Chapter 8

426 3 0
                                    

Nasa kanto na ako ng bumuhos ang malakas na ulan, at nakita ko ang isang babae na nagangatog na sa lamig. Kaya naman agad na bumaba ako at pinayungan siya at iniabot ko ang jacket ko.

"Miss, okay ka lang ba? Saan ka ba nakatira ihahatid na kita." Mahinahon kong tanong

Hinawakan ko siya at naramdaman ko ang sobrang init niya. Kaya naman sinakay ko kaagad siya sa sasakyan ko at pinatuloy ko muna siya sa bahay namin.

Dinala ko siya sa kwarto ko at hiniga.
Tinawag ko si manang upang siya ang mag palit ng damit doon sa babae.

"Manang Celia, kayo na po ang mag palit sa knya ipag hahanda ko lang siya ng souo at gamot." Sabi ko

"Sige po sir." Sagot niya

Pamilyar ang mukha sa akin ng babae parang nag kita na kami. Pinag luto ko siya ng soup at nag akyat ako nito sa kwarto kasama ang gamot.

Habang natutulog siya lumapit ako sa kama at chineck ang temperature niya. 39 ito ang taas. Napakagat ako ng labi, ng matitig ako sa knya. How can be a sick woman so become beautiful...

maputi siya at chinita, mapula ang labi at matangos ang ilong. Inalis ko ang titig ko sa knya ng bigla siyang kumilos.

"Nasaan ako." Aniya

"Nandito ka sa kwarto ko, nakita kita sa may kanto basang basa ka ng ulan kaya naisip ko na dalhin ka dito sa bahay."marahan kong sagot

Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal.

"What is wrong with you??" Siryoso kong tanong

"Nasaan ang damit ko? Bastos ka!!! Bastos!!" Galit niyang sabi

"Kaya ka ba nag wawala." Nakangisi kong sabi

"Bastos! Wala na talagang gentleman na lalaki umalis ka nga sa harapan ko!!." Aniya

"Oo na, lalabas na ako sa kwarto ko hiyang hiya naman ako." Natatawa kong sabi

Bwisit na lalaki un, paano niya ginawa un sa babaeng may sakit.. sinasamantala niya ang kahinaan ko...

"Manang, ikaw na ang mag bigay sa babae na yun ng gamot at pakainin mo din siya nung soup." Sabi ko

"Sige po sir." sagot niya

"Ma'am kumaen po muna kayo, at uminom ng gamot." Malumanay na alok ni manang

"Salamat po manang, ang sarap naman po ng luto niyo." Sabi ko

"Naku ma'am masarap po ba? Sige po sabihin ko po kay sir na nasarapan kayo sa luto niya." Natatawang sagot ni manang

"Ano po? Siya po ang nag handa nito para sa akin?? Yung lalaking bastos na un?" Sabi ko

"Manang, may tanong po ako. Sino po ang nag palit ng damit ko." Tanong ko

"Ako po ma'am tulog po kasi kayo kanina noong pinalitan ko kayo basang basa po kayo at sinabi sa akin ni Sir na ako po ang mag palit sa inyo." Sagot niya

Nahiya ako bigla sa sagot ni manang gusto kong mag pakaen na sa lupa.

"Ija, after mo uminom mag pahinga kana. Mataas pa ang lagnat mo." Sabi niya

"Sige po manang, akala ko po ay siya ang nag palit sa akin kaya po bastos ang tawag ko sa knya, mag sosorry na lang po ako bukas pag magaling na ako." Ngiti kong sagot kay manang

"Sige ija, Good night." Ngiting sagot ni manang

"Salamat po manang." Sagot ko

"Sir tulog na po si ma'am. Saan po kayo matutulog ?" Bungad ni manang

"Dito na lang sa sala manang, mag pahinga na din po kayo, Good night po manang." Ngiti kong sabi

"Good night Sir." Sagot niya


Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon