatawag na niya pala ako.

"Uy kuya, nakatulala ka para kang nakakita ng multo." Sabi niya

" Ay sorry miss, ako nga pala si Clyde Arden Paulino. Arden ang kadalasan tawag nila sakin." Sabi ko

" Hi Arden ako nga pala si Rica Haily Tayao. Rica ang kadalasan tawag nila sakin. Arden, mauna na ako ha?! baka kasi hinahanap na ako ng mga magulang ko, hindi kasi ako pamilyar sa lugar na ito bago lang kami dito. At simula na ng klase bukas." Sagot niya

"Sige, bye Rica." Sagot ko.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon