Simula

106 7 2
                                    

"Aish! Walang kwenta!" Itinapon ko ang librong binabasa ko sa isang basurahang nakita ko.

Nagsimula akong maglakad. Hinanap ko ang library ng bagong paaralang pinapasukan ko.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang marating ko ang destinasyon ko. Naghanap ako ng libro.

Hanggang napadpad ako sa pinakadulong section. Punong puno ito ng mga lumang libro. Nadako ang tingin ko sa isang libro.

Kinuha ko ito at binuklat. Sa unang pahina pa lamang ng istorya ay mababasa mo na ang mga katagang;

"Isang trahedyang hindi mo matatakasan.... Salamat sa pagsama.."

Napakunot ang noo ko. Anong ibigsabihin ng mga katagang iyon. Napangiti ako. Mukhang nakita ko na ang istoryang babagay sa akin.

Ngunit yun ang akala ko. Isang sumpa ang pinasok ko. Tulungan mo ko.. At nga pala, salamat sa pagsama sa trahedyang ito. Sa sumpang pinasok ko.

The Killer Eye [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon