Naomi's POV
Nasa dorm room ako. Iisa lang ang dorm room naming Section Ac pero may iba ibang kwarto sa loob. Nasa loob ako ng kwarto ko at nakahiga sa kama. Muling bumalik sa akin ang mga nangyari noong unang araw ko dito. Usang buwan na rin pala ang nakakalipas.
Flashback
Tila ba tumigil ang mga mundo nila ng tumunog ang bell. Okay, ang weird nila.
"Oh no." Napapikit si Alexis na tila ba sobrang laking problema ang pagpunta sa classroom.
"Anong meron? Okay lang ba kayo?" Tanong ko pero di nila ako pinansin.
Napansin ko na dumating na ang mga estudyante pero di tulad ng ibang paaralan, sobrang tahimik ng hallway na tila ba mga takong na lang mga sapatos ang maririnig sa hallway. Sa kabila ng katahimikang ito may isang tunog ang nakakuha ng pansin ko. Para itong tunog ng gate na sinara o nilock. Napahinto ang ilan sa paglalakad. Ano ba talagang meron?!
"Tara? Pasok na tayo." Kahit hindi ako sigurado na maihahatid nila ako sa classroom ko ay sumama pa rin ako sa kanila. Hindi sila nagsasalita. Lahat pigil ang hininga. May kung ano talaga sa school na toh at hindi ako titigil hanggang hindi ko malalaman kung ano yon.
End of flashback
Umiling ako at tumayo. "Hindi ako makakatulog sa ginagawa ko eh."
Naglakad ako papuntang kusina at kumuha ng gatas. Kumuha na rin ako ng chocolate cake.
Kinakain ko yung chocolate cake ng maramdaman kong may paparating itinago ko ang baso ng gatas at yung chocolate cake ko sa ilalim ng mesa at nagtago doon.
Ivan's POV
Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng gatas at chocolate cake. Humikab ako dahil inaantok na talaga ako kaso nakaramdam ako ng gutom kaya naglakad ako papunta dito.
Binuksan ko yung ref at kumuha ng gatas at chocolate cake. Isinara ko yung ref gamit ang paa ko dahil may hawak ako sa magkabilang kamay.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng maramdamang may iba pang tao dito bukod sa akin. Di ko yon pinansin at naglakad papunta sa mesa. Ipinatong ko ang mga pagkain ko don. Tumalikod uli ako para kumuha ng tinidor pero may babae na akong nakita pagkaharap ko.
"AAAAHHHHH!" Sabay kaming napasigaw nung babae. Nagulat ako ng bigla siyang madulas kaya sinalo ko siya. Tinitigan ko siya hanggang sa marecognize ko na si Naomi pala toh. Ang ganda niya talaga pag malapitan. Nagkatitigan kami. Ang ganda ng mga mata niya.
"Ooohhh." Agad kaming napabitaw sa isa't isa ng marinig ang boses ni Leonard.
"Nagmamadali kaming pumunta dito ng marinig namin ang sigaw niyo kasi akala namin kung ano nang nangyari. Yun pala iba yung iniisip naming nangyayari sa totoong nangyayari dito. Hihi. Kinikilig ako." Sabi ni Alexis sa matinis na boses.
Umakbay sa akin si Leonard na onti na lang masasapak ko na. "May nasira ba kami, bro?" Nangaasar niyang tanong.
"Gago." Yun na lang ang nasabi ko kasi naiinis talaga ako. Tinignan ko si Naomi at nakitang namumula siya. Ang ganda niya putangina. Nadako ang tingin ko kay Maddie at nakitang nakatingin din siya sa akin.
Naomi's POV
Nakita kong napatingin si Ivan kay Maddie. Nagulat ako ng makita ang sakit sa mga mata ni Maddie at galit sa mga mata ni Ivan. Anong meron sa kanilang dalawa? Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang sakit sa mga mata niya.
Unang umiwas ng tingin si Ivan at inilipat ang tingin sa akin. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Maddie sa ginawa ni Ivan. Anong problema?
"Di din ba kayo makatulog?" Napatingin ang lahat kay Kimberly. "Laro tayo! Gusto niyo?"
Agad naman akong tumango dahil nabobored na ako. Wala naman kasi akong magagaw dito kung tatayo lang.
"Tara! Laro tayo ng killer eye. Alam niyo yun?" Tanong ni Venny habang naglalakad kami papuntang sala.
Alam ko yun. Nalaro ko na yun nung bata pa lang ako. Sobrang saya kaya ng larong yun. Isa din yun sa mga nagpapaalis ng pagkaboring ko dati.
"Oo. Diba larong pangbata yun? Sigurado ka bang gusto niyo yung laruin yun?" Tanong ni Robin.
Oo nga noh? Pero ayos lang naman sa akin kasi masaya naman laruin yun.
"Okay na yan Robin. Para hindi tayo ma boring kahit papaano." Sabi ko sabay tapik ng balikat niya.
"Oo nga! Kj ka lang kambal diba babe?" Sigaw ni Robert sa akin. Kulang na lang mapairap ako sa sinabi niya. Landi din ng taong toh eh.
Umupo kami sa sofa. Naglabas ako ng papel at nasimula na silang magsulat.
Nakaupo ako sa sahig katabi si Leonard habang katabi naman niya si Venny na katabi si Kimberly na katabi ng kapatid niyang si Alexis habang katabi naman ni Alexis si Robert na katabi si Robin na katabi ni Ivan na siyang katabi ko. Gets niyo?Napagpasyahan namin na Isang Jugde, killer, doctor at police lang ang gagamitin namin at dalawang victims at witnesses.
Habang nagsusulat sila ay napatingin ako kay Venny na may suot na silver na kwintas. "Ano yan Ven?" Tanong ko sa kanya.
"Eto ba?" Tinuro niya ang kwintas na nasa leeg niya kaya tumango ako. "Bigay lang to sa akin. Nakita ko lang kaya sinuot ko." Napatango na lang ako.
"Tara! Bunot na kayo!" Isa isa kaming kunuha ng nakapaikot na papel sa nakalahad na kamay ni Maddie.
Agad kong tinignan ang nakasulat sa papel na binunot ko. Witness.
"Tara! Let's start! Soo..... who's the killer?" Mapanuksong tanong ni Alexis.
Natawa kami ng bahagya pero ay! Wag kayo! Stay strong si Ivan sa kanyang poker face!
Pinagmasdan ko ang mga kaibigan kong seryoso sa paghihintay sa pagkindat ng killer. Naaakkkk-- WTF?!
Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw. Nagkaroon ng matagal na katahimikan. "I- i'm dead" Narinig ko ang boses ni Venny.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero agad akong tumayo at patakbong nagpunta sa switch ng ilaw. Agad ko itong binuksan at agad tumingin sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"AAAAAHHHHHHHH!!!"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•Ops! Sorry!😂
BINABASA MO ANG
The Killer Eye [On-going]
Misterio / SuspensoLahat ng nakikita mo ay isang napakalaking ilusyon. Lahat ay may halong kasinungalingan. Lahat ay isang pagpapanggap. Kapag sinimulan mong basahin ang istorya, ikaw ay mapapasali sa laro niya...... Ang killer eye.