Chapter 4

496 2 0
                                    


"Babe, wait." sabi ko

nakita ko na huminto siya at nag simula ng pumatak ang kanyang luha, halos mabasag ang puso ko ng makita ko siyang umiiyak.


"Babe what is the problem, answer me." sabi ko


"Aalis ako Arden!! I have to work abroad. At matatagalan bago ako umuwi. Natatakot akong sabihin sayo kasi ayoko na masaktan ka." sagot niya


"Alam ko na aalis ka Rica, nakita ko sa kwarto mo ang mga papeles mo. Hinihintay ko lang na sabihin mo sakin." mahinahon kong sagot

"Sorry Arden, mahal kita pero kailangan kong gawin to para sa atin. Kaya ako nag lihim sayo na aalis ako." sagot niya

"Alam ko Rica, mahirap ang long distance. Ayoko na mag lokohan tayo Rica. Sabihin mo sa akin ang gusto mong desisyon." sagot ko 

"Sorry Arden, pero pangako babalik ako. Sana sa pag balik ko ikaw pa din yung arden nanakilala ko. Mahal kita arden at hindi mag babago yun." Aniya

"Papayag ako sa desisyon mo Rica, gusto ko na makamit mo yung mga pangarap mo sa buhay. Mag hihintay ako sa pag babalik mo Rica. Mahal na mahal kita." sagot ko


at pumunta na kami sa sasakyan, tahimik lang kaming dalawa sa byahe. 


Kitang kita ko ang mga lungkot sa mata ni Arden, pero kailangan kong gawin to para sa aming dalawa. Pangako Arden babalik ako. Babalikan kita.


Isa lang ang nasabi ko sa sarili ko, tinitigan ko siya hanggang sa pag baba niya ng sasakyan ko. hihintayin kita Rica, hihintayin kita. 

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon